Papunta na akong school.
Habang naglalakad ay naramdaman ko nalang na parang may sumusunod sa akin. Dapat kase naglakad nalang ako sa mas ma-taong kalye, hindi dito sa eskinitang bihira lang na daanan ng mga tao.
Lumingon ako sa likod pero wala namang tao. Pero alam kong meron talagang sumusunod sa akin.
Kinakabahan na talaga ako. Baka kase kidnapper ang taong yun.
CREEPY !!!
Pinilit ko siyang iligaw pero di siya natitinag sa pagsunod sa akin.
Nakahinga ako ng maluwang nang medyo malapit ko nang malagpasan ang eskinitang ito.
Pero nagulat ako ng bigla na lang may humila sa akin.
Hindi ako makasigaw dahil tinakpan niya ang bunganga ko gamit ang kamay niya. At tanging ungol lang ang nagagawa ko.
Dinala niya ako sa medyo madilim na parte ng eskinita. At bigla niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa semento.
"Arayy !!!"-- inis at galit kong sigaw.
"Sino ka ba? Anong balak mong gawin sa akin? Kung pera lang ang habol mo, bibigyan kita. Huwag mo lang akong sasaktan! Maawa ka sa akin. Marami pa akong pangarap."-- sinsero kong sabi sa kanya. At nangingilid na ang luha sa mata ko.
"Ang drama ! Tsk -.- !!."-- sabi niya na siyang nagpainis sa akin.
"Sino ka ba kase? Anong kailanganmo saken? Ha ?!"-- galit ko nang sabi.
"Wala naman, gusto lang kitang solohin."-- pa-ngiti niyang sabi sakin.
"Siguro kidnapper ka at hihingi ka ng ransom sa pamilya ko noh!!"-- mayabang at galit kong sabi sa kanya.
"Huh?! Are you insane?! Sa gwapo kong to ! Kidnapper ako?!"-- sarkastikong sabi niya.
Tama naman siya. Gwapo talaga siya. Matangos na ilong at mapulang labi.
Siguro di ko na rin yun napansin dahil sa takot ko kanina. Pero may itsura talaga siya.
"Hindi ka lang masamang tao. Mahangin ka pa !!"-- mataray kong sabi sabay taas pa ng kilay ko.
"Di ako masamang tao. Gusto lang kitang makilala. At mas lalong hindi ako mahangin dahil kahit anong gawin mo, gwapo ako. Okay !"-- ang yabang niya talaga. Grrrr !!!
"Ganun na din yun. Sino ka ba? "-- sabi ko sabay tayo mula sa pagkakaupo ko.
"Max Connor Rendemo. Sa Estillo University ako nag-aaral. Nice to meet you, Daniella Aleca Sareno :) !"-- sabi niya sabay abot sa akin ng kamay niya.
"Bakit mo ako kilala?"-- sabi ko pero di ko pinansin ang kamay niya.
"Well ! Let's just say na nakilala kita through your social network activity."-- sabi niya sabay suksok ng dalawang kamay niya sa bulsa niya at humarap na sa way palabas ng eskinita na akmang aalis na.
"Eh bakit mo ako kinidnap?"-- tanong ko sabay ng paghabol ko sa papalayong binata.
"Unang-una, hindi kita kinidnap. Okay!"-- sabi niya sabay tingin sa likod niya upang matitigan ako at nagsmile pa siya.
Ang gwapo niya lalo na pag nagsmile na siya.
"Ganun na din yun."-- sumbat ko.
"Hinila kita kase gusto kong magpakilala sa'yo."-- sabi niya.
"Eh pwede ka namang magpakilala sa maayos na paraan ah. Di mo to kailangang gawin."-- sabi ko.
"Eh sa nagawa ko na, tsaka trip ko lang din manghila ng chix ! ;)"-- sabi niya sabay kindat na nagpainit ng pisngi ko.
"Tse !! Bahala ka !! Late na ako dahilsa ginawa mo. Buwisit."-- sabi ko tapos binilisan ko na ang paglakad. Pero hinila niya ako. Ang hilig talagang manghila.
"Wait ! Samahan mo muna ako sa mall. Magdate muna tayo!".
YOU ARE READING
My Perfect Stalker
Teen FictionHe just keep on stalking me. He's full of sweetness and surprises and I'm loving it all, I appreciate it. Pero paano ko masasabing mahal ko na siya kung hindi ko man lang siya kilala ng lubusan. Paano na ? Minamahal ko na siya. Do we still have a ch...