Chapter 5

24 0 0
                                    

Kaupe

"Row, tara sa library?" Anyayang tanong ni Pete habang kumakain kami sa cafeteria ng school. Napaangat naman ako ng tingin at ngumiti bago tumango. Sa dalawang araw na ang lumipas ay puro pagre-research ang ginagawa namin. Pagdating naman sa hapon ay he's training me to control my extraordinary abilities.

"Ehem!" Biglang ubo ni Harvey dahilan para mapatingin kami ni Pete sa kanilang dalawa ni Mia na nakatingin sa amin.

"Bakit gan'yan naman kayo makatingin? Hahaha." Natatawang tanong ko sa kanila.

"Napapadalas yata ang paghahang-out n'yo? Anong mayro'n?" Nakangisi pa si Harvey at maging si Mia ay nagpapapalit-palit ng tingin sa amin ni Pete.

Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yang iniisip n'yo. Si Pete? At ako?" Sagot ko na tinuro pa si Pete ang sarili ko.

"We're just making assignments hahaha. Tsaka ano ba kayo? Ganito na talaga kami ni Pete ever since naman 'di ba? Hahaha." Dagdag ko. Si Pete naman ay walang pakialam at busy na kumakain.

Maya-maya pa ay biglang tumawa si Harvey. "Hahaha. Gan'yan ka pala ka-defensive, Rowan? Parang ngayon ka lang nagkagan'yan."

Nahampas ko naman bigla ang table namin. Bigla akong nainis. "Hindi nga sabi 'di ba?" Diin ko pa.

Nagtaas naman ng dalawang kamay si Harvey na para bang sumusuko "Woah, woah, hahaha easy ka lang, Rowan. Ang bilis mo na lagi magalit ah. Sige may bibilhin pa kami ni Mia, hehe d'yan muna kayong dalawa ha?" Pang-aasar pa ni Harvey habang tumatawa at hinila si Mia paalis. Susundan ko pa sana si Harvey dahil gusto ko s'yang tadyakan kaso ay hinawakan ni Pete ang kamay ko na nakapatong sa table para pigilan ako.

"Row, kumalma ka." Mahinahong utos ni Pete. Maya-maya pa ay bumulong s'ya. "Mag-shades ka, naging gold na naman 'yang mata mo. Buti 'di naabutan ni Harvey at Mia." Agad ko namang kinuha ang shades ko sa loob ng bag ko at isinuot 'yon.

"Kapag nagagalit ka, talagang ang bilis mag-iba ng kulay n'yang mata mo hahaha." Bulong pa ni Pete. Ibinababa ko muna sandali ang shades ko at sinamaan s'ya ng tingin. "Hindi ka tatahimik?" Madiin kong tanong. At ibinalik ulit sa mata ko ang shades.

"Easy ka lang. Kontrolin mo 'yang galit mo. Lagi kang parang mangangagat e." Iling n'ya pa at bumalik ulit sa pagkain. Ilang minuto lang ay dumating na rin sina Mia at Harvey at sabay silang napatingin sa akin.

"Ano? Bakit bigla kang nakashades d'yan, Rowan?" Takang tanong ni Harvey.

Si Pete naman ang sumagot. "Nasisilaw masyado sa kaguwapuhan ko, hayaan n'yo na."

Ang yabang talaga!

Magsasalita na sana ako kaso lang ay biglang dumating si Ignacio kasama n'ya si Nellie at naupo silang dalawa sa tapat namin ni Pete.

"Hahaha. Biglang ganda ng ngiti ni Rowan oh hahaha." Rinig kong boses ni Mia kaya natigilan ako at narealize ko nga na nakangiti na ako.

"Ha? Hindi ah." Depensa ko.

"Hi, Ignacio at Nellie. Late na naman kayong dalawa ah?" Bati ni Pete sa dalawang bagong dating. Nakita ko naman ang pasimpleng pagkagat labi ni Nellie at sumulyap pa kay Ignacio.

Ano bang mayro'n sa dalawang 'to?

"May tinapos lang kami, tara kain na tayo." Sagot ni Ignacio.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KaupeWhere stories live. Discover now