Chapter 2

16 0 0
                                    

Kaupe

"Ma, papasok na po ako sa school." Paalam ko at itinulak ang pinto palabas ng bahay.

"Sige, mag-ingat ka. S'ya nga pala, night shift ako ngayon, nag-iwan ako ng pagkain dito sa fridge." Sagot ni Mama. Hindi na ako lumingon dahil alam ko na naman kung ano ang itsura n'ya dahil lagi s'yang puyat.

"Opo, Ma." Sagot ko at pumasok na sa loob ng kotse. Pagkaupo ko sa driver's seat ay nag-init na naman ang mata ko. Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Hindi ako sanay na maupo rito. Pero sinasanay ko na ang sarili ko. Kailangan kong masanay at kailangan kong tanggapin na wala si Dylan ngayon.

Tinitignan ko muna ang manibela ng sasakyan bago nagdrive papunta ng school. Dalawang linggo na rin akong absent dahil sa na-hospital ako at dahil sa pagkawala ni Dylan. Habang nag d-drive ako ay inaalala ko si Mama, nag-aalala ako para sa kan'ya. Sobrang lungkot n'ya. Pero alam kong nagpapakatatag s'ya at kailangan ko ring magpakatatag para sa aming dalawa.

Pagkapasok ko ng school building ay dumaretso muna ako sa locker ko. Marami na ang tao sa may hallway at ang ilan ay napapatingin sa akin. Hindi ko na sila pinansin at daretso lang na naglakad patungo sa locker area. Pagkabukas ko sa pinto ng locker ko ay bumungad naman sa akin ang picture na nakadikit sa loob noon. Picture namin ni Dylan habang kumakain ng popcorn. Mapait akong napangiti at isinara na ulit ang pinto ng locker nang makuha ko na ang Geometry Book ko. Sa pagsara ko ng pinto ng locker ay nakita ko si Pete sa may 'di kalayuan na nakatayo at nakatingin sa direksyon ko. Ilang linggo ko rin siyang 'di nakita.

Alam kong gusto n'ya akong kausapin, gusto n'yang mag-sorry. Kilala ko na s'ya since third grade. Pero hindi ko pa s'ya kayang kausapin sa ngayon. Hindi ko s'ya sinisisi sa pagkawala ni Dylan. Hindi n'ya kasalanang niyaya n'ya kami sa gubat. Basta ayoko muna s'yang makausap.

Matamlay s'yang kumaway sa akin habang kagat n'ya ang ibabang parte ng labi n'ya. Alam kong pareho kaming malungkot pero wala, nangyari na. Tipid naman akong ngumiti sa kan'ya at naglakad paalis.

"Rowan!"

Narinig kong tawag ng boses sa pangalan ko at paglingon ko ay nakita ko si Ignacio na tumatakbo papalapit sa akin kaya huminto muna ako at hinintay s'ya. At dahil nga siguro malungkot ako ay hindi ko magawang kiligin sa presensya n'ya.

"Geometry? Tara sabay na tayo." Sabi pa ni Ignacio na tumingin pa sa libro kong dala at sinabayan akong maglakad. Pagkapasok namin sa classroom ay wala pa ang subject teacher namin. Naupo na ako sa upuan ko, si Ignacio naman ay naupo na rin at nagheadphones. Dalawang upuan ang pagitan namin ni Ignacio at si Pete naman ay nakaupo sa harapan ko. Sa last row ako nakaupo dahil mas komportable para sa akin.

"Tignan mo si Ignacio, relax na relax lang." Sabi sa akin ng katabi kong si Xyrie.

Ngumiti ako. "Nakarerelax naman talaga ang Here Without You by 3 Doors Down." Sagot ko.

Bigla namang nag-abstract ang mukha ni Xyrie. "Huh? Paano mo naman nalaman na iyon ang pinakikingan ni Ignacio?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Hindi mo ba naririnig? E mas malapit ka nga sa kan'ya." Tanong ko, sinasabayan ko rin ng paghuni ang kantang pinapatugtog ni Ignacio sa headphones n'ya dahil alam ko rin 'yon.

I'm here without you baby,
But you're still on my lonely mind.
I think about you baby,
And I dream about you all the time.

Umiling naman si Xyrie. Tatanungin ko pa sana si Ignacio kung bakit ang lakas naman yata ng music n'ya kaso lang ay dumating na ang teacher namin.

Habang nagklaklase ay lutang talaga ako. Wala akong maintindihan sa discussion. Sumasakit ang ulo ko.

KaupeWhere stories live. Discover now