Prologue
“Ha!” sigaw ko habang hinahabol ang paghinga ko.
Napakabilis niya naman yatang tumakbo. Nawala sya kaagad sa paningin ko.
'Nasaan na ba siya?' ani ko sa isip ko.Naghanap ulit ako sa kung saan-saan. Pumasok ako sa isang eskinita di kalayuan sa pinagpahingahan ko. Umaasang baka sakali ay makita ko ang taong kanina ko pa hinahabol.
Mayamaya ay may napansin akong isang pigura na mabilis na nagtago sa isang madilim at hindi madali at ligtas na puntahan ng mga tao. Sinundan ko ito.
“Sandali!” sigaw ko nang mahablot ang kanyang kamay.
"“Bitiwan mo ako!” pagpupumiglas nya para makawala sa pagkakahawak ko.
“Sandali nga muna kasi! Makinig ka muna sakin. Okay?” ani ko at dahan-dahang binitawan ang kamay nya.
Sandali lamang ang katahimikan sa pagitan namin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
“J-Jander..” naluluhang sambit ko.
Hindi ko na hawak pa ang kamay niya pero parang gusto kong hawakan ito ulit ng mahigpit katulad ng ginagawa ko noon.
Pero natatakot sa maaring mangyari. Naguguluhan ako! Hindi ko maintindihan ang dapat kong gawin.
Pero walang mapagsidlan ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Nag-uumapaw ang puso ko sa hindi maipaliwanag na pakiramdam na parang bago lang sa akin ito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko'ng umiyak. Naguguluhan niya akong tiningnan na parang hindi nya ako kilala.
“I-It's me, Jhas..”
“I'm sorry, miss. But I don't know you,” anito at unti-unting lumayo sa akin.
“J-Jander.. Please don't do this to me,” umiiyak kong pakiusap sa kanya.
Dali-dali ko siyang niyakap pero hindi iyon nagtagal. Mabilis niya akong inilayo sa kanya.
“I'm really sorry but I really don't know you,” madiin niya'ng sabi.
“Pero ako 'to, si Jhas,” pagpupumilit ko.
“Hindi nga kita kilala. And please, don't scare people especially when you just met them,” anito at iniwan akong tulala habang umiiyak.
Ang sakit. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang madadatnan ko. Parang ilang buwan lang akong nawala, ah. Bakit parang andami nang nangyari? Andami nang nagbago?
'Bakit kinalimutan mo na ako? Sabi ko sayo hintayin mo ako, eh. Bakit hindi ka tumupad sa pangako mo na hindi mo ako kakalimutan?'
YOU ARE READING
Shooting Star Princess (Ongoing)
RandomDistance was never the measurement of how love will fall on you. Like meteorite fall from the sky yet mesmerising. Not scared of falling deep, falling hard and falling beyond the stars could tell. Falling with the person who fell from the sky.