CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Chapter 5

Jhas' POV

Weekend ngayon pero hindi ako makakalabas ng bahay para gumala. Malakas ang bagyo and I think tatagal 'to ng buong araw dahil sa sobrang lakas.

*Brizkkk!
*Brizkkk!

Tiningnan ko kung sino ang tumawag.

'Unknown caller? Sino naman kaya ang nangahas na pumindot nalang ng kahit anong numerong gusto nila?'

"Hello," sagot ko.

"Magandang araw. Ito ba si Ms. Jhasmine Elizabeth Marionvalle?" tanong ng isang matandang lalaki mula sa kabilang linya.

"Ako nga po. Sino po sila?" tanong ko.

Hindi pamilyar sa akin ang boses.

"Hindi na importante kung sino ako. Ang mahalaga ay masabi ko sa'yo ang mga nalalaman ko tungkol sa tunay mo'ng pagkatao," panimula niya.

'T-tunay ko'ng p-pagkatao? A-anong ibig niyang sabihin?'

"A-ano'ng ibig niyo'ng sabihin?" tanong ko.

"Alam ko kung saan ka nagmula at kung ano ang totoo mo'ng pagkatao," anito bilang sagot sa tanong ko.

Hindi ako kumbinsido.

"Prank ba to? Clarrion? Peter? Or anyone, anywho?" I asked.

Tumawa ng pagak ang nasa kabilang linya.

"Anong nakakatawa?" mataray kong tanong.

I still can't get it.

'At a-ano daw? Bakit may pa-identity discovered ako ngayon?'

"Dahil kailangan mo'ng malaman ang totoo. Hindi kailanman ay kailangan itago ang katotohanan mula sa iyo," sagot niya sa aking tanong mula sa kabilang linya.

Nagulat ako sa pagsagot niyang iyon dahil iniisip ko lang naman na itanong pero sinagot niya.

"Sino ka ba talaga? Baka gino-good time mo lang ako o scam 'to. Ipapa-pulis kita!" banta ko sa kausap ko.

"Sa maniwala ka man o hindi, nagsasabi ako ng totoo. Kung gusto mo ay magkita tayo. Tatawagan kita ulit para malaman mo kung kailan tayo magkikita," anito at pinutol ang tawag sa kabilang linya.

"T-teka! Sandali! Hello? Hello?" ani ko na sinusibukan kung sasagot pa ang lalaking iyon.

"Anak ka ng anak mo!" sigaw ko sa biglaang pagkidlat kaya tumilapon ang cellphone ko sa kung saan.

Shooting Star Princess (Ongoing)Where stories live. Discover now