Chapter 6
Umalis kami ng park at naglakad sa pinakamalapit na fast food chain. Pumasok kami at nagorder. Habang naghiuintay sa pila lumingin siya saakin kung saan nasa likod niya ako at siya naman ang nasa harap ko.
Tumingala siya at ngumiti saakin. Ngumiti rin ako pero medyo awkward pa rin ang nararamdaman ko.
Bakit ko nga ba siya sinamahan?
"Hindi mo ba natatanong saakin kung bakit first day?" tanong niya.
Napakamot ako sa ulo dahil gusto ko ngang itanong pero nahihiya ako sa kaniya kung bakit hindi ko maalala kung ano ba 'yong first day na tinutukoy niya.
"Ah.. Eh.." utal kong sabi.
Narinig ko ang mga pamilyar na ingay sa loon ng kainan. Paglingon ko ay ang pagpasok ng tatlo kong mkong na kaibigan. Napatalikod ako agad pero sa tingin ko nakita na nila ako.
"Oh Dylan!" sigaw ni Lence.
Lumingon ako sa kanila at ngumiti ng pilit sabay tango.
"Oh.. Lence!" balik ko at kamot sa ulo.
"Tinatawagan ka namin pero hindi-"
"Oh? Miel? Nandito ka pala?" tanong ni Icho.
Lumingon ako sa gawi ni Miel at ngumiti siya sa mga kaibigan ko.
"Hi..." sabi niya sabay taas ng kamay.
"Kaya naman pala hindi sumasagot sa tawag, busy pala." asar ni Paul.
"Tss... Nakapatay kasi ang cellphone ko kaya hindi niyo ako makontak." giit ko.
"Kaya naman pala hindi makontak, pinatay ang cellphone." asar ni Icho at binatukan ko siya.
"Do not disturb ba? Dylan?" asar ni Lence at hinampas ko siya sa braso.
Tumawa sila ng malakas at inaasar ako. Tumawa rin si Miel sa likod ko kaya naman napalingon ako sa gawi niya.
"Tumawa ka ba?" tanong ko kay Miel at tumango siya saakin.
"Nakakatawa ka kasi." sabi niya at tumawa na rin.
"Oh siya sige.. Oorder na rin kami." sabi ni Lence at pumila sila sa likod ko.
Inaasar pa rin nila akong tatlo kaya naman nagalit ang guard dahil sa ingay nila.
"H'wag kayong maingay mga hijo maraming kumakain, hindi lang kayo ang tao rito!" aaway ng guard sa kanila.
Tumango silang tatlo na parang mga tanga.
"Oh ano? Asar pa kasi!" sawayko rin sa tatlo at nag hagikgikan lang din.
Humarap na ako at nakatalikod lang saakin si Miel. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya. Akala ko magagalit siya sa ginawa ko pero hindi siya nagalit at umimik. Nanahimik lang siya at hinayaan ako sa ginawa ko.
Inasar na naman ako ng mga mokong na 'to sa likuran ko.
"Ano 'yang papatong patong ng kamay sa balikat huh? May something na ba? Pag napasagot mo na matatapos na 'tong laro natin." bulong ni Lence.
Tumalikod lang ako sa kaniya. Umamin saakin si Miel na may gusto siya saakin pero hindi pa niya naikekwento ang tungkol do'n.
Napaisip ako at parang ayaw ko pang matapos ang laro na 'to basta basta. Kakaumpisa ko lang maging komportable matatapos na agad.
Lumingon ako sa gawi nina Lence.
"Wala pa..." bulong ko.
Tinapik lang ni Lence ang balikat ko.
YOU ARE READING
Hurt So Good
RomanceDylan Kai Medina a boy who is living without the love of having a sibling. He forgot that he has a twin sister because of the accident they have so he lost some memories of his sister named Klain Lei Medina. Miel Molina is his college girlfriend, th...