Chapter 1

4 2 0
                                    

Chapter 1

"Mama papasok na po ako." sigaw ko.

"Ang aga pa Dylan" sigaw ni Mama galing sa kusina.

Nagsusuot na ako ng sapatos at tinigan ang relos sa kaliwang palapulsuhan ko at nagmamadali ayusin ang sapatos.

"Ito anak ibigay mo ito kay Miel." sabi ni Mama nang ihatid niya saakin ang isang lunch box.

"Si Miel na naman? Paano ako Mama?" tanong ko.

"Share na kayo d'yan." sabi ni Mama.

"Mama!" sigaw ko.

"Sige na... Magkaibigan lang naman kayo diba? Wala ka namang gusto tama ba?" sabi niya pero may ramdam akong pang-iinsulto sa tono ni Mama.

"Oo Ma, wala akong gusto kay Miel pero baka magtaka 'yon kung bakit ka pa nagpabigay ng lunch box sa kaniya." sabi ko.

"Akala ko ba aalis ka na?" tanong ni Mama.

"Parang... Masakit ang ulo ko Ma. Parang masama ang pakiramdam ko, h'wag na lang muna akong pumasok Ma, anong tingin mo?" pag iinarte ko.

"Sa tingin ko tama ka nga. Masakit nga ang pakiramdam mo." sabi niya at nilapat ang palad sa noo ko at ako naman ay nag iinarte na nahihilo.

"H'wag ako Dylan!" sabi ni Mama sabay hampas ng noo ko.

"Aalis na ako Mama." sabi ko sabay halik sa kaniya sa pisngi.

"Ibigay mo 'yan sa kaniya, anak!" sigaw niya nang pinaandar ko na ang bisekleta ko.

Nilagay ko ang lunch box sa basket ng bisekleta ko. Marami nang estudyante ang naglalakad at papasok na rin.

Nakita ko pa ang crush ko sa daan kaya binagalan ko ang pag-pidal at inabutan siya sa gilid ng daanan.

"Hi Riley!" sabi ko at nilingon niya ako.

"Oh? Dylan!" sabi niya at tinanggal ang earphone.

"Nanonood ka na naman ng k-drama, ano?" sabi ko at bumaba sa bisekleta.

"Kilala mo ako Dy." sabi niya sabay tapik ng braso ko.

"Kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang sinakal!" sabi ko at tumawa kaming dalawa.

Sinabayan ko siyang maglakad at kumain ng ice cream.

"Cookies 'n cream po isa." sabi ko sa tindera.

"Hoy Dy, ano 'to? May lunchbox ka? Para kanino?" tanong niya.

"Para kay Miel sabi ni Mama ibigay ko daw. Pinagpipilitan niyang may gusto ako do'n." sabi ko at kinuha na ang ice cream.

"Oh..." sabi ko at bigay sa kaniya ng ice cream niya.

"Halata kasi Dy." sabi niya at humagikgik ng tawa.

"Manahimik ka Riley! Wala akong gusto do'n at isa pa alam mong may crush na ako, so no way for her." sabi ko at tumawa lang siya.

Naglakad na kami papuntang school.

"Oo nga pala, crush mo si Axis." sabi niya.

Ikaw kasi 'yon!

"Dy! Si Miel 'yon diba?" sabi ni Riley at tumingin ako sa may gate at kakapasok niya lang.

"Uh... Yeah." sabi ko at walang pakialam.

Tumitig lang ako kay Riley habang kumakain ng ice cream. Matagal na kaming magkaibigan ni Riley since elementary school pa dahil magkaibigan ang mga magulang namin.

Hurt So GoodWhere stories live. Discover now