Habang naglalakad kami ay naiisipan ko ding tumakas pero kinakalaban ako ng konsensya ko.
Ano bang klaseng buhay to. Bakit hindi magkakakampi ang parts ng katawan ko.
Sabi ni utak : "Tumakas ka na. Wala kang mapapala diyan. Pumasok ka nalang. Buti pa dun may matututunan ka."
Sabi ni puso : "Wag kang tatakas. Mukhang may problema siya eh. At mukhang ikaw ang makakatulong sa kanya."
Tama naman yung puso ko. Mukhang may problema talaga siya kase kanina pa siyang hindi umiimik.
Kaya di ko tuloy napigilan ang sarili kong tanungin siya.
"Bakit ang tahimik mo ngayon? May problema ka ba?"-- tanong ko sa kanya.
At nakita ko ang paglungkot sa muhka niya.
Dapat kase hindi ko nalang tinanong eh. Ikaw kase Ella. Arrgghh !!!
"Wala naman. May iniisip lang."-- sabi niya na may kalungkutan sa boses niya.
"Ah okay"-- yun nalang ang nasabi ko.
Bigla nalang siyang nag-iba ng direksyon.
"Akala ko ba gusto mong pumunta sa mall? Bakit iba na ang dinadaanan natin? Diba doon yung papuntang mall?"-- sabi ko sabay turo pa sa kabilang kalye.
"Ayoko na dun. Maraming tao doon ngayon. Dito nalang tayo."-- sabi niya sabay upo.
Nandito na kami ngayon sa park na di naman kalayuan sa school namin.
Tahimik lang kaming nakaupo. Pero bigla siyang nagsalita.
"Ang hirap pala kapag sa isang iglap lang ay nawala sa'yo yung dalawang babaeng pinakamamahal mo"-- sabi niya nang nakayuko.
Naramdaman ko naman agad ang pagkalungkot sa mga sinabi niya.
Magsasalita na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"Binigay ko naman lahat eh. Pero iniwanan parin ako."-- sabi niya.
Hindi ko rin talaga alam ang sasabihin ko sa kanya kaya hinayaan ko nalang siyang magsalita.
"Ganun ba talaga ka unfair sa love. Bakit naman masyadong madaya?."-- sabi niya sabay angat ng ulo niya at nakita kong medyo maluha-luha na siya.
Wala man akong balak makialam. Hindi rin ako chismosa. Pero kailangan ko talagang tanungin kung anong nangyare, bake kase may maitulong ako.
"Ano ba kaseng nagyare sa'yo?"-- sincered kong tanong.
Sana naman sumagot siya.
"Minahal ko siya. Binigay ko na ang lahat sa kanya. Pero linoko parin niya ako. Hindi ko din alam kung ano pa bang kulang sa pagmamahal ko sa kanya."-- sabi niya at hindi nalang din ako nagsalita.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagkwe-kwento.
"Masakit para sa'kin na iniwan niya ako at pinagpalit sa iba. Pero mas masakit isipin na habang nagdurusa at nahihirapan ako, siya naman ay nandun at nagpapakasasa sa boyfriend niya, na ex-bestfriend ko."-- nagulat ako sa sinabi niyang yun. Alam ko rin naman kung gaano kasakit ang ganoong pangyayare.
"Ang sayang tignan noh. Na magkasama yung ex-girlfriend ko at ang ex-bestfriend ko. Haha"-- alam kong pilit lang ang tawa niya.
Ganito pala ang mga badboy-look kapag umiiyak. Grabe din pala silang magmahal at makaramdam ng sakit. Ibang-iba siya sa mga badboy. Ang alam ko kase sa mga badboy ay puro womanizer. Pero may iba pa rin palang seryosong magmahal. At ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
"Pinipilit ko siyang kalimutan pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko siya."-- at hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya.
Kinuha ko ang panyo ko at ibinigay ko sa kanya.
"Tahan na."-- sabi ko sabay hagod sa likod niya.
At sandaling may namagitan sa aming katahimikan.
Ilang minuto din ang katahimikan na iyon nang bigla nalang ulit siyang nagsalita.
"Mahalin mo yung mama mo ah. Alagaan mo siya."-- sabi niya.
Teka ?! Bakit napunta sa nanay ang usapan namin?!
"Bakit mo naman nasabi yan?"-- tanong ko .
"Basta. Mahalin mo siya. Sulitin mo ang oras na kasama mo siya. Huwag mo siyang aawayin. Ayaw kong may matulad pa sa akin"-- sabi niya na dahilan ng pagtataka ko.
Nagtanong nalang ulit ako.
(Take Note: Di ako CHISMOSA)
"Bakit?!. Ano ba'ng nangyare sa nanay mo ?"
"Namatay kase siya 3 weeks ago dahil sa ovarian cancer niya. At ang masakit para sa'kin ay namatay siyang may hinanakit ako sa kanya. Namatay siya na hindi ko siya pinatawad."-- at naluha na naman siya.
"Tahan na"-- yun lang talaga ang kaya kong sabihin.
"Haha. Tama na nga 'to. Madrama na akong masyado."-- patawa niyang sabi pero alam kong pilit lang yun.
At nagkwentuhan lang kami maghapon. Inilibre niya ako ng lunch.
Hanggang sa umuwi na kaming pareho.
CZYTASZ
My Perfect Stalker
Dla nastolatkówHe just keep on stalking me. He's full of sweetness and surprises and I'm loving it all, I appreciate it. Pero paano ko masasabing mahal ko na siya kung hindi ko man lang siya kilala ng lubusan. Paano na ? Minamahal ko na siya. Do we still have a ch...