Prologue

26 1 0
                                    

Kaupe

"Who is Kaupe, Tutu?" Rinig kong tanong ni Dylan sa lola namin sa may salas. Ako naman ay nasa may labas ng pinto at naglalaro ng lupa, may hawak din akong manika sa isa kong kamay. Mataas na rin ang sikat ng araw at kalmado lang ang paghampas ng alon ng dagat sa may hindi kalayuan.

Ang sabi ni Mama ay nasa bansang Hawaii raw kami. Hindi ko naman siya maintindihan, basta ang alam ko lang ay sumakay kami sa eroplano at dalawang taon na kaming nakatira rito. 

"Rowan! Pumasok ka na. Maiinit na riyan sa labas!" Rinig kong sigaw ni Mama sa akin, kaya naman tumayo na ako, pinagpag ko pa ang suot kong bestida at ang mga kamay ko na nabahiran ng pinong puting buhangin. Nang makatapak na ako papasok sa may pintuan ng aming bahay ay narinig kong muli na nagsalita si Tutu, kausap niya si Dylan.

"Kaupe is a Hawaiian legend. He was a man-eating creature, with the body of an enormous man, but with the head and claws of a dog." Sambit ni Tutu. Nakatingin lang siya sa labas ng bahay habang nagsasalita.

Isang Hawaiian si Lola Hanini, matagal na siya rito nakatira. Madalas ay Tutu ang tawag namin ni Dylan sa kaniya, ang sabi niya kasi ay grandmother o grandfather daw ang ibig sabihin ng salitang 'Tutu' rito sa Hawaii.

Noong unang mga araw namin dito ay hindi kami masyado lumalapit ni Dylan kay Tutu, kasi bukod sa hindi namin siya kilala ay purong ingles ang lumalabas na  lengguwahe sa bibig niya o kung hindi naman ay lengguwaheng madalas ay sila lamang ang nakaiintindi.

Matanda na si Tutu, hindi na siya gaanong makatayo ng sa sarili niya lang. Mabait siya at mahilig magkuwento, isa sa mga bagay na nagustuhan namin ni Dylan sa kaniya.

Naging interasado ako sa ikinukuwento ni Tutu noong mga oras na iyon, kaya naman tumabi ako sa puwesto ni Dylan at nakinig din sa sinasabi ni Tutu. Nakita ko pang ngumiti si Tutu sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.

"Kaupe lived on the island of O'ahu, and ruled the Nu'Uanu Valley. According to the myth, Kaupe kidnapped a High Chief's son, to use as a sacrifice at the heiau. With the aid of Kahilona, a great kahuna, the father was able to rescue his son, and ultimately kill Kaupe with a help of a priest." Pagpapatuloy ni Tutu.

"Wow! Really, Tutu?" May pagkamanghang tono ni Dylan. Ako naman ay napakunot ang noo dahil hindi ko naintindihan ang ibang mga salita na ginamit ni Tutu.

"Yes, but Kaupe's spirit remains on O'ahu to this day."

"Wow, " sambit ulit ni Dylan. Kinuha niya rin ang kuwaderno niya at nagsimula nang magsulat. Takdang-aralin kasi namin sa paaralan ang mga halimbawa ng mga alamat at mitolohiya. Ako naman ay tapos na sa takdang-aralin na iyon dahil tinatamad talaga akong gumawa, kaya naman ay naghaka na lamang ako ng sarili kong kuwento para mabilis ko iyong matapos.

"They killed him and cursed his wailua or soul. It is said that as part of the curse, his spirit was made to look like a dog-man and was forced to roam in the uplands of Nu'uanu as a wandering spirit as punishment..." Tumigil muna sandali si Tutu sa pagsasalita at pinagyakap ang dalawa niyang kulubot na mga kamay.

Madalas ay hindi ko naiintindihan mga ang sinasabi ni Tutu, kaya naman ay nagtatanong na lamang ako kay Dylan. Ewan ko, para sa akin ay napakatalino ni Dylan dahil mabilis niyang naiintindihan ang mga bagay-bagay.

KaupeWhere stories live. Discover now