Peter's POVNapakaganda ko para ako ang mag-abot ng mga kopya ng schedule sa mga kaklase ko. Hihi!
'Totoo naman.'
Naglalakad na ako papalapit sa napaka-gwapong teacher namin. Kamukha niya si Arthur Solinap kaya napaka-gwapo niya para sa paningin ko. Ang sarap titigan ang kagwapuhan ni Sir Billaster, 'yong mapapatigil ka pag nakasalubong mo siya sa daan hindi para bumati lang pero para titigan ang magandang pagkakahubig ng kanyang katawan. Matangkad siya at medyo may kaputian. Matangos ang ilong at kulay itim ang buhok, mas maitim kumpara sa kulay na meron ang natural na Pilipino. Sabi niya, half Australian siya at half Filipino. Kitang-kita naman sa kinalabasan ng lahi. Pihadong maganda at gwapo rin ang mga magupang ni Sir.
'Ano kayang magiging outcome ng lahi naming dalawa ni Sir kung sakaling kami ang magkatuluyan?' Hagikhik ko sa naisip.
"Habang binabasa niyo 'yan, may ipapakilala ako sa inyong lahat. Transferee sila from other strand or should we call them, shifter," ani sir Billaster-my loves pagkatapos ko'ng iabot ang mga kopya sa mga kaklase ko.
Pagkatapos kong iabot sa lahat ng mga kaklase ko ang mga kopya ay lumabas siya at parang may tinawag pa.
'So, hindi lang si Jander ang transferee sa amin? Meron pa?'
"Oh, andiyan ka na pala Mr. Florinzano?" gulat na tanong ni sir Billaster-my loves pagkakita niya kay Jander na nakatayo na sa harap.
"Ah, yes, sir," ani Jander at ngumiti.
'Ay, gwapo. Parang gusto ko'ng i-fafa si Jander. Hihi! Landi ko.'
Nilingon ko si Jhas. Blangko lang siyang nakatingin sa papel na hawak niya.
'Naiintriga ako sa relasyon ni Jhassy-gurl at Fafa Jander. Ano kayang meron sa kanilang dalawa?'
"Kanina ka pa nandito?" tanong ni Sir Billaster na nagpabalik sa akin sa reyalidad na magiging akin din si Sir. Hahaha!
"Yes, sir," ani Fafa Jander.
"Pero wala pa 'yong isa. Hindi mo siya kasabay?" ani Sir Billaster.
"So, meron pang isang transferee or shifter, daw?" pabulong na tanong ni Anny sa likuran ko.
"Meron pa nga yata. Kaso hindi pa dumadating," sagot ni Art.
"I already texted him, sir," sagot ni Jander.
"Okay, we'll wait. Pag hindi pa siya dumating in 5 minutes ay magpapatuloy na tayo," ani sir Billaster at naupo sa upuan sa likuran ng mesa niya.
"I'm sorry I'm late," ani ng isang binata pagkapasok niya ng room.
'OMG! Ang gwapoooooo!!!!!!'
Napanganga kaming lahat. No! Erase that word 'lahat' dahil wala pa ring reaksiyon si Jhas. At wala rin siyang pakealam sa nangyayari sa loob ng classroom namin.

YOU ARE READING
Shooting Star Princess (Ongoing)
RandomDistance was never the measurement of how love will fall on you. Like meteorite fall from the sky yet mesmerising. Not scared of falling deep, falling hard and falling beyond the stars could tell. Falling with the person who fell from the sky.