Chapter 26

3 0 0
                                    






Linggo ngayon, one week, exactly one week na nung na-aksidente si Clyde. Exactly one week na, na wala siyang malay, yes, hindi pa siya nagigising hanggang ngayon. I'm worried, He is on a coma state. Sabi ng doctor, maaring matagalan bago siya magising dahil sa head injury na tinamo niya. He maybe have a helmet pero malakas daw ang pagkakabagok niya sabi ng doctor. Naiisip ko na habang patagal ng patagal mas lalo ako natatakot, baka kasi hindi na siya magising.





Napailing naman ako sa pumasok sa utak ko. Hindi pwede, gigising siya. Malakas siya. Hindi siya pwedeng mawala.





Tumayo naman ako at muling umiling, masyado akong negative ngayon. Kailangan ko umayos. Umakyat ako sa kwarto ko at doon nagkulong.





Humiga ako sa kama at pinikit ko ang mga mata ko, ngunit imahe niya ang naiisip ko, kaya naman agad akong dumilat.





"Clyde.. please gumising ka na. Gusto na kita makasama."





Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit kong luha. Ang hirap ng sitwasyon ko, pero alam kong mas mahirap ang sitwasyon ni Clyde. Kailangan ko maging malakas para sa kanya.





"Be strong enough, Maly. Malalagpasan niyo din ito."





Pagkatapos nun ay humagulgol ako hanggang sa makatulog.




------




Nagising ako dahil sa pagtunong ng cellphone ko. May tumatawag, sinagot ko yun nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.





[Maly, gising na si Kuya Clyde.]





Nagising ang diwa ko nang marinig ko yun. Napabalikwas ako para bumangon.





"Sige, pupunta ako." sambit ko saka pinatay ang tawag.





Mabilis akong nag-asikaso. Naligo ako agad nang matapos ako ay inayos ko lang konti ang buhok ko. Agad agad akong lumabas saka ni-lock ang bahay.





Nagmamadali akong lumabas ng subdivision. Thank God ay may dumaan na taxi at agad ko yun na pinara. Buti na lang wala itong sakay kaya naman nakasakay ako agad.





Nang makarating ako sa hospital ay agad akong nagbayad sa taxi at bumaba, hindi ko na rin kinuha ang sukli ko dahil sa pagmamadali.





Excited akong makita siya, excited akong mayakap siya, excited akong makitang okay siya, excited akong makausap siya. Sobrang miss ko na siya, miss na miss ko na si Clyde.





Lakad, takbo ang ginawa ko para mabilis na makarating sa kwarto niya. Hindi na ako makapaghintay.





Pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko siya na nakasandal sa headboard ng kama. Nilapitan ko siya at niyakap.





"Clyde... mabuti at gising ka na.. miss na miss na kita... sobrang nag-alala ako sayo." sambit ko at tumulo na naman ang mga luha ko pero agad ko yun na pinunasan habang nakayakap pa din sa kanya.





Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko na parang hinihila ako palayo sa kanya.





"Who are you? Do I know you?" nagulat naman ako sa sinabi niya.





Napahiwalay ako, hindi ako makapaniwala. Panaginip ba 'to? Tama ba ang narinig ko?





"Bakit ka naman nagbibiro ng ganyan?" tanong ko.





Kumunot naman ang noo niya. "I'm not joking. I don't know you."





Nangyayari ba talaga ito? Nagbibiro lang siya diba?





Tumingin ako sa mga nasa likod ko. Nakita ko ang mga tingin nila na sinasabi sa akin na hindi siya nagbibiro. Nilapitan ako ni Tita, hinawakan niya ako sa balikat at inalalayan maupo.





"Nagbibiro lang siya diba Tita?" mahina kong sambit.





Hinaplos niya ang buhok ko, unti unti siyang umiling. Para namang lumubog ang puso ko sa naging tugon ni Tita.





"Sabi ng Doctor, may Anoxia siya. Anoxia is a depletion of oxygen levels can also affect the entire brain and lead to memory loss. Sabi pa ng Doctor kung hindi ganun kalala, maaring temporary lang. Pagkagising niya kanina ay hindi niya rin kami maalala."





Napayuko naman ako sa sinabi ni Tita. Bakit ganito naman?





"Sige po. Labas muna ako Tita." sambit ko kay Tita.





Tinignan ko muli si Clyde. Nagtama ang tingin namin pero agad akong nag-iwas. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto, binuksan ko yun saka lalabas na sana nang biglang magsalita si Clyde kaya naman napahinto ako.





"Who are you? Do I know you? Why are you crying earlier? And you also said you miss me? Are you important to me?"





Ramdam ko ang pagkalito sa boses niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Baka kapag sinabi ko na girlfriend niya ako ay maguluhan siya lalo. Kapag itinanggi ko naman ay baka mas lalo siya maguluhan sa mga sinambit ko kanina pagkarating ko dito. Sa huli namayani pa din ang pagmamahal ko sa kanya.





"I'm your girlfriend, Clyde."





Matapos non ay hindi ko na siya hinintay sumagot, lumabas na agad ako.





Nang makalabas ako ay napaupo ako, sa mga upuan sa labas. Nanghihina ang mga tuhod ko.





Anoxia....





Temporary amnesia....





Bakit kailangan siya pa yung makaranas nito? Akala ko okay na ang lahat. Akala ko wala na kaming problema. Akala ko perfect timing na. Bakit ganito?





"Who are you? Do I know you?"





Nadurog ang puso ko lalo nang maalala ko ang sinabi niya kanina. Parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko kasabay ng pagdurog nito.





Tumulo ng luha ko. Sa lahat ng pwedeng mangyari, bakit yung hindi mo pa ako maalala?





May biglang naman nag-offer sa akin ng panyo. Si August.





"He will be fine. Just pray at tiwala lang sa kanya na gagaling siya. We will do everything para makaalala siya."





Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa balikat. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Lumabas din naman sila Caster, Ley at Ara. Nandito din kasi sila Ley at Ara pagkarating ko kanina siguro ay tinawagan din sila nung dalawa.





Naramdaman ko ang paghaplos nila sa akin.





"He will be fine." sambit ni Ara.





Tumango ako at nagpapasalamat ako na nandito sila sa tabi ko. Mahirap pala talaga.





Alam kong gagaling ka Clyde. Tutulungan kita makaalala. Mahirap man, pero titiisin ko matulungan ka lang, hinding hindi ako aatras. Kung hindi mo man ako maalala, tutulungan kita maalala ako, yung mga pinagsamahan natin, lahat lahat. Kapit lang Clyde. Mahal na mahal kita Clyde, hindi kita susukuan.



Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now