Chapter One: I didn't expect it.

63 1 0
                                    

"Ella !!!!!"-- sigaw ni mama. Kung makasigaw parang tinatawag ang lahat ng tao sa mundo. Hayys! Si nanay talaga.

"Bakit po ba"-- sabi ko ng medyo pagalit.

"May padalang box para sa'yo"-- si mama.

"Ah ?! Kanino po galing?"-- tanong ko kay mama dahil hindi ko talaga inaasahan na may magpapadala ng box para sakin.

"Walang nakasulat na pangalan eh"-- sigaw ni mama.

"Ah okay po.. sandali lang ma .. bababa na ako"-- andito kase ako sa kwarto ko .. nag fe-facebook .. second floor.

"Bilisan mo"-- sigaw ulit ni mama.

"Andiyan na po"-- sigaw ko din.

Pagkababang-kababa ko ay kinuha ko agad yung medyo malaking box at may pagka-mabigat ito. "Kanino naman kaya galing 'to?". Yan ang tanong sa isip ko.

Pagkakuha ko ng box ay bumalik ako agad sa kwarto ko.

Binuksan ko agad yung box at nagulat ako dahil may laman itong kulay sky blue na teddy bear. Grabe ang cute. At favorite color ko pa ang sky blue. Kinuha ko agad yung teddy bear sa box at itinabi muna dahil alam kong may laman pang iba ang box. Di nga ako nagkamali dahil may laman pa itong flat na bato.. teka ?! .. flat na bato ?!! .. grabe naman yung nagbigay nito saken. Kaya pala mabigat eh .  Haha ^.^.. nung kinuha ko yung bato ay may nakasulat sa likuran nito. I Love You! .. yun ang nakasulat sa bato.

Napaisip tuloy ako kung sino ang nagpadala nito. Tumingin ulit ako sa box at meron pang isang sobreng kulay sky blue. Binuksan ko ito at may laman itong sulat. Binasa ko ito agad.

"Hai Daniella Aleca Sanero. Sana nagustuhan mo yang binigay ko para sa'yo. At tungkol dun sa bato, totoo yun dahil talagang mahal kita. Sana dumating yung araw na mahalin mo din ako gaya ng pagmamahal ko sayo. Ikaw palang ang unang babaeng minahal ko. Kaso nahihiya akong umamin sa'yo kaya ituring mo muna akong isang STALKER. Saka na ako magpapakilala kapag handa na ako. Ingatan mo yang teddy bear ha. Ikaw na bahalang magbigay ng pangalan niya. Pati na rin yung bato. Haha :) sige hanggang dito nalang .. I Love You :) :* ^.^
              FROM YOUR STALKER:) "

Grabe ! Sino kaya ito. Kung sino man siya, dapat magpakilala na siya agad. Pero anyway salamat na din sa kanya kase may teddy bear ulit ako na kulay sky blue. Paano kaya niya nalaman na Sky Blue ang favorite color ko. Siguro ay malapit lang din sakin ang lalakeng ito. Hmmmm.. Tsaka ko na nga lang isipin yan .

At inilagay ko muna ang teddy bear at yung bato sa mesa ko. Pati na rin yung sulat at ipinagpatuloy ko na amg pagfe-facebook.

My Perfect StalkerWhere stories live. Discover now