CHAPTER 1

9 1 74
                                    

CHAPTER 1

Jhas' POV

'Ang init' maktol ko habang pababa ako ng building.


Unang araw ngayon ng pasukan, at naglalakad na ako pababa ng building dahil sa overpass ako dumaan para dumaan pa muna saglit para kausapin ang magiging adviser ng klase namin. Sinabihan niya akong pumunta sa kanya sa unang araw ng pasukan pero hindi pa siya nakakarating. Alas-otso palang kasi ng umaga pero ang tindi na ng init. Magkakaroon pa kami ngayon ng orientation since first day of school namin ngayon. Mahirap din makapunta kaagad sa stadium, sa lawak ba naman ng university na pinasukan ko. Naku!


Galing akong 3rd floor kaya kahit madalas akong maglakad at gustong-gusto kong naglalakad, parang iba ang pakiramdam ko ngayon habang naglalakad pababa ng building. Napapagod na ako. Ang mga tuhod ko at nanginginig na sa sobrang pagod. Malayo ang pinagparadahan ko ng kotse kaya naglakad ako papunta sa building na 'to.

'Dang! Wala bang katapusan 'tong hagdan na 'to? Nakapapagod na.'

Huminto pa muna ako sandali sa isang bench at kumuha ng tissue sa loob ng backpack ko. Kumuha ako ng dalawang tupi ng tissue at tinuyo ang mga pawis na nagtatagaktakan na mula sa aking noo pababa sa leeg.

"Excuse me," ani ng isang tao sa likuran ko pagkarating ko sa stadium at naupo sa bleachers. Nilingon ko ito at napagtanto ko'ng babae pala ang tumatawag sa akin.

"Y-Yes?" tugon ko rito.

"Hi!" masiglang bati nya habang mahinhing kumaway.

"Hello," bati ko rin pabalik.

"Are you new here?" tanong nito na medyo slang pa. Pansin kong hindi sya purong Pilipino.

"Ah, yeah. I just got here the other day," sagot ko.

"Oh, really?" aniya at natahimik sandali. "Do you know how to speak Filipino?"

"Oo naman, bakit?" nakangiti kong sagot.

Namamangha niya akong tiningnan. Ngumiti rin siya at bumaba sa bleacher na nasa taas at tumabi sa akin.

"Nice. Akala ko hindi ka marunong magsalita ng lenggwahe namin dito, eh. Hahaha!" aniya at tinanggal ang earphones na nakasalpak sa tenga nya. "I'm Maya. Maya Ancel Yoshinori. 17 years old. Half Japanese, half Filipina. Nice to meet you," aniya Maya at inabot ang kanyang kamay. Agad ko rin itong tinanggap at nakipagkamay ako sa kanya.


"I'm Jhasmine Elizabeth Marionvalle. 17 years old. I'm a pure Filipina," ani ko. Nakita kong nagulat sya kaya lumayo sya ng kaunti para pag-aralan ang kabuuan ko.


"Pure ka? Weh?" nagdududang tanong ni Maya. "Maniwala sayo? Totoo?" tanong pa rin nito na parang hindi talaga sya makapaniwala. Natawa naman ako sa inakto nya. Para kasi syang bata.

Sinuyod niya ako ng tingin, ang bawat anggulo ng mukha ko ay animong sinasaulo. Inilapit niya rin ang mukha sa mukha ko at saka ako tiningnan sa mata.

"To tell you the truth, I don't really know what my nationality really is. So, I can't tell exactly where I came from," nakangiti kong sabi rito.


"Totoo? So, paano ka nakakasalamuha sa ibang tao? Tinatanong ka ba nila kung anong nationality mo?" sunod-sunod na tanong ni Maya.


"Actually, ikaw palang ang nagtanong sa akin kung pure Filipina ba ako." ani ko ngumiti.


"Ay, sorry. Hehe!" aniya na nahihiya.


"No, it's okay. Kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon mo, itatanong ko rin kung anong tinanong mo sa akin."

Shooting Star Princess (Ongoing)Where stories live. Discover now