Part-5

34 23 76
                                    



Catahleya

First day in my school and Kuya Zac is my designated driver for today dahil maagang umalis si Kuya Zau para sa trabaho niya..

Gusto ko na namang magtakip ng tenga dahil sa walang kamatayang pagsa-sound trip ni Kuya Zac sa loob ng kotse. Halos kabisado ko na nga din ang lyrics ng kinakanta niya pero nakakapagtaka lang na hindi niya pa rin ito kabisado hanggang ngayon dahil mali-mali pa rin ang lyrics niya.

Kuya Zac is a fan of Maroon 5.. at isa sa paborito niyang kanta ang Memories na minsan naiinis na akong marinig at natatamaan ako sa pamagat nito. Wala pa rin akong matandaan..

Kahit pa nakakalungkot ang lyrics ng kanta, naiiba ang kahulugan nito kapag si Kuya Zac na ang kumanta.. Na kapag nasa malungkot kang point ng buhay mo o broken hearted ka, mapapatanong ka na lang sa sarili kung dapat ka pa bang makaramdam ng lungkot sa tuwing maririnig mo ang kanta niya. Iniiba niya ang lyrics. Literal..

"Ang lamig nang boses ko no little brat.." pagmamalaki niya.

Napangiwi lang ako sa harapan niya..

Oo. Ang lamig nga! Parang binasag-basag na bloke ng yelo sa lamig.. basag-basag.

Nagpatuloy siyang feel na feel kumanta sa loob ng kotse.. Napapaisip na akong patayin ang  stereo niya pero baka mas lalo ko lang marinig ang boses niya.

Napasandal na lang ako sa upuan ko at pinili na lang tumingin sa labas..

"Are you nervous little brat?" tanong nito.

"Mmmm.. a little.." baling ko..

"You're going to be fine little sis. Just be yourself, okay.. at kapag may lumapit sayong lalake tawagan mo lang ako.." determinado na niyang dagdag.

"Why?" inosenteng tanong ko.

"I will beat them to pulp little brat! Boys are extremely prohibited this time, —-always remember that.."

Napakunot lang ang noo ko sa kanya. Imposible namang walang lalake ang makakalapit sa akin.. This is a school anyway..

"Your classmates are all girls anyway.. I had the back ground check earlier.."
pahayag niya.

"That's a relief." mahina kong reaksyon. Hindi naman siguro ako masyadong mahihirapang mag-aral kung mga babae ang kaklase ko.

"Call me if you need anything, okay?"

Napataas-kilay ulit akong napaharap sa kanya..

"Ang layo kaya ng College school sa Academy Kuya Zac."

Kuya Zac is a 4th year college this year at next year lang ay ga-graduate na siya sa kursong business management.

"Kahit na.. I have my wings for you little brat." nakangisi nitong sabi na patungkol sa mabilis niyang pagmamaneho na akala mo ay lumilipad na sa bilis.. He is also a car racer kaya bagay talaga sa kanya ang maging driver ko, but he know I have a phobia in vehicles kaya sakto lang ang bilis ng pagpapatakbo nito sa tuwing kasama ako.

I just frowned at him. Hindi naman pweding storbohin ko pa ang pag-aaral niya..

"I'm fine Kuya.." sabi ko na lang dahil kahit ipahayag ko ang pag-ayaw ko sa sinasabi niya ay wala pa rin akong magagawa sa gusto niyang gawin pagdating sa pagiging protective niyang Kuya sa akin.

"We're here.." anunsyo niya ng nakarating na kami sa parking area ng Academy..
"give me your bag.. ihahatid na kita sa loob ng room mo.." sabi niya at hindi ko pa man nahahawakan ang bag ko ay mabilis na niya itong nakuha..

Live. Love. LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon