Chapter 24

9 0 0
                                    





From: Clyde Lucas Guzman

Good morning my Jasmine! Don't forget to take your breakfast. I am excited to see you later! I love you.





Napangiti naman ako nang mabasa ko ang message ni Clyde. As usual napaka-sweet niya sa akin at napaka-caring. Tama talaga ang desisyon ko na bigyan siya ng chance dahil ngayon alam kong sobrang lalim na ng feelings ko sa kanya, at feeling ko hinding hindi na ko makakaahon o makakawala sa pagmamahal na 'to. He is my last at siya na ang gusto ko makasama ko sa buong buhay ko. Siya lang at wala nang iba.





Nagtipa naman ako para magreply sa kanya. Sanay na ako sa mga good morning at goodnight message niya dahil araw araw naman yun.





To: Clyde Lucas Guzman

Yes! I am excited to see you too and good morning as well. Kumain ka na rin huwag kang magpapalipas ng gutom.





Sinend ko naman yun at hinintay siyang mag-reply. Kagigising ko lang kasi at kanina pa siya nagtext. For sure maaga yun nagising para mag-work out o kaya may iba pang rason. Magkikita kami mamaya dahil halos isang linggo na kaming hindi nagkikita dahil busy ako sa studies ko at ganun rin siya. Ngayon kasi ay maluwag luwag ang schedule namin kaya napagisipan namin na magkita kami para na rin makapag-relax yung utak namin sa mga studies namin.





Tumunog naman ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Clyde, agad ko naman ito sinagot.





[Hello! Have you eaten my Jasmine o kagigising mo lang?]





"Hindi pa, kakagising ko pa lang, ikaw ba kumain ka na?"





[Yes, I'm good. Kakatapos ko lang mag-work out. Maaga kasi ako nakatulog kagabi dahil maaga ko natapos yung requirement sa school, kaya siguro maaga ako nagising. How about you? Bakit naman late ka nagising?]





"Marami lang akong ginawa. Kaya inabot ako ng 11pm, mukhang napasarap yung tulog ko kaya ayun."





Narinig ko naman ang pag-tsked niya. Mukha namang hindi siya natuwa.




[Next time kung hindi naman kailangan kinabukasan huwag mo madaliin, feeling ko lang ang laki na ng eyebags mo. This past few days lagi kang puyat. Matulog ka din ng mahaba Jasmine try mo, masaya yun.]





Medyo sarcastic naman ang tono niya kaya medyo natawa ako at nai-imagine ko ngayon ang pagkunot niya ng noo dahil tumawa ko.





[Tawa ka diyan?]





"Wala." sambit ko habang nagpipigil ng tawa. "Medyo natawa lang ako sa sinabi mo."





[Kumain ka na nga! Tawang tawa ka baka maubusan ka ng hangin, papakasalan pa kita.]





Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now