CHAPTER 1 THE BAR

2.2K 9 0
                                    

WINE GLASS ft. FVCK BUDDY

Please don't copy, don't paraphrase and don't revise.

:Missygloss

R-18
Read at your own risk.

*knock knock*

Agad kong binuksan ang pinto ng condo ko ng makarinig ng katok.

"Hi!"  bati sa akin ng hinayupak kong kaibigan at alam ko na agad ako pinunta niya dito kaya taas kilay ko siyang tiningnan .

"Tara na! Wag ka na pakipot girl. Mag-eenjoy ka do’n, " saad niya na may galak at ang ibig sabihin lang naman niya ay pupunta kami ng bar para uminom at magkalat doon.

"Ayoko Leri. Nadala na ako no’ng unang sinama mo ako doon, " walang ganang saad ko naman.

No’ng unang punta kasi namin doon ay naging makalat ako dahil sa sobrang kalasingan. Kung saan- saan ako nakapunta dahil hinahanap ko siya at nakapasok ako ng VIP Room. Nakakahiya ang pangyayaring iyon dahil nakaistorbo ako nang nagjujugjugan.

"Ano ka ba naman! Hindi na kita iiwan promise. Ang gwapo lang talaga no’ng humila sakin no’n kaya nagpahatak naman ako. Nakalimutan kong may INOSENTE pala akong kasama, " malanding saad niya at madiin ang pagkakasabi ng inosente sa harapan ko.

"Ewan ko sa’yo! Basta di ako sasama, " saad ko at akmang isasarado na ang pinto ng condo ko ng bigla naman siyang pumasok.

"Ayaw mo akong papasukin?"  taas kilay niyang saad pagkapasok niya.

"Tss.. Nakapasok ka na nga tapos sasabihin mo ayaw kitang papasukin? Sabog ka na ata eh,"  inis na saad ko na tinawanan lang niya ng pilit.

"Sumama ka na kasi saka hindi ba sabi mo pa sa’kin need mo ng pera. Kasi yung next project n'yo masyadong malaki ang gastusin, "  saad naman niya at parang ngumiti ng nakakaamo kahit mukha siyang aso sa ginagawa nya.

"Oo...pero ayoko naman na sa gano’n manggagaling ang perang gagamitin ko. Saka hello ate girl, birhen pa ako, " saad ko at parang model na umasta sa harapan niya.

"Birhen birhen ka diyan. Sumama ka na. Tingnan natin kung umuwi ka pang birhen babae ka! " saad niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti at tingin. Kaya naman, agad ko siyang hinampas at tinulak papalabas ng pinto. Pero ayaw niya talaga kaya sa sobrang inis ko....

"Sige, sasama ako pero maipapangako sa'yo na birhen akong uuwi at pag nangyari ‘yon? bibigyan mo ako ng pera. Para ‘yon ang gagamitin ko para sa next project ko,” saad ko at lumawak ang ngiti nya.

"Deal! Pag hindi ka naman nakauwi ng di birhen edi.....hahanapin natin ‘yong kumuha no’n. At siyempre kailangan ka niyang jowain aba!" saad niya naman, "Para naman magkajowa ka na. NBSB ka kasi, No boobs since birth" natatawang dugtong niya.

"Hoy! okay lang at least walang aalog at walang sagabal pag may emergency, " mataray kong saad.

"Magbihis ka na nga. Ang dami mo pang satsat. Alam ko naman na di ka na birhen pag uwi natin HAHAHAHA, "  saad niya at malakas na tumawa na akala mo'y sigurado na talaga siya sa sinasabi niya .

Masama ko agad siyang tiningnan saka ako nagsalita, "Oo na ihanda mo na din yung pera.”

Agad akong dumiretso sa banyo para maligo ulit at mag ayos ng sarili. Pagkatapos no’n, nagsuot ako ng kaunting accessories sa katawan ko at saka pumunta sa kwarto ko.

FUBU'S WINE GLASSWhere stories live. Discover now