Chapter Nine: Max Connor Rendemo

39 0 0
                                    

"Kyaaaaa"

"Waaaaahh"

"Ang gwapo niya talaga!!!"

Mga yan ang lagi kong naririnig kapag dumadaan ako sa hallway.

Akala mo nakakita sila ng Hollywood Actor.

Pero sanay na din naman ako. Haha.

Hep ! Hep ! Hep !

Hindi ako mahangin. Sadyang cool at gwapo ako. At yan talaga ang totoo.

Anyway, I'm Max Connor Rendemo. 16. Varsity Player ng Basketball at Baseball. At hindi sa pagmamayabang pero, I'm the president of our Student Council.

Haha. Hindi ko din alam kung bakit ako ang nanala sa election, despite na palagi akong nakikipag-away at madalas umabsent.

Well, isa lang ang alam kong dahilan. POPULARITY. That's it.

***

"Mr. Rendemo!"-- sigaw sa akin ng school principal namin.

"Yes, Mr. Barquencio!"-- sabi ko sabay ngiti.

"Are you done with your plan for our upcoming event this month?"-- seryoso niyang sabi.

"Absolutely Done sir. I'm ready"-- proud kong sabi.

"Good"-- sabi niya sabay pasok sa office niya.

Bilang Student Council President ay obligasyon kong maghanda ng plano para sa mga programa ng school.

At ang susunod na event namin is a collaboration with Vanliezo High. Regarding with the celebration of UN

Day.

Nakapag-usap na rin kami ng officers ko at officers ng kabilang school at ayos na naman ang lahat.

***

Naaalala ko pa rin si Ella. Ang sarap sa pakiramdam dahil sa taong nagugustuhan mo pa nasabi ang nakaraan mo. Ang sarap talaga.

Masakit para sa akin ang nangyari pero kailangan kong itago ang totoong nararamdaman ko. Dahil syempre, dapat ko pa ding alagaan ang image ko lalo na't sikat ako sa school.

Pero mahirap makalimutan ang labis na nagpapalungkot sa'yo.

~Flashback~

"Ma ! Wag kang susuko. Kaya mo yan.!"-- naluluha kong sabi.

Hindi pa siya pwedeng mawala. Marami pa kaming pangarap ng mama ko. Hindi ko kakayani kapag nawala siya. Hindi talaga.

"Sorry sir. Pero hanggang dito nalang kayo!"-- sabi sakin ng isang nurse sabay harang sa daanan.

Dinadala na kase si mama sa OR dahil sa ovarian cancer niya.

Nag-aalala ako dahil baka hindi na siya maka-survive.

Mahigit isang taon na niya iyong iniinda.

***

"Lord! Bakit ganon ? Bakit kami pa ang nagsa-suffer ng ganito. Samantalang marami naman ang masasamang loob diyan. Bakit si mama pa? Ako nalang po ang kunin niyo. Hindi ko po kakayanin kapag wala siya. Please, give us another chance na magkasama. Marami pa po akong gustong gawin kasama siya."

Sabi ko sabay ng pagpatak ng luha. Iniisip ko lang din. Bakit ganito ka-unfair ang buhay?

Bakit hindi nalang si papa ang kinuha niya. Bakit si mama pa?

***

"Doc! How's my mom?"-- mahinahon kong sabi.

Pero di ko inaasahan ang mga sinabi niya.

"Sorry, Max. We tried our very best para mailigtas ang mama mo, pero sobrang mahina na ang katawan niya at hindi na niya nakayanan ang operasyon"-- mahabang paliwanag ni Dr. Ascueto.

"Ano?! Why?! This can't be. Tell me that your just kidding me"-- galit ko nang sabi.

"I'm sorry, Max but it's true."-- mahinahong sabi niya.

"No! It's only a dream. It's not true!"-- sabi ko sabay ng pagtakbo ko sa loob ng OR.

"Wait, Ma---"

Di ko na narinig ang sinabi niya dahil kumaripas na ako ng takbo papuntang OR.

Pero di ako nakatuloy dahil hinawakan ako ng mga nurse!

"Bitawan niyo ako!! I need to talk with my mom. Please. Let me go!"

Sabi ko pero di ko na napigilan ang paglambot ng tuhod ko at tuluyan na akong natumba.

Di ko na din napigilang umiyak. Hindi ko akalaing mawawala na siya.

Ang daya talaga. Bakit si mama pa. Bakit hindi nalang si papa. Si papa na hindi ako itinuring na anak. Si papa na walang inisip na iba kundi ang sarili, sugal at pambababae. Si papa na bumubugbog sa mama ko each time na magkita sila. Si papa na walang ginawa kundi ang lokohin si mama.

Bakit ganon? Bakit hindi nalang si papa ang nawala nang maging masaya naman kami?.

***

"Hon? Asan kana?"

Text sa akin ni Leah. Magkikita kase kami. Gusto daw niya akong kausapin.

"Malapit na!"

Reply ko.

"Okay"-- sabi niya.

Mahigit dalawang taon na kami ni Leah. At mahal na mahal ko siya.

Magkikita kase kami sa Lawrencia Espesyal. Favorite naming restaurant yun.

Pag dating ko. Hindi ko rin inaasahan ang nakita ko.

May kahalikan siyang lalaki. Kahit nasa matao silang lugar.

Nanlumo ako sa nakita ko.

Hindi ko talaga iyon inaasahan dahil kahalikan niya si Alfred. Bestfriend ko.

Kahit masakit, pinili kong hindi muna magpakita sa kanila.

"Hon! Di na pala ako makakapunta diyan. May emergency kase"

Sinungaling kong text sa kanya.

"Sige hon. Kasama ko naman si papa eh"

Reply niya na lalong nagpasakitng damdamin ko. Papa daw niya ang kasama niya.

Naisip ko nalang na baka sinasadya niya ito. Siguro gusto niyang makipagkita sa akin para makita ko yun. Ang sakit.

Ako na ata ang pinaka malungkot na tao sa mundo.

I don't deserve this pain.

~~~~~~~~~~~~

[AN]

Okay guys! Next time yung part two neto. Di ko na kaya eh. Haha.
Mahaba pa ng konti yan ee.
:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Perfect StalkerWhere stories live. Discover now