Mission 2

25 10 0
                                    

WYNNETH'S POV

Hindi ako makapakali habang naglalakad papasok ng school, maya't maya ko rin inaayos ng glasses na tumatakip sa mga mata ko. Papunta ako ngayon sa school at "first day" ko ngayon sa Cillian Academy. Sana lang ay maging maganda ang kalabasan ng ginagawa kong ito dahil sigurado akong magagalit si Senior sakin.

Inayos ko muna ang buhok kong naka twin braid bago pumasok ng gate. Sinalubong agad ako ng mga estudyanteng nakatingin sakin na para bang nagtataka kung sino ako.

Habang naglalakad ako sa Hallway doon ko lang nalaman na hindi ko pala alam kung saan ang office dito. Napatingin ako sa paligid ko, konti na lang ang mga estudyante dahil umpisa na ng klase mabuti na lang at may dumaang lalaking naka uniporme rin kagaya ko.

Agad ko naman itong nilapitan. At kinalabit. 

"Excuse me, Saan dito yung principal's office" tanong ko sa lalaki.

Hindi naman sumagot yung lalaki at bigla na lang ako nitong hinigit palakad sa hallway.

Luh sino to??

"Umm" tikhim ko.

"Took you 17 hours" sabi ng lalaki sa kanya kaya kumunot ang noo ko.

"17-what??" Takhang tanong ko  sa lalaki.

Huminto kami sa tapat ng isang classroom. Binitawan naman ako ng lalaki kaya nakahinga ako ng maluwag.

"I said it took you 17 hours to make a move to your target" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Wat da hek!! Paano nya nalaman ang tungkol sa target ko? Nakilala nya kaya ako? Masyado ba kong obvious??

"Sino ka? Paano mo nalaman ang tungkol sa target ko?" Kinakabahan kong tanong.

Kumunot naman ang noo nya at saka napahawak sa bridge ng ilong nya.

"I can't believe you are an assassin." Hindi makapaniwalang tanong nya.

"What?! Paano mo rin yon nalaman?" Tanong ko sa lalaki na lalong kinabahan.

"Seriously?? You are an Idiot assassin. I can't believe you were my partner" iiling iling nyang sabi.

Saka ko lang na realize nasya pala ang partner ko. Oh my!

"Ikaw yung partner ko?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"How did you not know? Your Senior gave you my information right?"

"Hindi! Wala syang binigay sakin. Pinahulaan ako ni Senior" pagmamaktol ko.

"Whatever. Let's just go. Saan ang klase mo?" Tanong nya sakin habang naglalakad sa hallway.

"Wala pa. Kaya nga pupunta pa lang ako sa pricipal office diba?"

"You're too slow for an assassin"

"Edi ikaw na" bulong ko sabay irap.

Ang sama naman ng ugali nitong lalaking to. Akala mo sakin perfect?? Edi ako na mabagal! Piste!!

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng principal's office. Huminga muna ako nang malalim bago pinihit yung doorknob saka pumasok. Nagpaiwan si-- teka ano ba pangalan ng sunget nayon? Nakalimutan ko pala itanong. Itatanong ko na lang mamaya kapag nakalabas na ko.

"You're the new student right?" Bungad sakin ng babaeng nasa early 40's. Naka upo sya sa swivel chair at may hawak na papel. Form ko ata yun.

Spilled SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon