CHAPTER 2

8 0 63
                                    


Chapter 2

Jhas' POV
    

Nagising ako ng maayos ang pakiramdam. Magaan lang at pakiramdam ko ay mai-enjoy ko ang official start ng klase namin.

I immediately got up from bed and started to fix myself. Naligo muna ako, nagbihis at mag-aalmusal na.

"Hija, nakahanda na ang almusal mo," bungad sa akin ni yaya Nems. Siya na ang nag-aasikaso sa akin eversince wala na akong magulang when I was 14. I lost them through a shootout sa isa sa bakasyunan namin, sa Siargao.

"Thank you po yaya Nems," nakangiti kong tugon dito. "Kayo po? Kumain na po kayo?" tanong ko rito.

Tumango ito bilang sagot.

Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako ng bahay. Nagpaalam muna ako kina yaya Nems bago ako tuluyang nakasakay ng kotse ko.

Pinaandar ko na ito at handa na akong simulan ang araw ko sa school ng maganda.  Sana..

*Bogshh!!!---Tunog ng nabanggang sasakyan.

Dali-dali akong bumaba at tiningnan kung ano ang nangyari. Nayupi ang likurang bahagi ng sasakyan ko.

Kaagad na uminit ang ulo ko at hinarap ang may gawa ng pagkayupi ng sasakyan ko.

'Parang hindi yata magiging maganda ang umpisa ng araw ko ngayon.'

"Ano ba!? Hindi ka naman nag-iingat, eh. Tingnan mo nga kung ano ang nangyari sa kotse ko. Tsk! Nakakainis naman, oh!" dabog ko habang kaharap ang walang modong lalaki na ngayon ay nagtatanggal ng helmet.

"I'm really sorry, miss. Hindi ko sinasadya," anito pagkatanggal ng helmet nya.

'Gwapo sana, wala namang modo. Mukha ding mayabang.'

"Hindi mo sinasadya? Eh, anong tawag mo dyan?" inis kong tanong sa kanya.

"I'm really sorry. Kung gusto mo, babayaran ko nalang," anito na may accent pa.

"Nevermind, mister. Kahit wag na," ani ko at umalis na na nakakunot ang noo.

Nakakainis pa rin kasi na parang insulto ang pagsabi niya ng babayaran nya nalang yung nasira niya. Like duhh!! Kaya ko namang palitan nalang yun.

"It's Kore, not mister!" pahabol na sigaw ng mayabang na lalaking nakabangga sa kotse ko.

'Kore man o kung anong pangalan mo, I don't care!' sigaw ko sa isipan ko.

I tried to switch my mood before entering the room. Ayokong masira ng tuluyan ang araw ko. Pero mangilan-ngilan palang ang tao pagpasok ko.

"Good morning!" bati ko sa kanila habang naglalagay ng gamit ko sa upuan.

"Good morning!" bati nila pabalik.

"Bakit wala pa rin yung iba? Malapit na mag-start ang klase ah?" tanong ko sa mga ito.

"Hindi mo ba alam?" tanong din ni Gab.

I just shrugged shoulder to tell na wala akong ideya sa gusto nyang iparating.

Shooting Star Princess (Ongoing)Where stories live. Discover now