Chapter 8

9 1 0
                                    



Papunta na kami ngayon kila Caster dahil nga in-invite nila kami kahapon. Bonding lang daw, ewan ko kung bakit, siguro na-miss lang nila kami, or something else.

"After a long time, nakumpleto tayo ulit, siguro yun yung dahilan kung bakit gusto nila mag-bonding." biglang sabi ni Ara.

Napatango naman ako. May point nga naman si Ara. Matagal rin kasing nawala si Kuya Lucas dahil nag-aral siya sa Korea for 4 years. Kaya simula nun ay hindi na kami nakumpletong magkakaibigan. Sa 4 years kasi na yun at hindi siya naka-uwi ng Pilipinas. Mostly nagvivideo call lang kami para magka-mustahan.

"I'm excited!" sambit ni Ley at halata mong excited na excited.

Nasa subdivision na kami nila Caster kaya naman nag-ayos na kami ng gamit namin para diretsyo na sa pagbaba pagkatapos magbayad sa taxi.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Caster ay agad kaming nagbayad sa driver at bumaba na.

Pinindot namin ang doorbell at ilang minuto lang ay lumabas na si Manang Dana, isa sa maid nila Caster, saka kami pinagbuksan ng gate.

"Tuloy po kayo mga iha, hinihintay na kayo nila Sir August sa loob." sabi ni Manang Dana.

Pumasok naman kami agad. Naabutan naming nasa sala sila Gust at Caster na nanonood lamang ng TV.

Nang mapansin kami ni Caster ay agad niya kaming nginitian.

"Ara! Maly!" masiglang sabi ni Caster at niyakap kami ni Ara.

Nang humiwalay siya ay tumingin siya kay Ley at nagpoker face.

"Nandyan ka pala, Ley." saka nginitian ng nakakaloko ni Caster si Ley.

Yayakapin niya na sana si Ley pero lumayo si Ley at umupo sa sofa. Tinignan ko si Ley at nakasimangot siya.

"Tigilan mo ko, Caster." sambit ni Ley.

"Pagpasensyahan mo na si Caster, Ley. Ganyan lang talaga siya. Siguro gusto ka lang niyan kaya yan ganyan sayo." biglang singit ni Gust.

Binatukan naman agad siya ni Caster. "Hindi ha! Asa pa yan si Ley!" saka tumingin si Caster kay Ley. "Pero sorry na Ley." sapilitan namang niyakap ni Caster si Ley.

Napangiti naman ako. I wonder if maging sila, ang sweet siguro. Napailing naman ako sa naisip ko.

"Bakit ka nakangiti diyan, Maly? At bakit nakatayo lang diyan? Para kang baliw." kumento ni Ara na ngayon ay nakatingin sakin na parang naguguluhan. Nakaupo na pala sila lahat habang ako nakatayo pa sa pwesto ko. Agad naman ako umupo sa single couch.

"Wala. Napaisip lang ako pero nevermind."

Baka kasi batukan ako nung dalawa, kung sasabihin ko na naisip ko na baka maging sila.

Muli naman akong napailing. Tumingin naman ako sa kanila. Masaya silang nagkwekwentuhan ngayon. Bigla naman dumating si Manang Dana na may dalang meryenda.

"Ito, meryenda muna kayo." sabi ni Manang Dana at nilapag ang mga dala niyang pagkain, tinulungan namin siya na maglapag ng pagkain. "Sige, babalik na ko sa kusina, enjoy your food mga iha at iho."

Kumakain lang kami ng meryenda habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa iba't ibang bagay na nangyari sa amin sa mga nakaraang taon.

"Naalala ko, may babaeng habol ng habol kay August dati!" sabi ni Caster at tumawa. "Shane! Shane! Pansinin mo naman ako! Shane! Bakit mo ko hindi pinapansin?!" saka humagalpak ng tawa si Caster.

Natawa naman kami dahil sa mga aksyon ni Caster habang ginagaya yung babae.

