flashfiction#4

6 0 0
                                    

"HAVE YOU HEARD THE STORY ABOUT THE LOST CITY OF BIRINGAN?" Mylene asked, by the way she is my cousin.

I chuckled,"Hahaha Yes but duhh?? Twenty first century na, at di ako naniniwala sa mga kwentong 'yan."

Kahapon lang nang dumating ako dito sa Samar para magbakasyon, this place has a lot of beliefs and weird superstitions, like about duwende, mangkukulam, kapre, aswang etc. Di na ako natatakot at naniniwala diyan coz for me? Kwentong barbero lang 'yan.

"Camille, alam mo bang sa ilog na 'yan, may dumadaang malaking barko diyan, gawa yun sa ginto at sabi daw barko daw yun galing biringan." paliwanag ni Mylene habang nakaturo sa ilog.

"Seriously? Hahahaha Ewan ko sa'yo Mylene, naka- shabu ka yata ih, iwan mo nga muna ako dito, gusto kong mapag isa, at gusto kong magpahangin," utos ko kay Mylene at sumunod naman agad ito.

Inilabas ko ang aking cellphone upang kumuha ng litrato, ang ganda kase ng view, at ang linis ng ilog.

Habang kumukuha ako ng litrato ay laking gulat ko nang may nahagip na isang lalaki sa camera ng cellphone ko.

"Magandang umaga binibini," nagulat ako nang makita kong nasa likod ko na ito.

"Huh? Hmm m-magandang umaga!" nauutal na pagbati ko.

"Mas maganda ka pa sa umaga binibini." Aba? Bolero ito ah.

Di ko mapigilang tumingin sa kanyang mga mata, kulay ginto ito at parang hini- hypnotized ako, napaka ganda.

Mukhang European ang datingan niya, at may hawig siya kay Manu Rios, mas gwapo nga lang ang lalaking ito.

"Ako nga pala si Fernando," pagpapakilala niya.

"Ang pangit naman ng pangalan niya pang lolo," sabi ko sa aking isipan.

"Ipag-paumanhin mo kung pangit sa iyong pandinig ang ngalan ko." Hala? Nababasa niya ba ang isip ko?

"Oo binibini, nababasa ko ang sinasabi ng iyong isip, maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"

"Ah, a-ako n-nga pala si C-camille," nauutal ko ulit na sabi.

"Tara Camille, sumama ka sa'kin, sumakay ka sa barko ko."

Nagulat ako nang biglang may lumitaw na malaking barko na gawa sa ginto, hindi ko ito napansin kanina.

"A- ah si- sige." Di ko alam kung bakit di ako nakatanggi sa kanya, napaka- amo kase ng itsura niya, at nakaka-akit ang kagwapuhan niya.

Matapos ang ilang oras ay di ko namalayan na nakasakay na pala ako sa barko, di ko alam parang may magic yata 'tong si Fernando  dahil matapos ko siyang kausapin ay di ko na namalayan kung ano na ang sunod na ginawa ko at kung paano ako nakasakay sa barkong ito.

"Camille? Humanda ka na, malapit na tayo sa laot, ipapasiyal kita sa lugar ko," saad niya habang nakangiti, napaka-gwapo niya talaga, at napaka- aliwalas ng mukha niya.

Nang makababa na ako sa barko, namangha ako sa aking mga nakikita.

Ang mga gusali, bahay at buildings ay gawa sa ginto. Kulay ube ang langit at kahit hapon pa lamang ay punong- puno na ng mga bituin.

Walang sinabi ang New York, Paris at Tokyo sa sobrang ganda ng siyudad na ito.

"Greg? Nasaan tayo?" Tanong ko na manghang- mangha parin sa aking nakikita.

"Narito ka sa nawawalang siyudad ng Biringan." Napakunot ang noo ko ng marinig ko iyon.

"Seriously?" tanong ko, at sinampal- sampal ko pa ang mukha ko, dahil di talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

"Totoo ang siyudad na ito Camille."

"Maraming naghahanap sa lugar na ito pero di naman nila nakikita?" Tanong ko ulit.

"Dahil nagpapakita lang ang lugar na ito kapag hindi mo hinahanap," seryosong wika niya.

Tumango na lamang ako bilang tugon.

"Halika ipapasiyal kita dito," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

Nang mas lapitan pa namin ang siyudad ay mas lalo pa akong namangha. May mga lumilipad na kotse, nakalutang na tren at mga nagsasalitang hayop.

"Mas moderno ang siyudad na ito kaysa sa mundo mo, mas magaling gumamit ng teknolohiya ang mga nilalang dito," pagpapaliwanag niya.

"Anong klaseng nilalang ka ba? Diba tao ka?" Tanong ko

"Isa akong engkanto, at dalawang daan at anim napu't-walo na akong nabubuhay." Nanlaki ang aking mata.

"268 years old? Shit pero mukha ka palang bente sa itsura mo!" Ani ko.

Marami pa akong nakilalang engkanto sa siyudad, at tulad ni Fernando, ay mga gwapo rin ito at magaganda, binigyan nila akong ng kanin na kulay itim ngunit pinigilan ako ni Fernando na kainin ito, dahil kapag kinain ko raw iyon ay di na ako makakabalik sa mundo ko.

Nagdaan ang ilang araw ay sinulit ni Fernando ang pagpapasiyal dito sa'kin, hindi ko napigilang mahulog ang loob ko sa kanya, at umabot sa puntong ayoko ng bumalik sa totoo kong mundo,

"Camille, ibabalik na kita sa mundo mo, malamang ay pinaghahanap ka na dun." Ani niya,

"Ayoko ng bumalik dun Fernando, Mahal kita, gusto kong mabuhay dito kasama mo." Wika ko habang umiiyak.

"Mahal rin kita Camille, pero di tayo pwede, tao ka at engkanto ako, maaari kang mamatay kapag nagtagal ka pa dito," sabi niya, niyakap ako nito at hinalikan sa noo.

"Heto, kainin mo ang prutas na ito, at makakabalik ka na sa mundo niyo."

"Pero Fernando? Di ko kaya!"

"Kayanin mo Camille, para sakin," saad niya habang lumuluha.

Kinain ko ang prutas at bigla na lamang akong nagising sa Hospital.

"Camille buti at nagising ka na, isang taon ka ng nawawala," sabi ni tita.

"Oo Camille, kahapon ka lang namin nahanap, nakita ng isang tanod ang katawan mo na palutang-lutang sa ilog." Napaiyak ako nang marinig ko iyon kay Mylene.

End...

Mixtapes of silent cries Where stories live. Discover now