Story No# 3 You're mentally Ill but you're still my son.

7 1 0
                                    

"ZYRA? PSYCHOPATH ANG ANAK NATIN! MAPANGANIB SIYA!" suway sa'kin ni Aldwin na dahilan para ikagalit ko.

Limang taong gulang palang ang anak naming si Senku, ay nakitaan na namin siya ng kakaiba,

Una, nilublob niya sa drum na punong-puno ng tubig ang alaga naming pusa. Pangalawa, pinutulan niya ng buntot ang aming aso gamit lamang ang gunting. Pangatlo sinunog niya ang parrot na iniregalo namin sa kanya, at ang pinakamalala ay tinusok niya sa mata ng lapis ang kaklase niya. Halos kalahating parte ng lapis ang bumaon sa mata ng kaklase niya.

"Dalhin na kaya natin siya sa isang mental hospital, baka mamaya tayo pa ang saktan niya, o ang malala ay tayo pa ang mapatay niya." nakatikim kaagad ng malutong na sampal mula sakin si Aldwin, matapos niyang sabihin 'yon.

"Aldwin! Hindi ka psychiatrist para sabihin na gano'n ang anak natin! Hindi niya magagawa ang mga sinasabi mo," sigaw ko sa kanya.

"Pero base sa mga kilos at galaw niya, ramdam ko na iba ang pag- iisip ng anak natin, mapanganib siya at makakabuti sa kanya na dalhin natin siya dun," pag- aalo sa'kin ni Aldwin ngunit umiling lamang ako.

"Hindi! Hindi ko gagawin 'yon! Mahal ko si Senku, mahal ko ang anak natin." nakita ko sa mukha ni Aldwin na mas tumindi ang galit niya.

"Pero Zyra? Di ka ba nakakaintindi! Kung mahal mo siya gagawin mo dapat 'yon dahil yun ang makakabuti sa kanya," sigaw niya sa'kin.

"Mommy? daddy? Nag- aaway po ba kayo dahil sa'kin?" napatigil kami sa pag- aaway nang makita namin si Senku na nasa harapan namin.

Umiiyak ito, at kung titingnan mo ang mukha niya, di mo aakalain na iba ang pag- iisip niya, napaka- amo ng mukha nito at napaka- inosente.

"Hindi anak, nag- uusap lang kami ng daddy mo, halika na, punta na tayo sa'yo sa kwarto mo, matutulog ka na," pag- aalo ko sa kanya.

Habang tumatagal ay napapadalas na ang pagtatalo namin ni Aldwin dahil kay Senku, umabot sa puntong sinasaktan niya na ako at binubugbog dahil napapadalas ang pag- uwi nito ng lasing.
Puno na ng pasa at sugat ang katawan ko dahil pambubugbog ni Aldwin, hanggang sa dumating araw na kinakatakutan ko...

"What the f*ck! Aldwin! S-sino ang g-gumawa sa'yo nito!" nanginginig ang katawan ko habang sinasabi ko 'yon, at nag- uunahan sa pagpatak ang aking mga luha.

Napaka- brutal ng sinapit ng katawan ni Aldwin, bali- bali ang katawan niya at labas ang buto nito sa tuhod, siko at kamay.

May laslas ito sa leeg kaya't naliligo ang katawan niya sa sarili niyang dugo, may nakatarak na bakal sa dalawa niyang mata, at mas lalong nanindig ang aking balahibo nang makita kong basag ang bungo nito sa bandang kaliwa at kitang- kita na ang utak niya.

"Hindi maaari! Mali ang iniisip ko, hindi ito kayang gawin ni Senku," sambit ko at walang tigil parin sa kaiiyak.

"Mommy? Why are you crying?" nanlaki ang mata ko nang marinig ko mula sa likod si Senku.

"Hindi po ba kayo masaya! I kill daddy para di ka na niya saktan." Lumingon ako at nakita ko ang mga bagay na sa tingin ko ay ginamit sa sarili niyang ama.

May martilyo, kutsilyo itak at iba pa.

"Tingnan niyo ang katawan ni daddy oh? Diba ang ganda? That's my beautiful art for you, mommy kase love kita." Matapos niyang sabihin 'yon ay kinuha ko ang itak at itinama ko ito sa leeg nito dahilan para maputol ang ulo niya.

"It's all my fault! I am also a psychopath and I know na namana ito sakin ng anak ko,"

"I hope that I made a right decision, na patayin siya, para hindi na siya makasakit at makapatay pa." Sambit ko sa harap ng katawan ni Senku, nakatayo parin ito at may sumisirit na dugo mula sa kanyang leeg, habang ang ulo niya naman ay nasa sahig at dilat parin ang kanyang mga mata.

Mixtapes of silent cries Where stories live. Discover now