"Ikaw naman Caster, nung may sinusuyo kang babae tapos ayaw pumayag, tapos sinabi mo pa na hindi niya matitiis yung charms mo. Pero in the end, wala pa rin, hindi mo nasuyo." asar naman ni Gust at napatawa kami habang si Caster ay parang nalugi!

"Naalala mo pa yun! Nice! Sharp mind." saka nag-sign ng thumbs up si Caster.

"Triggered." asar ni Ley at nginisian si Caster.

"Che! Echosera ka. Ikaw nga may inaway na lalaki dati!"

"At least ako panalo! Ikaw talo!"

Para namang nanlumo si Caster. "Kayo ha! Pinagtutulungan niyo ako."

Tinawanan lamang namin si Caster na parang luging lugi ang itsura.

Tinapik naman ni Ara sa balikat si Caster. "Better luck next time, Caster. Saka na ako kakampi sa iyo ha." sabay tawa ni Ara at sinamaan siya ng tingin ni Caster pero hindi niya ito pinansin at mas lalo pang natawa sa reaksyon ni Caster.

"Kawawang Caster!" biglang sabi ni Ley na halata mong nang-aasar.

"Humanda kayo! Mananalo din ako. Abangan niyo. Kapag dumating si Kuya Lucas! Antagal tagal naman kasi non!" angal ni Caster.

"Speaking of, asan nga pala si Kuya Lucas?" tanong ko naman.

"Nasa taas nagpre-prepare pa ata." sagot ni August.

Nakaramdam naman ako na parang naiihi ako. Nagpaalam ako na magc-cr muna ako. Agad naman akong tumayo at lalakad na sana ako papunta sa cr pero pinagilan ako ni Gust.

"Sa taas ka na lang mag-cr, Maly kasi sira pa yung cr diyan, hindi pa naaayos dahil wala pa yung magre-repair." sambit ni Gust.

"Okay."

Agad naman akong pumunta sa hagdan at umakyat na. Nang makarating ako sa taas ay andaming pinto at anlawak.

Napasapo ako sa noo ko nang hindi ko matanong kung nasaan yung cr. Isang beses pa lang ako nakaakyat dito kaya hindi ko alam kung nasaan ang cr.

"Bahala na." sambit ko.

Nagsimula naman ako maghanap kung nasaan ang cr. Pumunta ako sa kanan dahil nandun yung maraming pinto. May pitong pinto, tatlong magkakatapat at isang nasa dulo. Isa-isa ko itong binuksan. Mostly sa pitong kwarto ay naka-lock.

Dalawang pinto na lang ang natitira na hindi ko nabubuksan. Yung isang nasa tapat ng isang kwarto at yung nasa dulo.

Binuksan ko ang nasa tapat ng isang kwarto at halos matuwa ako nang hindi naka-lock, sigurado akong ito na yung cr, kasi diba hindi naman nilo-lock yung cr kapag walang tao?

Nang mabuksan ko ay agad akong pumasok pero isang tao ang bumungad sa akin— si Kuya Lucas... habang nagpupunas ng buhok. He is topless, kitang kita ko ang well built body niya. Napatingin siya sa akin.

"What are you doing here?"

Napatakip ako ng mata saka tumalikod

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatakip ako ng mata saka tumalikod. "Sorry, Kuya Lucas! Hinahanap ko kasi yung cr! Sira daw kasi yung cr sa baba kaya dito ako pinapunta, pero hindi ko alam kung nasaan yung cr dito sa taas kaya hinahanap ko."

Naramdaman ko naman na lumakad siya. Hinawakan niya ako sa balikat kaya napaforward ako ng isang step. Dahan dahan niya kong tinulak papunta sa pinto. Nang makalabas kami ng doorway ay naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko, he is just inches away from me. Bigla naman ako kinabahan.

"Doon ang cr. " bulong niya sa akin sabay turo sa nag-iisang pinto na hindi ko nabuksan.

"T-thank you, K-kuya L-lucas."

Pumasok naman ulit siya sa kwarto niya habang ako ay agad na pumasok sa cr.

Ambilis ng tibok ng puso ko!

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now