Chapter Three: Chat

23 0 0
                                    

Habang nag-i-scroll down ako .. may biglang nang-chat saken.

Hindi pamilyar ang pangalan niya.

Jester Jacinto

Hindi ko talaga siya kilala.

"Hai"-- siya.

Sabi ni mama .. wag ko daw ie-entertain ang mga hindi ko kilala lalo na pag nakikipag-usap sa text at chat.

Kaya si-neen ko lang siya.. hahah (evil grin) ..

"May itatanong lang naman sana ako eh"-- siya ulit.

Seen parin .. haha .. feeling ko tuloy.. ang sama-sama ko.

"Kung ayaw mong magreply, itatanong ko nalang baka sakaling sumagot ka"-- siya.

Sa sinabi niyang yun ay parang na-curious tuloy ako sa sasabihin niya.

"Itatanong ko lang sana kung nagustuhan mo ba yung pinadala ko para sa-yo ?!"-- siya.

Huh ?! .. nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Kaya nagreply ako sa kanya.

"Ikaw yung nagpadala ng box sa-kin ?.."-- ako na halatang atat na malaman kung siya talaga.

"Oo. Nagustuhan mo ba?"-- d pa rin ako naniniwala sa kanya.

"Pano mo nalaman yung address namin ? Pano mo nalaman na sky blue ang favorite color ko ? Tagasan ka? Bakit mo ako kilala?"-- sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Oh! Teka lang ! Isa isa lang ang tanong.. mahina ang kalaban"-- reply niya.

"Wala akong pake. Basta sagutinmo lahat ng tanong ko."--reply ko na may kasamang galit. Di ko din alam kung ba't ako biglang nagalit sa kanya.

"Una sa lahat, alam ko ang lahat ng yan dahil syempre, STALKER mo ako diba ?! Remember?!. At di ko sasabihin kung sino ang nagbigay sakin ng mga info na yan .. haha"-- siya.

Sa bagay, tama siya kase STALKER ko nga pala siya. At bilang isang STALKER, dapat alam niya ang lahat tungkol saken.

"Pero, sino ka ba kase ?.. Real name mo ba yang Jester Jacinto?"-- tanong ko.

"Hindi ito yung real name ko. Secret muna kung sino talaga ako"-- sagot niya.

"Sino ka nga kase?!!!!"-- medyo naiinis na'ko.

"Secret muna . Kaya nga STALKER diba !"-- sagot niya.

"Ewan ko sa'yo!!!!"-- sabi ko at di ko na siya pinansin.

"Haha .. ang Cute mo talaga"-- siya.

Seen. . . .

"Ang talino pa:)"-- siya.

Seen. . . .

"Kaya ang lakas ng tama ko sa'yo eh"-- siya.

Seen . . . 

"Mapapasakin ka din"-- siya.

Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun. Naisip ko tuloy na paano niya ako makukuha kung di nga siya nagpapakilala. Hay naku !

"I Love You"-- siya.

At nainis na talaga ako.

Dahil dun nag log-out na ako.

My Perfect StalkerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang