Chapter 1

22 0 0
                                    

 Kaupe

Anak ng pusa! Camping sa gubat?
Ano bang nakain nitong si Pete at ako pa talaga ang niyayaya n'ya?

"Sige na, Row. Minsan lang naman e. Magiging masaya 'yon, promise!" Sabi ni Pete at itinaas pa ang kanang kamay n'ya. Kanina n'ya pa ako pinipilit pero hindi talaga maganda ang kutob ko sa ideya n'yang iyon.

"E bakit ba kasi ako ang niyayaya mo? Si Dylan na lang." Sagot ko pero s'ya ay ngumiti lang sa akin at inakbayan ako.

"Row, puwede ba namang hindi kasama si Dylan? And besides naaawa ako sa'yo kasi lagi ka na lang nasa loob ng bahay n'yo. Tsaka para ma-enjoy mo na rin ang darating na weekend." Paliwanag pa ni Pete at ngumisi. Sa tinagal-tagal ko ng kilala 'tong si Pete e minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang gusto n'ya. Pasalamat na lang talaga s'ya at bestfriend s'ya ng kakambal ko, kung hindi ay nasipa ko na s'ya paalis.

"Hanggang anong oras ba tayo do'n?" Tanong ko at hinarap ang mukha ko sa kan'ya kaya nasalubong ko ang nakangisi niyang pagmumukha.

"I'm not sure, it's a night camping."

Napanganga ako sa sinabi n'ya. "Wow, forest camping. Ang lakas mo naman. Seryoso ka ba talaga?"

"Rowan, alam kong palabiro akong tao. Pero this time, I'm really serious." Sagot n'ya at inilagay pa ang isa n'yang kamay sa bewang n'ya.

"Oh sige na. Pero Pete, last na 'to ha?" Sagot ko. Napailing na lang ako nang magsimula na s'yang magtatalon.

"Yeah!" Sigaw n'ya pa. Napailing na lang ako.

Kahit kailan talaga.

Ngumiti s'ya bago ulit nagsalita. "Let me think about the last na 'to." Nang sabihin n'ya 'yon ay tumawa pa s'ya kaya binatukan ko s'ya.

"Aray!" Reklamo n'ya na hinihimas ang batok n'ya. Napatawa naman ako nang mahina. "Siya nga pala, Row. Naasan si Dylan?" Pag-iiba n'ya ng usapan.

"Ah iyon? Ewan ko ba do'n sa kakambal kong 'yon. Pero ang alam ko ay may practice s'ya ng soccer."

Tumango-tango s'ya at inalis ang pagkakaakbay sa'kin. "Sige na, Row. Uuwi na muna ako, baka hinahanap na rin ako ni Papa." Paalam n'ya at naglakad patungo sa bike n'ya na nakaparada sa may bakuran ng bahay namin.

"E teka lang, Pete." Tawag ko sa kan'ya. Agad naman s'yang tumigil sa paglalakad at nakanganga na lumingon sa akin.

"Paano kapag may ahas doon sa gubat mamaya?" Medyo natatawa kong tanong.

Ngumisi s'ya at naglakad ulit pabalik sa kinatatayuan ko. "Row, may plano na ako d'yan." Seryoso n'yang sagot.

"Weh? Talaga? Ano naman 'yon?" Tanong ko.

"Tumakbo."

Sinuntok ko s'ya sa balikat dahil sa naging sagot n'ya. Anong klaseng plano 'yon?

"Ang daya! Si Dylan mabilis tumakbo kasi player ng soccer. Tapos ikaw, Pete. Lalaki ka kaya mabilis ka rin tumakbo. Lugi ako." Reklamo ko. Ngumiti naman s'ya.

"Oh sige ganito na lang, kung may ahas man at hinabol tayo. Dylan will run in different  direction and you and I will run to the other. Happy?" Sagot n'yang tumatawa.

Pinanliitan ko s'ya ng mata.

"Don't worry, I wouldn't let anything bad happen to you." Seryoso n'yang sambit. Medyo sanay na naman ako sa mga ganoong linyahan n'ya kaya nginitian ko na lang s'ya. Maya-maya pa ay may narinig kaming boses na sumigaw kaya sabay kami napatingin ni Pete kung saan galing ang boses na 'yon.

KaupeWhere stories live. Discover now