CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Annyson's POV

Maaga ako'ng papasok ngayon kaya madaling araw palang ay prepared na ako. Nag-pack na ako ng para sa tanghalian ko mamaya. Nasanay na kasi ako'ng nagpa-pack lunch since bata pa ako. Saka tipid na rin kung ako na mismo ang magdadala imbis na bumili o kumain pa sa labas. Dagdag ipon din 'to.

Handa na ako'ng pumasok sa eskwelahan. Sumakay ako ng jeep. Wala pang thirty minutes ay nasa gate na ako ng school. Dire-diretso lang ang lakad ko papasok. Malapit na ako sa building namin nang may humarang sa akin na lalaki. Isang napaka-gwapong lalaki.

'Ang gwapo ni kuya..'

"Hi," bati nito with matching ngiti na labas ang mga mapuputi at pantay na ngipin.

'Lalo kang gumagwapo, kuya. Hihi!'

"H-Hello. M-may kailangan p-po kayo?" tanong ko.

Napansin ko'ng nagpigil siya ng tawa.

"Itatanong ko sana kung alam mo kung saan ang room 16?" anito.

"R-Room 16?" tanong ko at tumango siya bilang sagot. "Alam ko. Actually, doon ako papunta ngayon. Gusto mo'ng sumabay?" tanong rito.

Ngumiti siya nang pagkalapad-lapad. Napakagwapo!

'Jusko! Saluhin niyo ako. Mahihimatay na ako sa harap ng lalaking ito!'

Nagpatiuna ako sa paglakad patungo sa room namin. Itatanong ko pa sana kung ano'ng pangalan niya at kung bakit niya hinahanap ang room namin.

Naglalakad kami nang may narinig ako'ng sigawan. Sigawan ng mga hitad na dalaginding sa paligid namin.

"My God! Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" tanong ng isang estudyante.

"Ano'ng meron, Aires?" tanong naman ng isa pa.

"Siya 'yung lalaking nakikita ko sa magazine! Napaka-gwapo niya. As in sobrang gwapo. Lalo na sa personal!" hiyaw nito.

Napalingon ako sa lalaking kasama ko ngayon.

'Wow! Sino ka ba talaga? Bakit ganoon nalang kung makahiyaw 'yong babaeng 'yon?'

Hindi manlang naba-bother sa paligid na sobrang gulo.

"Totoo? Saan?" tanong ulit noong isa pa.

"Siya!" aniya at tinuro ang kasama ko'ng lalaki.

"Ay oo nga. Ang gwapo!" parang kinikiliti ang pwet na hiyaw ng isang estudyanteng kanina pa tanong ng tanong.

Tumigil ako sa harap nila at tiningnan sila ng pagkasama-sama.

"Kayo'ng mga maiingay na dalaginding na animo'y uod na binudbiran ng asin na kinikiliti ang pwet! Pwedeng tumigil kayo? Ha? Ang aga-aga bunganga niyo ang naririnig ko! Magsalita kayo nang hindi ko naririnig, ha?" bulyaw ko sa kanila.

Shooting Star Princess (Ongoing)Where stories live. Discover now