Chapter Seven: Closer

37 0 0
                                    

Medyo madilim na nang nakauwi ako. At napabulong nalang ako sa sarili ko ng "Jusko ! Ayaw ko pa pong mawala sa mundo. Gabayan niyo po ako sa pagpasok ko sa bahay na ito. Amen." Dahil alam kong mapapagalitan na naman ako. Huhu

"Hai ma! Kumain na ba kayo?"-- Sabi ko na may pagkalaki-laking ngiti.

Di ko mabasa ang mukha ni mama. Di ko alam kung anong gagawin niya sakin.

"Buti naman nakauwi ka na. San ka ba galing?"-- sabi niya pero hindi siya tumitingin sa akin dahil tutok sa pinapanood na teleserye.

"Sa park po, may sinamahan lang ako."-- sabi ko naman.

"Sino ? Boyfriend mo?"-- sabi niya na seryoso pa rin.

"Ma. Hindi po. Wal-----"-- di na ako nakapagsalita ng biglang nagsalita si mama.

"Haha. Wag ka nang mag-explain. Alam ko namang walang magkakagusto sa'yo. Haha"-- nagulat naman ako sa sinabi niya.

Ano bang klaseng nanay si mama. Imbis na suportahan ako, siya pa ang nanglalag-lag sa akin. Pero kahit na ganun, mahal ko parin siya. At mamahalin ko pa siya gaya nang sabi ni ..... Ni ... Uhmm.. Basta yun!.

Sino na nga ba yun ?

"Ma naman eh!"-- pagmamaktol ko.

"Joke lang. Eto naman. Haha. Sige na kumain ka na at matulog. May pasok pa bukas."-- sabi ni mama.

Ngumiti nalang ako saka dumeretso sa kusina. Pagkatapos kong kumain ay naligo muna ako sabay hagis ng katawan ko sa kama.

Nagulat ako ng biglang nagvibate yung phone ko.

Calling!!
Annie

Sinagot ko naman agad.

"Hoy bae! Bakit di ka pumasok kanina?"-- siya.

"Ah! Papasok na sana ako pero .. Pero... Uhm basta mahabang kwento"-- sabi ko naman.

"Kwento mo dali! Makikinig ako."-- atat niyang sabi.

"Eh ! Tinatamad ako tsaka wala akong balak ikwento sa'yo."-- sabi ko.

"Bahala ka nga diyan"-- sabi niya.

"Bakit ka nga pala tumawag?"-- sabi ko naman.

"May assignment kase, concerned lang ako sa'yo!"-- sabi niya.

Assignment. Assigmment !!!!?

Waaaaaaahhhhh !!!!

"Anong subject ba?"-- takot kong sabi.

"Uhmm... Math"-- sabi niya.

Whaaaattttt ?????? Maaaaaattthhhh??!!!

Jusko .. Ayoko na..huhu..

"Oh sige na ella, itetxt ko nalang yung given."-- sabi niya na parang nagmamadali.

"Wait la---"-- ibinaba na niya.

Paano na. Huhu !

Naisipan ko munang mag-open ng fb account ko.

Mga notification na about sa games. Invitations na ilike yung page nila. Pwee !

Biglang nagvibrate yung phone ko. Kinakabahan ako kase baka yung assignment na yun.

Pero nakahinga ako ng maayos dahil hindi si Annie ang nagtext. Pero nagulat din ako kase unknown number ang nagtext.

0919674****

"Hai Ella"-- laman ng text niya.

Kahit hindi pwedeng mag-entertain ay nireplayan ko pa rin siya.

"Sino po sila?"-- reply ko.

"Maka PO naman toh. Magka-age lang tayo"-- reply niya.

"Eh sino ka ba kase"-- reply ko ulit.

"Yung best actor kanina. Remember ?!"-- mabilis niyang reply.

"Ah ikaw pala. Ano na pala name mo?"-- reply ko.

"Max Connor, Max nalang"-- reply niya.

"Ah okay. Teka, teka. Pano mo nakuha number ko?"-- tanong ko.

"Basta. Sabihin nalang natin na madiskarte ako. Haha!"-- reply niya.

"Saan kase?"-- mapilit kong reply.

"Uhmm .. Sa I.D. mo. Ang galing ko noh!.. Haha!"-- reply niya agad.

"Okay. Magaling na kung magaling"--reply ko.

One message received
From Annie:
Bae. Wag mo na pala sagutan yung assignment. Kopyahin mo nalang yung sa akin. Haha !..

Hay salamat !! Ang bait talaga ni Annie. Haha :) kaya makakapag-relax ako ng konti.

"So how's life?"

Text ni max at magdamag kaming nagtetext-san. Mga 11:30 na din kami natapos.

At sa konting oras na yun ay mas napalapit na kami sa isa't isa. Mas naging close kami sa isa't isa.

My Perfect StalkerWhere stories live. Discover now