flashfiction#3

7 0 0
                                    

"LOLA? LOLA? BA'T PO KAYO NANDITO? HATING GABI NA PO AH?" sabi ko sa isang matandang babae, naka-wheel chair ito at tanging ilaw lamang ng poste ang nagbibigay liwanag sa kanya.

"Ganun ba ijo? Bulag kase ako kaya di ko namalayan na gabi na." Parang kinurot ang puso ko nang sabihin niya iyon, napaka- walang puso naman ng nag iwan sa kanya dito, lalo na't bulag siya.

"Ahh? Bakit po ba kayo na'ndito Lola? Sinong nag-iwan sa inyo dito?" sunod- sunod na tanong ko.

"Iniwan ako dito ng anak ko sa mall na ito kase kakain kami sa restaurant, pero ilang araw na di niya parin ako binabalikan." Napakuyom ang kamao ko nang marinig ko iyon, sinamantala ng anak nito ang pagiging bulag niya para maloko siya, napaka- walang puso.

"Mahal na mahal ko yung anak kong iyon, ginawa ko ang lahat para makatapos siya, kahit bulag ako? tumanggap ako ng labahan, naging katulong ako, naging tagalinis, ginawa ko ang lahat para makatapos siya, kase iniwan na kami ng tatay niya." sunod- sunod ang pagpatak ng luha ko habang nagku-kuwento siya.

"Hanggang sa naging doktor na siya, masayang- masaya ako na natupad na niya ang pangarap niya, pero di nagtagal parang nakalimutan niya na ako, parang ayaw niya na sakin," ngumiti siya ng mapait at bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mata.

"Minsan pa nga narinig ko silang nag-uusap ng girlfriend niya, sabi niya pabigat na daw ako sa kanila, wala na daw akong silbi, nasaktan ako nun pero kahit na ganun, mahal ko parin siya," pagkukuwento niya habang nanlulumo at umiiyak.

"Hanggang sa isang araw, niyaya niya akong pumunta sa mall, kakain daw kami sa restaurant, at dinala niya na nga ako dito, ang saya- saya ko kase makakapasyal ako kasama niya." naninikip na ang aking dibdib habang nagsasalita siya.

"Iniwan niya ako dito sa gilid ng mall, sabi niya bibilhan niya raw ako ng pagkain, naghintay ako nang naghintay sa kanya pero di siya bumalik, ilang araw na ang nagdaan, umaasa parin ako na babalikan niya ako dito." At di ko na nga napigilang mapa-hagulhol dahil sa awa ko sa kanya.

"Pero Lola? Nasa gilid po kayo ng bangketa, wala po kayo sa mall," sabi ko habang nakaluhod sa harap niya.

"Alam ko ijo, niloko ako ng anak ko! Niloko niya ako dahil bulag ako, niloko niya ako dahil di na ako makalakad, niloko niya ako kase wala na akong kwenta, wala na akong silbi." Sunod- sunod na ani niya habang humihikbi.

"Di po totoo 'yan lola.." umiiyak na ani ko sa kanya.

"Ijo? Pwede ba akong makahingi ng pabor?" sabi nito.

"Oo naman po, ano po ba yun?" saad ko habang nagpupunas ng luha.

"Pwede bang hanapin mo siya? Senku Dela Torre ang pangalan niya, pakisabi sa kanya mahal na mahal ko siya." Nanghina ako nang marinig ko iyon,

'Senku Dela Torre? Kapangalan ko?' sabi ko sa aking isip, at tuluyan na ngang bumalik sa aking ala- ala ang kasalanang aking ginawa noong nakalipas na sampong taon, biglang na namang bumuhos ang maiinit na likido sa aking pisngi.

"M-mama! Mama sorry! Mama sorry po!!" nanginginig kong sabi at nakaluhod sa harap niya, biglang umilaw ang paligid   niya.

"Matagal ka ng pinatawad ni mama anak, mahal na mahal kita Senku, anak ko." Nakingiti ito sa'kin habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

Tumayo ako para mayakap siya ngunit bigla na lang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag, at tuluyan na nga siyang naglaho.

End...

Mixtapes of silent cries Where stories live. Discover now