Sheya's point of view.
Masama pala ang pakiramdam ha?Subukan natin.
Lumapit ako kila Mrs.Gin.At nagsalita.
"Mam,sir pwede po bang kami na munang tatlo ang matotour sa inyo medyo masama po kasi ang pakiramdam ni puff"saad ko at nilingon si puff na nanlaki ang mata.
Agad namang lumapit si Mrs.Gin,Mr.Gin.Lola,Jake,at justine sa kanya.Mukha silang nag-aalala.Agad nilang sinapo ang noo ni puff si jake at justine naman ay inaaalayan si puff.
"Are you okay?"
"Kailangan mo bang madala sa hospital?"
"Saan banda ang masakit?"
"Jake call an ambulance!"
"Ihanda ang sasakyan!"
Napanganga kaming tatlo habang ang apat na lalaki ay nakatingin lang sa kanila at ang dalawang mag asawa na kasama nila ay napailing lang.Si puff ay ang sama nang tingin sa akin.
"Okay lang po ako MAM,SIR.Wag na po kayong mag alala"sarkastik na sabi nya.Mukhang hindi naman sya nahalata.
"Tubig!Magdala kayo nang tubig!"sigaw ni Mrs.Gin.
Agad namang nagmadali ang sika dion at kumuha nang tubig.Ang oa nang reaksyon nila.Napairap naman si puff.
"Ang oa nilang magreact"bulong ni saly sakin.
"Ka ano-ano ba nila si puff at ganyan sila makareact"bulong din ni roxan.
"Baka ganyan talaga sila"sabi ko naman.
"Mang pedro hindi na po kami magpapatour pero sweldohan nyo parin po sila.Babayaran namin ang pinangako namin basta hayaan nyo lang silang magpahinga"sabi ni Mrs.Gin na ikinalaki nang mata ko.Tumango naman agad si mang pedro.
Lumapit sa amin si justine.Napansin ko lang ang tahimik nila dion ngayon.
"Girls lets go?"
Ha?Saan naman kami pupunta?
"Ay hindi po kami pwedeng sumama sa mga bisita namin sir"sabi ni saly."Baka kidnapin nyo kami at ibenta ang atay namin.No way"dagdag nya pero bulong lang iyon.
"No worries girls pinagpaalam ko na kayo sa amo nyo"sabi nya sabay ngiti.
"Ay thank you nalang po sir pero hindi po talaga kami sasama sa inyo.Paano kung kidnapin nyo kami!Ay sir wala po kaming pera pang ransom sir mahirap lang po kami!"dere-deretsong sabi ni roxan.Nasapo ko nalang ang noo ko.Masayado talaga syang pranka!
Bahagyang natawa si sir justine."Don't worry kakain lang tayo.Hindi namin kayo kikidnapin"
Ako naman ang nagsalita.
"Sir sorry po talaga pero hindi po talaga kami sasama sayo.May gagawin pa po kaming apat.Salamat po sa pag imbita."saad ko.
Bumuntong hininga sya.
"I guess hindi ko talaga kayo mapipilit.Sige"sabi nya sabay alis na para bang ang lungkot-lungkot nya.
Lumapit sya sa pamilya nya at may sinabi ito.Hinanap nang mata ko si puff.Kausap nya si mang pedro mukhang ibinigay na ang sweldo namin.
Nabigla nalang ako nang may biglang humawak sa dalawang kamay ko.Pagkalingon ko ay si lola nangingilid ang mga luha nya.
"Apo pakiusap sumama na kayo"tumulo ang luha sa mata nya.Nilingon ko si roxan at saly mukhang naawa sila sa matanda.May mawawala ba kung hindi kami sasama?Tumango silang dalawa sakin.Na para bang sinabi na sumama nalang kami.
"S-sige po"
Agad naman nyang pinunasan ang luha nya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.Hinila kaagad nya ako sa sasakyan nila.Ngumiti sakin si justine pati na rin sila Mrs and Mr.Gin ngumiti din.
Nilingon ko ang dalawa sumunod sila sa akin.Si puff ay kausap si jake.Mukhang pinilit nya rin itong sumama kaya sa huli sumama rin sya.
————————————————
Fb:Sheena Ybanez
Ig:itmesheenaybanez
😉
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls(On Going)
RomanceSi Sheya,Puff,Roxan at Saly ay masayang naninirahan sa isang probinsya.Kahit na alam nilang ang pamilya na nagmamahal sa kanila ngayon ay hindi nila totoong kamag anak ay minahal sila nito.Pero paano kung isang araw malalaman mong kayo pala ang nawa...