Chapter 2

1 2 0
                                    

Chapter 2

Nagising ako sa malakas na alarm na nasa side table ko. Agad kong pinatay at dinilat ang mga mata. Alas- Siete na ng umaga kaya bumangon na ako at ginawa na muna ang mga assignments ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay bumungad saakin ang makungkot na mukha ni Mama habang naghahain ng agahan. Alam kong hindi maganda ang sabihin sa kaniya uli ang nangyari kahapon, pero hindi ko talaga kakayaning mag tago sa kaniya.

"Ma, hindi nga niya tinanggap, tinapon pa nga niya!" sabi ko ng makauwi agad ako.

Pinakita ko sa kaniya ang dalang lunchbox na may mga lupa pa.

"Tinapon mo lang 'yan anak. Alam ko namang wala kang gusto kay Miel anak. Pero sana h'wag mong sayangin-"

"Hindi ko tinapon! Hindi ko sinayang!  At sana nga kinain ko na lang Mama!" sigaw ko sa inis.

Lumapit si Mama at sinampal niya ako.

"Ma please..." sabi ko pero tumulo na ang luha niya.

"I'm sorry Ma."agad ako lumapit at pupunasan ang luha niya pero iniwas niya lang at umatras siya.

"Sorry kung pinagtaasan kita ng boses Ma. Ayaw ko lang kasi talagang nakikita 'yong pinagpaguran mo na pinagtatabuyan lang ng iba tulad ni Miel. Ma please hindi ganoong tao ang pagkakakilala mo sa kaniya." sabi ko at pinipilit siya intindihin ang sinasabi ko.

"May gusto ka kay Riley tama?" tanong ni Mama.

"Ma, labas si Riley dito. Walang kinalaman si Riley kaya h'wag natin siyang idamay!" sabi ko.

"Mabuti nang may gusto ka kay Riley." sabi niya at kumalma na.

"Anong ibig mong sabihin Mama?" tanong ko.

"Kumain ka na, may hinanda na akong pagkain, kumain na rin ako pero ang Papa mo hindi pa umuuwi kaya tirhan mo ng ulam."sabi ni Mama habang nakayuko at tumalikod sa akin.

Umupo ako sa upuan at nagsandok ng kanin at ulam. Umupo rin si Mama sa hapag ganoon na rin si Papa.

"Ang tahimik niyong dalawa?" panimula ni Papa.

"Sorry Ma." sabi ko at tumitig sa kaniya, hinihintay na tignan niya ako.

Tumango lamang siya at nagpatuloy sa kinakain.

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa kagabi?" tanong ni Papa nang naguguluhan siya saamin.

"Ang aga pa para d'yan Lesther!" sigaw ni Mama kaya napahinto si Papa at kumain na lang.

Kumain na lang ako at biglang nagsalita si Mama.

"May gusto ang anak mo kay Riley." mahinahon na sabi ni Mama.

"Ano?"  gulat na tanong ni Papa kaya napatingin siya saakin.

"Pa?" tanong ko rin.

Akala ko magagalit siyang may gusto ako kay Riley pero ngumiti lang siya at tinapik lang ang balikat ko.

"Good choice anak." sabi nito at may kakaibang ngiti siyang pinakita saakin.

"You scaring me Papa. Iba ang ngiti mo para kang may balak na masama."sabi ko at tumawa ng mahina.

Tumawa rin siya pero nanatiling tahimik si Mama kaya tumahimik kami ni Papa.

Hanggang sa natapos kami kumain hindi pa rin ako kinakausap ni Mama. Kaya naman habang naghuhugas siya ay niyakap ko siya mula sa likod.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko nang maramdaman ko ang pagtaas at pagbaba ng kaniyang balikat. Narinig ko ang kaunting hikbi na pinakawalan niya.

Hurt So GoodWhere stories live. Discover now