Mission 4

14 7 0
                                    

WYNNETH'S POV

Nandito kami ngayon ni Andrius sa soccerfield at nakatambay. Balik na rin sa normal ang mga estudyante na parang walang nangyari.

Ganyan ba talaga sila? I feel sorry for them.

"Hey are you listening?" Pukaw sakin ni Andrius.

"What were you saying?" Tanong ko sa kanya.

"Focus Wynn. Hindi tayo matatapos nito" saway nya sakin.

"Ugh bakit ba kailangan ko pa aralin yang sin, cos at tan na yan?? I already graduated" tamad na sagot ko.

"Yeah you already graduated but still struggling to learn trigonometry" naiiling na sabi nya.

"Bakit ba kailangan pa natin mag aral? Hindi naman yan ang pinunta natin dito" nakangusong sabi ko sa kanya.

"We need to do this so they won't suspect us. Kailangan nating magpanggap na student." Paalala nya sakin.

"Pwede bang iba na lang ang ituro mo? Nagdudugo ang utak ko sa math" pilit ko sa kanya.

Napailing na lang sya at nagbukas ng libro sa science.

"There. Stars are specified with their temperature and color"

"There are 88 classified constellations."

"Hertzsprung–Russell diagram also known as the H-R Diagram measures the stars by its temperature, luminosity and size"

"The bigger the size the more luminosity a star have"

"An average temperature of a star is—"

"Tama na nga! Sumasakit lang ang ulo ko eh" inis na sabi ko.

"How are you suppose to learn if you're always acting that way?" Pangaral nya sakin.

"I get it! Oo na matalino ka na! Wag mo naman ipamukha sakin" irap ko sa kanya.

"Saka hindi ba pwede magpahinga muna?? Kanina pa tayo nagrereview dito. Nakaka drain ng utak" angal ko sa kanya saka humiga sa damuhan.

"You're a nerd but you're quite dumb" inis kong nilingon ang kasama ko.

"Ang sama mo naman! Hindi naman ako nerd disguise ko lang to" sabi ko saka inayos ang specs ko.

Hindi na nya ako sinagot at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng libro.

Ako naman ay pinikit ang mga mata ko para naman mapahinga ang utak ko.

Habang nakapikit ay pumasok sa isipan ko ang mga katanungan sa utak ko kagabi agad akong bumangon at humarap sa katabi ko. Takha naman nya akong tinignan na parang naghihintay ng sasabihin ko.

"May naisip lang ako tungkol kay William" bungad ko sa kanya.

"Hindi kaya may kasamahan sa pulisya si william?" Tanong ko sa kanya.

Napahinto naman sya sa pagbabasa at napatingin sakin.

"It's possible." Sagot nya sakin.

"Kasi diba nga kadalasan sa ganitong sitwasyon ay sa pulis agad ang diretso? Nakakapagtaka lang dahil sa nakikita ko ay parang kahit kailan ay hindi napuntahan ng pulis ang lugar na to" paliwanag ko sa kanya.

Spilled SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon