Part-6

34 21 68
                                    


Catahleya

Nakatulala lang akong nakatingin sa lalakeng nakikipagsuntukan sa harap ko.

Iniiwas ko ang tingin ko pero bumabalik parin ito sa lalakeng malakas na nakikipaglaban sa mga goons..

Ni hindi man lang nila ito madampian ng kahit na mahinang suntok o tadyak. Walang kahirap-hirap lang nitong napapatumba ang kalaban niya at patuloy na umiiwas sa mga suntok at sipa ng iba pa.

He's a great fighter! Mas magaling pa ata siyang makipaglaban kaysa kay Bruce lee, Jet lee o kahit sa lahat ng Lee.. Isali pa si Jackie Chan.

Bigla siyang napatingin sa akin at nag-aalab ang mga matang bumaling sa likuran ko..

Pinaling ko naman ang ulo ko at nilingon ang nasa likuran ko.

Nanlaki ang mata ko sa lalakeng may hawak ng baseball bat sa likod ko. Idadamay niya ba ako?

Napahinto naman ito sa aktong gagawin niya ng nginitian ko siya.. Killer smile?

He shouldn't mess with me.

Napanganga lang siya sa akin.. At ngayon ko napagtantong, hilig talaga ng studyante dito ang ngumanga..

Ilang segundo lang ang nagdaan ng malakas siyang sinipa ng lalakeng tinawag nilang Emperor kanina kaya napabulagta siya sa lupa.. Napatingin naman ako sa paligid at puro nakahandusay na ang bugbog saradong katawan ng mga kalaban..

Gusto kong pumalakpak.. Live ang action scene!

They are weak.. Iisang tao lang ang kalaban nila pero bugbog sarado pa sila.. Tsk!

"What are you doing? Bakit ka nakatulala lang diyan? I told you earlier to leave! Are you stupid?" galit nitong bulyaw sa akin..

Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Bakit ba lage siyang galit?

Inirapan ko lang siya at padabog na naglakad. I don't know how to get back on my room.. Papaano ako aalis?

Hindi pa ako nakakalayo sa kanya ay nagsalita ulit siya.

"Hey, are you new here?!" galit pa rin nitong tanong.

Nakasimangot lang akong tumango sa kanya.. Napag-isip isip niya sigurong bago ang pagmumukha ko sa Academy na ito.

"And you don't know where to go?!" salubong ang kilay niyang sabi.

"Yes your highness!" sarkastiko kong sagot at pagtawag sa kanya. Emperor daw eh! Your highness ang banggit sa mga korean drama doon.

Napanguso na lang ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

Sandali naman siyang natigilan at nakatitig lang sa nakanguso kong pagmumukha.

Maya-maya ay napapailing siya na parang nabalik sa sarili.

"Your highness!" paulit-ulit niyang bulong sa sarili na hindi ko na maintindihan dahil sa hina ng pagkakabigkas niya.

Napipilitan siyang maglakad palapit sa akin at sinamahan akong maglakad pabalik ng classroom ko. He already know what my class dahil tinignan niya ang kulay ng necktie ko kanina na siyang indicator sa mga section dito sa Academy. —kulay red ang necktie ko na siyang kulay ng mga Medians., yellow naman ang L-class at royal blue ang U-class.

Live. Love. LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon