Part-3

39 28 84
                                    


Catahleya

Day had come at ilang oras na lang ay lalapag na ang sinasakyan naming eroplano sa airport ng Pinas.

I feel a bit nervous. Normal lang naman siguro ito dahil ilang taon din ang lumipas simula ng umalis ako ng Pinas.

I feel the warm hands holding mine. Napangiti ako sa kanya at mahigpit ko ding hinawakan ang kamay niya na parang kumukuha ako ng lakas mula sa kanya..

"Mom." malambing kong tawag sa kanya at inihilig niya naman ang ulo ko sa balikat niya..

"Everythings will be fine baby. You don't have to worry." pagpapakalma nito sa akin..

Napatango naman ako at mas lalo pang lumapit sa kanya.. Nakuha niya naman ang gusto ko kaya niyakap niya ako mula sa gilid ko.

I want to feel safe with her embrace. It's like a great shield for me against the things that I'm scared of.

Napapikit ako sa komportableng init dala ng yakap niya kaya hindi ko napansing napaidlip ako.

"Hey little bear wake up." malambing na sabi ni Kuya Zau.

Dahan-dahan naman akong napamulat at automatiko akong napangiti ng mapagmasdan ang magaganda niyang mga mata. We have the same color of the eye kahit hindi talaga kami magkapatid.

"We're here little sis." nakangiti niyang sabi kaya nagpalinga-linga ako sa paligid. Kaming dalawa na lang pala ang natira sa loob ng eroplano.

"Where's Mom?" kaagad kong tanong sa kanya na ikinatawa lang niya habang inalalayan akong tumayo.

"How could you say that you're not a baby anymore kung paggising mo si Mom kaagad ang hinahanap mo?" nakangiti nitong tanong na nginusuan ko lang ulit.

"Nasanay lang ako Kuya Zau."

"Tsk. That's the reason why Mom always spoils you for everything little bear, dahil alam niyang kaagad mo siyang hahanapin kapag nawawala
siya sa paningin mo."

"Mmm.." nakangiti ko lang na sagot sa kanya..

I know I'm spoiled not only by Mom but to him also and Kuya Zac. But I'm not  bad spoiled brat.. I sometimes cold and not interested to others but I'm not rude. Mom teach me the good manners and being respectful to other people.

Nang makalabas na kami sa gate ng mga passengers, I immediately saw Mom and Kuya Za dala-dala ang mga luggage namin. Lumapit na kami sa kanila at nakangiti akong napayakap sa kaliwang braso ni Mom.

"Come here little brat." sabi ni Kuya Zac habang may kinukuha sa handybag niya.

Nagtaka naman akong bumitaw sa braso ni Mom at kaagad na lumapit sa kanya..

"You should wear this." At pinasuot niya sa akin ang isang itim na coat na tumakip sa kulay light yellow kong above the knee sleeveless dress.

A coat in this kind of weather?

Napasimangot na lang ako sa nilagay niya. Ang init kaya. Nakakapanibago kasi ang klima ng Pinas.

"They are staring at you Little brat." madiing sabi niya habang nagpalinga-linga sa paligid.

Tumingin naman ako sa paligid at tama nga ang sinabi niya dahil nakatingin ang karamihan sa direksyon namin.

Wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya sa gusto niya. Trip din talaga ni Kuya Zac ang pakialaman ang suot ko. Mas conservative pa siya kaysa kay Mom.

Live. Love. LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon