CatahleyaIlang araw ang lumipas at nasanay na din akong pumasok sa Academy.
My classmates are the same., they will approach me pagpasok ko., talk about ramdom stuff na tinatanguan ko lang palage at ang kaisa-isang tao lang na hindi nakikipag-usap sa akin ay ang babaeng katabi ko.
Napag-alaman ko ding sa kanya ang inuupuan ko kaya pala tinitigan niya ako nung unang beses niya akong nakita dahil pala iyon sa upuan niya.. Narealized ko tuloy na doon talaga sila madalas nag-uusap ng lalakeng iyon.
Ngayon nga ay nakaupo ako sa nakasanayan ko ng upuan at katabi ko siya. Gusto ko siyang tanungin kung gusto niya bang makipagpalit sa akin ng upuan dahil siya naman talaga ang nauna dito. Pero nagdadalawang-isip akong maunang makipag-usap sa kanya.
Maya-maya ay tumikhim ako para makuha na ang pansin niya..
Lumingon naman siya sa akin at tumingin kaya awkward akong napangiti sa kanya.
"Ahh.. Gusto mong makipagpalit ng upuan?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"No!" maikling sagot lang niya at napayuko ulit sa upuan niya para matulog.
Napabuntong hininga naman ako. Tsk..
"You already like that place., bakit ka pa makikipagpalit sa pwesto ko?" muli nitong pakikipag-usap sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.
Tama naman siya. Gusto ko na ang upuang ito dahil komportable na ako at naaaliw ako sa nakikita sa labas ng bintana.
"You are the first owner of this sit." sagot ko sa kanya.
"No! It's yours now.. Nakukulitan na din ako sa kakakatok ng lalakeng iyon." tukoy niya doon sa lalakeng kasama niya.
"Uhh?!"
"He is my brother baka anong isipin mo.." biglaang bigay alam niya..
"Ahh.. Yeah.. You look alike." baka ano din ang aakalain niya sa iniisip ko.
"It's normal because we are twins." simple niyang sagot..
Natuwa naman ako sa sinabi niya.. Kambal sila.. Ang galing!
And it made me realized something!
"OMG! I want to see your brother.. Ang galing, kambal pala kayo!" excited kong sabi sa kanya..
Napanganga naman siyang napatingin sa reaction ko..
"What??" takang tanong ko sa kanya. Nag-overeact ba ako?
"Your weird." naiiling niyang sabi.
Nagsalita ang hindi mukhang weird!
"It's fine.. We're the same weird.." ngiti ko sa kanya..
Napatawa naman siya sa sinabi ko at nag-abot ng kamay.
Nagtataka naman akong napatingin sa kamay niya..
"I'm Everett and my twin is Hunter.." nakangiting sabi niya..
"I'm Catahleya." at natutuwa akong inabot ang kamay niya..
"Uhh! Here he is." sambit niya at sumenyas sa bintana..
Nilingon ko naman ang lalake at nginitian. Magkamukhang-magkamukha nga talaga sila ni Everett..
Napatulala lang itong nakanganga na namang nakatingin sa akin kaya naiiling na lang ang kakambal niya..
Ilang oras ang lumipas at lunch time na. Ayokong pumunta ng canteen dahil ayaw ko sa mga masisikip at matataong lugar.. Mananatili na sana ako sa loob ng classroom ng pumasok ulit si Everett sa room at inaya akong pumunta sa hide out nila ng kakambal niya..
BINABASA MO ANG
Live. Love. Lie
Teen FictionTeenfiction Catahleya Nicolai Florence love writings, painting and reading books. A 17 year old girl who can't remember about her past. 8 years ago she had a tragic accident that made her memory loss. After the accident, Florence family decided to...