Chapter 4

8 1 0
                                    


"I think it's another tiring year." mahinang sabi ni Ara habang papasok kami ng school.

Another year na naman, second year college na kami.

"Okay lang yan, basta masaya ka sa ginagawa mo." sabi ni Ley at nginitian si Ara.

"May point ka naman diyan." pagsang-ayon ko kay Ley at nginitian din si Ara.

"Tara na, baka mahuli pa tayo sa kanya kanya nating klase." sabi ni Ley.

"Tara na." ngumiti naman si Ara at nagsimula na kami ulit maglakad.

Napangiti ako nang tignan ko ang dalawa na nauuna maglakad sa akin. I am so proud having them. Sila kasi yung tipo ng kaibigan na itatama ka, at gusto na maging successful ka, hindi yung nagdudulot ng masama o hindi yung hinihila ka pababa. Kumbaga sila yung totoong kaibigan, yung hindi ka hahayaan na mapunta ka sa masama. Wala naman kasing totoong kaibigan na naghahangad sayo na bumagsak ka. Kung ang kaibigan mo, gusto kang bumagsak, hindi yun kaibigan, plastik yun.

Huminto naman kami dahil nakarating na kami kung saan ang building ng room ko.

Magkakaiba kasi kami ng course kaya syempre iba din ang room at building.

"Ciao, see you later sis." sabi ni Ara.

"Kita na lang tayo mamayang tanghalian!" energectic na sabi ni Ley at kumaway.

Kumaway naman ako at ngumiti sa kanilang dalawa.

"Ciao, see you later." sabi ko.

Pagkatapos nun ay pumasok na ako ng building namin. Nasa second floor ang room ko kaya agad akong umakyat.

Habang naglalakad ako sa hallway ay tahimik lang ako at nagmamasid lang sa paligid.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa room. Papasok na sana ako kaso may nakasalubong ako na hindi ko inaasahan ngayong araw.

Sandali ko siyang tinignan pero agad din akong naglakad papasok, ngunit bago ko pa malagpasan ay nagsalita na siya.

"How are you dear? Looks like you are devastated."

Hindi ko siya pinansin. Maglalakad na sana ako ulit ngunit bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Kinakausap pa kita, huwag mo kong tinatalikuran."

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay pero nanatili akong tahimik.

"Kamusta ang naloko?"  dagdag pa niya kaya napakunot ang noo ko.

"Masaya naman ba ang pakiramdam ng maloko?" tanong niya ulit.

Nanatili akong tahimik. Mas maganda naman yun, kaysa magsalita ako ng magsalita. Silence is best key over an immature argument.

"Hindi mo ba talaga ako sasagutin?" tanong niya ulit at mukhang naiirita na siya.

"Wala kang kwenta kausap. I hate you."

"Are you done Ember? Well then, I will enter the classroom first." sabi ko at iniwan siya doon na tulala.

Umupo ako sa upuan ko at nakapangalumbaba, napailing na lang ako.

Ember Katherina Almodovar, siya nga yung kausap ko kanina. Sa sobrang gusto ko kalimutan si Mark nakalimutan ko na kaklase ko pala yung third party. Kaklase ko pala si Ember. Ganun ako kamartyr— dati, dahil nga kaklase ko pa yung third party na sumira sa relasyon namin ni Mark. I just can't believe it, siguro nga talaga, walang pinipili kapag gusto magcheat nung tao, malapit man sayo ang ipapalit o hindi.

Nakita ko naman na pumasok si Ember at umupo sa upuan niya, nang mag-tama ang tingin namin ay tinignan niya ko ng masama habang ako ay tinignan lang siya ng blangko saka umiwas ng tingin.

Bigla naman pumasok yung prof namin kaya nanahimik na ang buong klase at nagsimula na ang lecture.

****

"You encounter who?" tanong ni Ara.

"Si Ember." sagot ko.

"Yung kabit ng ex-boyfriend mo?" tanong ni Caster.

"Third party para sosyal." singit naman ni Ley kaya tinignan siya ng masama ni Caster.

"Arte naman nito." angal ni Caster at napailing na lang ako.

Kakatapos lang namin kumain at ngayon ay nagkwekwentuhan kami. Nandito kami sa garden dahil lunch time. Mostly dito kami nagkikita kitang magkakaibigan.

"Anong nangyari?" tanong naman ni Gust, pagbabalik sa usapan kanina.

"Ayon, hindi ko siya inimik. Weird thing yung tanong niya na 'kamusta ang naloko', baka alam niya na girlfriend ako ni Mark habang sila?" may pagtatakang sabi ko at nagpangalumbaba sa lamesa.

"Siguro nga." sabi ni Ara.

"Kung ganon edi maharot siya?" tanong ni Caster na ikinakunot ng noo ko.

"Caster." sita ko sa kanya.

"What? I'm just asking." sagot niya na para bang wala lang yun.

"Siguro nga maharot siya kasi pumatol siya sa lalaking may girlfriend? And take note alam niya yun. Hindi pala siguro, walang duda, maharot siya." dagdag ni Ley at napasapo na lang ako sa noo ko.

"Malay niyo hindi niya alam?" depensa ko naman.

"Maly, huwag kang pikit mata. Alam mo ang totoo sa hindi. Kung matino siya hindi siya papatol sa may girlfriend." biglang sabi ni Ara sa akin.

"Tama si Ara." pagsang-ayon ni Ley.

"Alam mo Maly, yung mga ganyang lalaki, they do not deserve the tears from a lady like you." sabi naman ni Gust.

"Ayos August ha! Saan naman nanggaling yun?" asar ni Caster kay Gust.

Tinignan siya ng blangko ni Gust at prenteng umupo saka bahagyang ngumiti sa kakambal niya.

"Hulaan mo. Pwede mo din hanapin." sagot ni Gust.

Napatawa naman kami sa sagot ni Gust habang si Caster ay hindi maipinta ang mukha.

May bigla naman umakbay sa akin at kay Gust, magkatabi kasi kami. Tinignan namin ang umakbay.

"Kuya Lucas!" sabay sabay naming sabi.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ha?" sabi niya at ngumiti.

Umurong naman kami ni Gust para makaupo si Kuya Lucas.

Sinabi naman nila kung bakit kami tumatawa at nakwento din namin ang napag-usapan namin kanina tungkol kay Ember.

"Kung ganoon, kawalan yun ng lalaki. Syempre kung si Maly o kaya kayo nila Ara. Kawalan nila yun dahil sobrang bait niyo, tsaka maalaga, matalino pa." kumento naman ni Kuya Lucas at nginitian niya kami.

"Thank you Kuya Lucas!" masayang sabi ni Ley.

"Thank you Kuya." sabi naman ni Ara.

Inakbayan naman ako ni Kuya Lucas at ngumiti sa akin.

"Kaya ikaw, know your worth. Huwag ka magpapakamartyr sa lalaki na ang ginawa sayo ay saktan at lokohin ka. Mali yun, dapat alam mo din yung halaga mo, mahalaga yun sa relasyon Maly. Dapat may pagmamahal ka din sa sarili mo." sabi niya at ngumiti.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now