Chapter 20

4 1 0
                                    






"Nice catch, Lucas. I didn't know na ililigtas mo siya. Sayang."




Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. I knew it, sadya ito. Bigla namang dumating ang mga kaibigan niya— sila Ember.




"Looks who's here together with Lucas Guzman." sambit ni Ember at matalim na tumingin sa akin.




"Ano pa bang ine-expect mo, Ember? Syempre lalapit at lalapit siya sa sikat. She's so thirsty for fame." sabi ni Laviña kay Ember na ikinainit ng ulo ko. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla akong hinawakan ni Clyde.





"Really? Coming from you, Laviña? Baka naman ikaw ang thirsty for fame. Lumalapit sa mga lalaki na mga sikat para umingay ang pangalan sa school na ito."



Pagkatapos yun sabihin ni Clyde ay mukhang nagulat ang apat. Hindi maipinta ang mga mukha nila at muntik na akong matawa.





They look priceless!





"So? Hindi kayo makapagsalita ngayon? Don't say that Jasmine is thirsty for fame if you and your friends are the one who are doing it."




Napailing naman ako dahil maski ako ay hindi makapagsalita, hindi ko din alam ang magiging reaksyon. Nagulat din kasi ako sa sinabi niya.





"Kaysa naman ginaganyan mo kami, sinasagot mo kami o pagbabarahin mo kami, bakit hindi ka na lang sumama sa amin? Kami na lang ang samahan, mas better pa kami kaysa sa mga sinasamahan mo."





"They are way better than all of you. Hindi naman pangit ang ugali nila, hindi katulad niyo na gumagawa ng masama kahit wala namang ginagawa yung tao sa inyo. Pasalamat kayo na hindi ko kayang manakit ng babae."





"Tch, they are all trash." sambit ni Athena kaya nagpantig ang tenga ko.





Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na lumapat ang palad ko sa mukha ni Athena.




"How dare you!" sabi ni Athena.





Akmang sasampalin niya ako ngunit sinalo ito ni Clyde.





"You, how dare you say that to me and my friends. You don't have a right to criticize us because you, yourself is reflecting on what you are saying. Sama mo na rin mga kaibigan mo na walang ginawa kung hindi maghanap ng gulo, tapos kapag pinatulan mas lalong magagalit at magp-play victim. It sucks." madiin kong sambit.





"I hate you! I hate you so much, Maly." sambit ni Athena at masamang tumingin sa akin.





Matamis akong ngumiti. "I love you, God bless you." sambit ko at tinignan sila isa isa na ngayon ay parang gulat na gulat sa mga sinasabi naming dalawa ni Clyde. "A piece of advice, be good, don't envy other people that have a thing that you want. If you really want it, take an effort, don't down other people, play fair."





Matapos ko yun sabihin ay hinila ako ni Clyde papunta sa kung saan. Ilang minuto ang lumipas ay nakaratimg na kami sa parking lot. Nang tumigil kami sa motor niya ay kinuha niya agad ang mga helmet. Inabot niya sa akin at ang helmet saka sinuot ko ito habang sinuot niya rin ang helmet niya. Sumakay naman siya sa motor niya at sumakay naman ako.





"Saan tayo pupunta? Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.





Hinayaan ko lang naman siya, bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at pinalupot ito sa bewang niya.





"For safety purposes." seryosong sabi niya.





Pinaandar niya naman ang motor at tahimik lang kami habang umaandar ang motor.





Nakatingin lamang ako sa daan. Minsan rin ay tumitingin ako sa rear mirror para tignan ang reaksyon niya kaso seryoso lang siyang nakatingin sa daan.





Ilang minuto pa ay nakarating kami sa sea side. Pinark niya ang motor niya at bumaba kami saka tinanggal ang helmet.





Nang maayos namin ang helmet sa motor ay inalalayan niya akong bumaba para makapunta sa sea side.




Umupo kami sa buhangin na hindi abot ng tubig. Tumingin ako sa kanya at nakatingin lamang siya sa tubig. Dalawa lamang kaming nandito at walang tao na iba. Hapon pa lang kasi at mostly nagpupunta dito ang mga tao kapag sunset na para mapanood ang paglubog ng araw which is sobrang relaxing.





"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko.






Ilang minuto siyang hindi sumasagot at akala ko hindi na siya sasagot kaya tumingin ako sa dagat saka pinanood ang alon na ngayon ay napaka-kalmado.





"Alam kong apektado ka." bigla naman siyang nagsalita at naramdaman ko naman ang pagtingin niya sa akin pero nanatili ang tingin ko sa mga alon. "Hindi mo man sabihin, nararamdaman ko. Kaibigan kita matagal na, kaya alam ko kung okay ka o hindi, kung apektado ka o hindi. Huwag mo kimkimin Jasmine. Handa akong makinig. Kung apektado ka, andito ako, handang makinig at syempre handa ako ipaglaban ka. Huwag ka matakot, nandito ako lagi para sayo. Handa akong damayan ka hanggang sa maging okay ka. Kaya ngayon, please, ilabas mo. Dalawa lang tayo dito."





Tumingin naman ako sa kanya. Tinignan niya ako sa mga mata, kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.





"Okay lang sana kung ako lang, pero yung idamay kayo? Idamay sila Ara? Hindi ko matatanggap yun." sambit ko, hindi ko alam kung paano ko yun nasabi, hindi ko alam kung paano ko yun nalabas.





"Go on. I'm listening."





"Kaya ko kung ako lang ang sinasabihan nila ng masasakit na salita pero kung kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ako papayag."





Naramdaman kong tumulo ang luha ko at agad yun pinunasan ni Clyde. Niyakap niya ako ng mahigpit.





"Go on, just cry on my shoulder. I will never leave. Dito lang ako, hindi kita iiwan."





Hinimas niya ang likod ko at nanatili siyang tahimik, ganun din naman ako.





Ilang minuto kaming tahimik. Umiiyak lang ako sa balikat niya habang siya ay kino-comfort ako. Thankful naman ako na nandyan siya. Masaya akong nandyan siya para damayan ako. Masaya ako na nandiyan siya sa tabi ko para pagaanin ang loob ko.





Ilang minuto pa ay humiwalay ako sa kanya habang pinunasan ang luha ko.





"Thank you, Clyde." sambit ko. "Salamat kasi nandyan ka para mag-comfort."





Tumango naman siya at hinimas ang buhok ko. "You're welcome, I'm always here. Nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan."





Pagkatapos nun ay hinatid niya ako pauwi sa amin.




Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now