Chapter 3

61 7 0
                                    

Sheya's point of view

Si saly at roxan ay namumula na sa kilig nang makita ang mga lalaking to.Kami ni puff ay wala paring reaksyon habang nakatingin sa apat na lalaking papalapit sa amin.

"Sila na po ba aleng merta?"tanong ni puff halatang naiirita na sya sa dalawang kasama namin na namumula.Kahit naman ako e.

Tinignan ko isa-isa ang mga lalaking nasa harap ko.Yung isa seryosong nakatingin samin.Yung isa ngiting ngiti.Yung isa naman humihikab pa.At yung isa ay wala man lang ka reaksyon-reaksyon ang mukha.

"Ah oo"nakangising sabi ni aleng merta.

Hindi kona napigilan ang pagkairita ko kaya nagsalita na ako.

"Aleng merta bibili po ba kayo o hindi dahil kung hindi po aalis na po kami hindi lang po ikaw ang costumer namin"walang reaksyon sabi ko.Siniko naman agad ako ni saly.Tinignan ko sya nang masama at pinandilatan lang ako ng mata ng bruha.

"Ikaw talaga sheya masyado kang mainit!Oo na papakyawin ko lahat ng paninda nyo!"

Nagliwanag naman agad ang mukha ko.Hays salamat naman at makapagpahinga ako ng maaga.

Tinignan ko si saly at roxan.

"Hoy!Ano pang hinihintay nyo pasko?"naiinis na sabi ko sa kanila.Eh kasi naman hindi na gumalaw.

"Ay ipasok nyo nalang yan sa bahay ko para hindi na aksaya nang plastik deretso na yan sa ref.Pasok kayo."

Humikab naman ako.

"Oh saly,roxan,at puff benta na, kayo nang bahala dyan mauna na ako"paalam ko sa kanila.

Agad akong hinawakan sa braso ni puff.

"Sasama ako sayo"cold nyang sabi.

"Ano ba yan sheya at puff ngayon lang ako nagpapapasok nang babae sa apartment ko aayawan nyo pa!"sabi sa amin ni aleng merta."Ay ito nga pala ang mga bago kung boarders si james,cross,math,at dion.Boys ito nga pala si sheya,puff,saly,at roxan dito ako bumibili ng gulay sa kanila"

Nagnod lang ako sa apat habang bored ko silang tinignan.Nakipagkamay agad si saly sa apat at may pa singhot-singhot pa sa kamay.Ganun din ang ginawa ni roxan.Si puff ay nakipagkamay lang.Tinignan nila akong tatlo.

"What?"

Napailing lang sila at napabuntong hininga.

Lumapit sa akin si cross na hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Sya yung masiyahin sa grupo.

"Hi!"bati nya sakin.Walang reaksyon ko syang tinignan.Pilit akong ngumisi sa kanya.

"Oh sya tama na ang batian pasok na kayo"yaya samin ni aleng merta.

Pumasok agad sila kaya sumunod na ako.Walang imik kaming pumasok sa apartment ni aleng merta.

Malaki ito may second floor.

"Aleng merta ano pong gagawin namin dito?"tanong ko sa kanya.

"Ito talagang si sheya oh!Since may bago akong taga renta magluluto ako ng meryenda dito na kayo!"

Napailing nalang ako.Nakatayo lang kaming walo habang tinatanaw si aleng merta na naghahanda sa kusina.

Syempre sino pa ba ang unang mago-open ng topic edi si saly.

"San kayo galing?"pacute na sabi ni saly.

Umupo ako sa sofa para makalayo sa kanila pero sumunod naman sakin si dion sa akin at wala paring reaksyon ang mukha.At dahil sumunod si dion sumunod na silang lahat.Hays gusto ko sanang mapag-isa dahil ayokong marinig ang malanding boses ni saly.

"Actually where from manila"sagot sa kanya ni cross.

"Oh!Manila!"tango-tangong sabi ni saly.

Napaigtad ako nang may biglang bumulong sakin.Si roxan lang pala.Kaya binatukan ko agad.

"Aray!"naiiyak na sabi nya.

"Kung bubulong ka einform mo ako"inis na sabi ko sa kanya.Napalakas ata ang daing ni roxan dahil lahat sila lumingon samin.

"Eh magtatanong sana ako e.Anong meaning nung sagot ni cross?Hehe.Masyado kasing mabilis english nya e.Hindi ko na intindihan."sabi nya sabay peace sign pa.Sasagot na sana ako pero bigang nagsalita si math.

"Tss stupid"seryosong sabi nya kay roxan.

Bahagya akong kinalabit ni roxan.

"Ano yung stupid?"inosenteng tanong nya.

Tumingin mo na ako kay math at ngumisi.

"Sabi nya maganda ka daw"nakangiting sabi ko kay roxan.

"Maganda?Diba ang maganda ay beautiful?"

"Ang stupid din ay maganda."

Nilingon ko si math na ngayon ay nanlaki ang mata kaya natawa ako.Namula naman agad si roxan.

"I didn't say that!"protesta ni math.Kaya mas lalo akong napangisi.

"Anong sabi ang bilis talaga?"naguguluhang tanong ni roxan.

Napansin kung natatawa sila puff at saly kinindatan nila ako kaya kinindatanan ko din sila.

"Sabi nya sa sobrang ganda mo crush ka daw nya"natatawang sagot ko.

Mas lalong lumaki ang mata ni math.

"Hoy stupida wag kang maniwala dyan sa kapatid mo!"sigaw sa kanya ni math.

Humagalpak naman kami ng tawa sa reaksyon ni math.Lalo na kay roxan na naiiyak.

"Ang sama nyo sakin!Pinagtitripan nyo na naman ako!Porket mahina ako sa english!"naiiyak nyang sabi dahilan upang mas lalo pa kaming humagalpak ng tawa.Pati narin sina cross,james,at dion ay natawa narin.

------------------------------

Fb:Sheena Ybanez

Ig:itsmesheenaybanez

Probinsyana Girls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon