Chapter 7
Pagkauwi ko ng bahay nakita ko sa gilid ng gate namin ang anyo ng babae na nakasandal sa pader. Naglakad ako palapit para makita kung sino at nang tumingin saakin ang babae kita ko si Miel na nakangiti at kumaway saakin.
Hindi ko akalaing hindi siya nagbibiro sa sinasabi niya. May dala siyang bagback at sling bag. Nang makalapit na ako sa kaniya ay agad akong nagtanong.
"Saan ka pupunta? Hindi ka ba talaga uuwi sainyo?" tanong ko na medyo kinakabahan sa iniisip.
"Ah.. Oo hindi muna ako uuwi saamin." sabi niya at napalunok ako ng madiin.
"Paano kung hanapin ka?" tanong ko.
"Kaya nga, kung pwede sanang-" putol niyang sabi sabay tingin sa loob ng bahay namin.
"Ah.. S-sabihan ko si Mama kung may e-extra pa bang k-kwarto sa loob." utal kong sabi.
"Ah.. Kung pwede sanang h'wag mong sabihin sa magulang ko kung nasaan ako." sabi niya at yumuko.
Kita ko ang pasimpleng ngiti niya. Ngayon ko lang marealize na mali pala ako ng iniisip.
Hindi siya matutulog dito Dylan!
Tumawa siya ng mahina kaya naman tumawa na rin ako para hindi awkward.
"Maayos naman saakin iyon, pero kung sakali lang naman, welcome ka naman dito sa bahay." sabi ko.
"Dylan!" rinig kong sigaw ni Mama galing sa loob.
"Dylan, halika rito at pabibilhin kita sa palengke ng-" hindi pa tapos si Mama sa pagsasalita nang nakita niya si Miel sa harap ng gate namin.
Ngumiti ang nanay ko sa akin na para bang may plano siyang gawin.
"Ikaw ba si Miel?" tanong ni Mama.
Delikado na!
"Ahh.. Opo, hello po tita schoolmate po ako ni Dylan." sabi ni Miel.
"Alam ko hija, naikwento ka ng anak ko saakin. Ang ganda mo naman palang bata ka." sabi ni Mama sabay pasikretong siniko ako.
"Ah.. Si Miel nga pala Ma hindi magtatagal dahil may lakad siya." sabi ko.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang tingin ni Miel saakin habang kinakausap ang nanay ko. Napayuko ako at umubo ng peke para maistorbo sila.
"Ah.. Ma, papasukin muna natin si Miel, sa loob na tayo mag usap." hindi ko mapigilang sabihin ang iniisip.
"Akala ko ba hindi siya magtatagal? Bakit mo pa siya papapasukin sa loob?" tanong ni Mama kaya naman nag isip ako ng ipapalusot.
"Ah kasi.. Mukhang mahaba pa paguusapan niyo ay baka mainip si Miel kakatayo kaya sa loob na lang muna kayo mag usap." palusot ko at sa tingin ko mukha namang gumana kay Mama ang palusot ko.
Ngumiti si Mama sa sinabi ko at napatingin ako sa gawi ni Miel na ngayon ay nakatingin sa akin na mukhang gulat sa sinabi ko.
Nauna na si Mama pumasok sa loob at kaming dalawa na lang naiwan sa labas.
"Hindi mo naman dapat talaga na papasukin pa ako sa bahay niyo kung ayaw mo talagang madamay pa sa problema ko." bulong niya pero naririnig ko.
"No, I just want to make sure that you're fine. Paano kung sa ibang bahay ka pumunta tapos hindi ka kumportable sa kanila, anong mangyayari sa'yo diba?" sabi ko at napangiti siya ng kaunti.
"Hindi mo naman kailangan gawin saakin 'to Dylan. Ayos na saakin ang magandang pakikitungo mo. Pero sobra na kasi 'to. Nagbibiro lang naman ako na dito ako matutulog sainyo para lang takutin ka." sabi niya.
YOU ARE READING
Hurt So Good
RomanceDylan Kai Medina a boy who is living without the love of having a sibling. He forgot that he has a twin sister because of the accident they have so he lost some memories of his sister named Klain Lei Medina. Miel Molina is his college girlfriend, th...