Part-10

21 12 43
                                    


Catahleya

Meowww... meowwww...meowww

—-ringtone ng phone ko.

At alam ko na kung sino ang tumatawag. Tsk! Ang kapal ng mukha niyang lagyan talaga ng sariling ringtone ang contact niya..

"Hello!!" padabog kong sagot sa kanya. Pero wala akong marinig sa kabilang linya..

"Hello???!!" sambit ko ulit..

"Hey! Are you there?? Kung ayaw mong magsalita papatayin ko na to.. storbo!!" inis kong sabi.. wala naman palang sasabihin bakit pa siya tumawag.

"See you at the P-room tomorrow morning. Don't be late!" —mabilis niyang sabi at kaagad akong binabaan ng tawag.. What's wrong with him!?

"Tsk! That jerk! Nanggigil na talaga ako sa kanya!! Arghhhhh!! Nakakainis!! Bakit niya ako binabaan ng tawag? — ang lakas ng trip niya!!!" para akong baliw na nagagalit dito sa loob ng kwarto ko..

"Little bear.. what's wrong?!!" sigaw ni Kuya Zau mula sa labas ng pintuan.. Aishh narinig pa ata ako..

"No—nothing Kuya Zau." sabi ko at inayos na ang sarili ko.

Pumasok naman siya at matamang tinignan ang paligid ng kwarto ko..

"What are you doing Kuya?" nagtataka kong tanong sa kanya..

"Checking! Para kasing may kausap kang iba kanina."

Napangiwi ako sa kanya. That's only me na nababaliw na dahil sa gagong lalakeng iyon.!

"Kuya Zau.." simangot ko sa kanya. Pinaghihinalaan niya pa atang may tinatago ako sa loob ng kwarto ko..

He just frowned at umupo na din sa kama ko.

"Kumusta ang pag-aaral mo little sis?" tanong niya sa akin.

Napangiti naman akong maalala ang kambal kong kaibigan.

"My studies are fine Kuya Zau and I already had a friend.." masaya kong balita sa kanya. Batid niyang simula noong napunta ako sa kanila ay wala akong naging kaibigan bukod sa kanila na pamilya ko.

Napangiti naman siya sa akin at magaan niyang hinaplos ang buhok ko..

"I'm happy for you little sis. Next time ipakilala mo sila sa amin, okay?"

Napatango naman ako sa kanya. That would be good.. Siguradong matutuwa din sila kapag nakita ang kambal.. Everett and Hunter..

Kuya Zau stayed in my room until I fall asleep.

Kinabukasan siya din ang naghatid sa akin pagpasok sa school dahil busy si Kuya Zac sa school projects and ojt niya. Sana nga doon siya nagiging busy dahil malalagot talaga siya sa akin kapag totoo ang sinabi ni Everett na marami siyang babae! Tsk!

"Bye Kuya." paalam ko kay Kuya ng nakarating na kami ng school. Hindi ko na siya pinayagang ihatid pa ako sa loob dahil alam ko naman na ang way papunta sa class ko.

"Take care, okay? Bye little bear.." paalam niya din at hinalikan ako ng magaan sa ilong.

Lumabas na ako ng sasakyan niya at hinintay niya pa akong makapasok sa gate bago niya pinaandar ang sasakyan niya paalis..

Meowwww.. Meowww... meowww..

ringtone ko na naman.

"Hello!!"

"Where the hell are you.. diba sinabi kong bawal kang ma-late!!" bulyaw niya sa kabilang linya.. Napatingin naman ako sa relo ko..

Ang aga pa ah!

Live. Love. LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon