Chapter 7

5 1 0
                                    




"Sinugod ka?" tanong ni Ley.

"I thought Ember isn't that cheap, pero nagawa niya pa din yun. I think she's really insecure with you." sabi naman ni Ara.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ara. "What do you mean?" tanong ko naman.

"You see, if she is really confident with herself, hindi ka nun aawayin. Kasi nasa kanya na si Mark, what I mean is pinili na siya ni Mark tapos wala na kayong communication or whatever but she keep mocking you. Hindi ka niya tinitigilan plus siya lagi yung gumagawa ng gulo. Kumbaga bawat kilos mo nakikita niya, especially kaklase mo siya sa isang subject."

"True, kung talagang at ease na siya sa relasyon nila, hindi niya na kailangan pa tignan mga kilos mo." dagdag naman ni Ley.

Napatango naman ako sa mga sinabi nila. Tama nga naman, kung at ease o kuntento na siya sa relasyon nila, hindi na siya titingin sa iba. Parang sa lalaki lang, kung mahal niya talaga yung babae hinding hindi niya yun lolokohin kahit napakarami pa yung babaeng nakapalibot sa kanya.

Parang sinampal ako ng realidad na hindi porket sinabi na 'tayo hanggang huli', hindi na tayo iiwan sa ere.

Naalala ko naman yung scenario na sinabi niya sa akin yun.

Nakatitig siya sa mga mata ko, nakangiti na halata mong masayang masaya siya. Nginitian ko siya.

"Mahal kita, Maly." bigkas niya na kay saya marinig. Parang tumatalon yung puso ko sa saya.

"Mahal din kita, Mark."

Hinawakan niya ang pisngi ko saka yun pinisil ng bahagya.

"Masayang masaya ako na nakilala kita, promise ko sayo na tayo hanggang huli."

Napangiti ako ng mapait at tinignan sila Ley na ngayon ay nag-aantay ng sasabihin ko.

"Even promises are meant to be broken." saka ako bumuntong hininga.

"Hindi lahat, pero kadalasan oo. Sabihin na natin na mas maganda pa rin na may kasamang aksyon ang bawat sinasabi ng tao." sabi naman ni Ley at sa pangalawang pagkakataon, napatango ako sa sinabi nila.

"Thank you." sambit ko at napangiti sila sa akin.

Niyakap nila ako at ganun din ang ginawa ko.

I am so lucky to have these girls at sobrang thankful ako dahil lagi sila nandyan para sa akin.

Maya maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Ley.

Si Caster tumatawag, video call rather. Nginitian namin si Ley ng nakakaloko.

"Tigilan niyo ko, ngayon lang yan tumawag sa akin." depensa naman ni Ley.

"Talaga ba Ley?" mapang-asar na tanong ni Ara.

"Baka naman araw araw kayo magkausap ha, hindi mo lang sinasabi sa amin." sabi ko at tinusok tusok ang tagiliran niya, pinalo niya naman ang kamay ko.

"Sagutin niyo na lang! Nang matapos na tayo, hindi yung puro kayo asar." reklamo ni Ley at sumimangot.

Pinindot ko naman ang answer at mukhang nagulat si Caster na magkakasama kami, kaya naman ngumiti kami ng nakakaloko ni Ara.

[Hello girls! Sakto naman magkakasama kayo, hindi ko na kayo kailangan isa isahin. Bonding naman tayo dito sa bahay bukas!]

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Ara.

"Wala lang, bonding lang. Gora ba kayo?"

"Gora daw, ano ka bakla?" tanong ni Ley at malokong ngumiti.

"Che! Huwag mo ko kinakausap. Hindi tayo bati. Ano na girls? Payag ba kayo?"

"Sige, game!" sabay na sabi namin ni Ara.

"Okay!" sabi ni Caster saka pinatay ang tawag.

"Hindi man lang ako tinanong! Grabe talaga yung lalaki na yun!" reklamo ni Ley at padabog na bumaba sa kama. Napailing na lamang ako sa kinilos niya.

"Hoy Ley! Bakit kayo magkaaway?" habol naman ni Ara kay Ley.

Wala naman akong magawa kundi sundan silang dalawa.

"Wala yun, inaway niya kasi ako nung nakaraan." sabi niya habang nakatalikod sa amin.

Bumaba naman si Ley sa kusina nila at dumiretsyo sa ref saka kumuha ng chocolate.

Nandito kasi kami sa bahay nila dahil wala kaming magawa. Sabado kasi ngayon at saktong holiday ngayon, kaya wala kaming pasok lahat.

May tour din naman sila Mama kaya mag-isa lang ako sa bahay, kaya naisipan ko din lumabas.

Pumunta naman kami sa sala nila at binuksan ang TV. Kumuha naman ako ng chocolate na kinuha namin sa ref. Mukha namang tense si Ley and I know her very well, kapag kumakain siya ng maraming chocolate, she is nervous or tense.

"Ley?" tawag ko, tumingin naman siya sa akin. "Are you okay?"

Tumango naman siya at ngumiti naman siya at ganon din ang ginawa ko.

"Hindi ako naniniwala." bigla naman siyang napatingin sa akin.

"W-wala nga."

I shrugged when she said that pero hinayaan ko siya at nanood na lang kami.

Nang matapos ang movie ay nag-ayos muna kami ng mga ginamit namin. Nagstay pa kami sandali sa bahay nila Ley bago tuluyang nagpaalam sa kanya para umuwi.

------

Humiga naman ako sa kama, matapos kong magbihis ng pambahay. Tinignan ko ang oras at 5pm na.

Wala pa kong ganang magluto at hindi pa naman ako gutom, kaya pinatay ko ang cellphone ko at tumingin lamang sa ceiling.

It's been months since Mark and I broke up. Masasabi ko na wala na siya sa mga routine ko, hindi katulad nung mga first week or second week nung break up namin na naaalala ko siya bawat anong gawin ko. Ngayon parang wala na lang sakin at parang nasanay na ako na, ako na lang, wala na siya. Ramdam ko na rin yung saya at wala nang hate sa puso ko. I can say na naka-move on na ako.

Heartbreak can teach you a lesson. Ayun yung isang natutunan ko, actually marami akong natutunan. Katulad na lang, yung pahalagahan ko yung sarili ko, yung kahit nagmamahal ako, kailangan may pagmamahal pa rin sa sarili ko. Syempre pati yung self worth.

"Someday I will meet the right person, in the right timing." I said and smiled.

I'll just wait, mas maganda na yun kaysa nagmamadali. Kasi the more na magmadali ka, the more na masasaktan ka. Ayaw ko naman yun mangyari, ayaw ko naman na paulit-ulit akong madurog. Naalala ko nga yung 'huwag mong ipilit masasaktan ka lang.' Alam kong totoo yun at syempre hindi na ko magpipilit pa.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now