Sheya's point of view
Nakangiti pa rin kami sa mga tita at tito nila dion.
Nabigla nalang ako nang bigla akong yinakap nang matanda.Pati narin sina roxan ay yinakap nya.Nanlaki ang mga mata namin except kay puff na walang reaksyon ang mukha.
"Ma hindi pa tayo sigurado"sabi nung babaeng mukhang sosyalin.
"Kayo hindi sigurado pero ako siguradong-sigurado ako"sabi nang matanda sa kanila.
Nalilito na talaga ako sa mga kinikilos nila.Akala ko wala na silang ibang kasama pero may bigla nalang dumating na sasakyang suv.
Bumaba dito ang dalawang lalaki na mukhang mas matanda pa samin ng dalawang taon.Mapuputi ito at may itsura.
"Why are you two late?"tanong sa kanila ng babaeng sosyalin.
"We're just checking something"sagot nung isang lalaki."Sila na ba?"tanong nya habang tumitingin samin.
Ang we-weird talaga nila.Tumango ang babae.
"Nice to meet the four of you"pormal na sabi nya."I'm Justine Gin"sabay lahad sa kanyang kamay samin.
Arghh kanina pa talaga ako naguguluhan sa mga kinikilos nila bwesit.
Tinanggap naman agad yun ni saly.
"I'm Saly nice to meet you din sir justine"nakangiting sabi ni saly.Himala dahil walang halong pacute ang sinabi nya.Pormal na pormal ito.Agad din namang nagpakilala si roxan na tila naguguluhan din sa nangyayari.
"Roxan po sir"
Ayoko ko sanang magpakilala dahil kakapagod nang banggitin ang pangalan ko pero wala akong choice.
"Sheya sir"
Nilingon namin si puff na mukhang galit.Naguguluhan din ako sa inaasta ni puff ngayon.Pero kahit mukhang galit sya ay nagpakilala parin sya.
"Puff"malamig nyang tugon.
"Hi Saly!Roxan!Sheya!Puff!I'm Jake Gin."masayang pakilala nung isa pang lalaki.
Ngumiti lang kami sa kanya.
"Shall we proced?"malamig na tanong ni puff.
Hindi ko talaga maintindihan ang inaasta ngayon ni puff kani-kanina lang kinakabahan sya pero ngayon ang lamig na nya.
Tumango naman ako.
"Mam,sir follow us and we will tour you"sabi ko.
Sumunod naman sila samin.Si saly ang unang nagsalita sa amin.
"Yan po ang minahan namin dito mam,sir ang mga trabahante po dyan ay napaka masiyahin.Kung gusto nyo po lapitan natin sila."nakangiting sabi ni saly.
"Don't call me mam"nakangiting sabi ni madam sosyalin
"What should I call you po?"tanong ni saly.
"I'm Veronica Gin just call me t-tita or a-anything basta hindi mam"utal na sabi nya.
Ngumiti naman si saly."Mrs.Gin then.So pupuntahan nyo po ba?"nakangiting tanong sa kanya ni saly.
"Ahmm mamaya na siguro I want to see the flower farm"
Habang nag-uusap sila ay lumapit sakin ang matanda.
"Kamusta ka na?"naluluhang tanong nya.
Hindi ko alam na close na pala kami.Kung makapagtanong si lola parang kilala nya ako ha.
"Ayos lang po madame"sagot ko.
"Don't call me madame.Call me lola please"request nya.Walang nakakarinig sa usapan namin dahil busy sila sa pag-uusap.
"S-sige po lola"akward na sabi ko sa kanya.Nakita ko namang may tumulo na luha galing sa mata nya.Kaya nataranta kaagad ako.
"Hala!Lola ayos lang po kayo!?"dahil sa taranta ko ay napalingon ang mga kasamahan namin.
"Ok lang ako apo matanda nga naman masyadong emosyonal"naiiyak paring sabi nya.Kahit tinawag nya akong apo hindi ko na inalintana yun.Dahil baka yun talaga ang tawag nya sa lahat.
"What happened?"tanong ni Mrs.Gin.
"Hindi ko po alam"nakayukong sabi ko."Bigla nalang pong may pumatak na luha galing sa mga mata ni lola kaya nataranta po ko.Pagpasensyahan nyo po."paliwanag ko.
Ngumiti naman sya sakin.
"It's okay emotional lang talaga si mama"nakangiting sabi nya at bumaling sa matanda."Ma"mahinang bulong nya dito na para bang binabalaan.Tumango naman ang matanda.
Napansin kung ang sama talaga nang tingin ni puff.Ano ba talagang nangyari kay puff?Hindi ko na kinaya nilapitan ko ito.
"Puff kanina ko pa talaga napapansin ang sama ng tingin mo.Sabihin mo sakin anong problema?"tanong ko.
Agad din naman syang nag-iwas nang tingin at pilit ngumiti sa akin.
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko kaya masama ang tingin ko"pilit nyang biro.Akala nya siguro maloloko nya ako.Pwes wag ako!Sinamaan ko sya nang tingin pero umiwas lang sya.
Seriuosly?
-------------------—————
Fb:Sheena Ybanez
Ig:itsmesheenaybanez
😉
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls(On Going)
RomanceSi Sheya,Puff,Roxan at Saly ay masayang naninirahan sa isang probinsya.Kahit na alam nilang ang pamilya na nagmamahal sa kanila ngayon ay hindi nila totoong kamag anak ay minahal sila nito.Pero paano kung isang araw malalaman mong kayo pala ang nawa...