Chapter 4

30 0 0
                                    

Kaupe

"Ito. Ito nakita ko na!" Malakas na sambit ni Pete habang hawak-hawak ang pahina ng librong nasa harapan namin. Alas otso na ng gabi ay nandito pa rin kami sa library ng school. Sandali akong napatigil at tinignan ang mga nakasulat sa librong iyon na binasa ni Pete.

"Werewolves Origins: Norse legends spoke of Fenrir, the son of Loki and a wolf-like being. Fenrir was father of both the wolves and werewolves. The gods learned of prophecies that forecasted terrible things about Fenrir, so they tied him up. In retaliation, Fenrir ripped off the hand of the god Tyr. Delish."

Nang basahin iyon ni Pete ay napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi naintindihan. "Ano raw?" Tanong ko.

"Kahit kailan ka talaga, Row. Ang hina mo sa English." Kamot ulong sagot ni Pete.

"Ang sabi rito, si Fenrir ay isang werewolf at s'ya ang sinasabi na father of both wolves and werewolves. Si Fenrir ay anak ni Loki. Kilala mo ba si Loki?" Dagdag pa ni Pete at itinuloy ang pagbuklat sa libro.

"Oo, si Loki. Kapatid s'ya ni Thor 'di ba? Napapanood ko 'yon sa mga movie ng Marvels e, sa Thor at Avengers hahaha." Sagot ko.

"Oo, tama ka d'yan. Nabasa ko rin sa Norse mythology noon na kaya rin magshape shift ni Loki pero hindi ko alam na may naging anak s'ya hehe." Sambit pa ni Pete. Napakamot naman ako sa ulo kasi hindi naman ako mahilig magbasa ng mga mythology and legends. Nagpatuloy pa si Pete sa pagbabasa sa mga nakasulat sa libro. Marami pa s'yang binasa na mga Greek, Roman and French mythology and Legends na pilit ko na lang na iniintindi.

"The French outbreak: Back in the 1700s, southern France fell under siege by a werewolf epidemic. Over 100 people were killed by a pack of creatures known as the Beasts of Gevaudan. The French Army was called in to fight this threat, although many suspected the bloodlust was carried out by dog-wolf hybrids."

Habang nagbabasa si Pete ay tinitignan ko ang picture ng dog-wolf na sinasabi sa libro. Medyo hawig ito ng malaking aso na nakainkwentro namin ni Dylan sa gubat.

 Medyo hawig ito ng malaking aso na nakainkwentro namin ni Dylan sa gubat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maya-maya pa ay naaalala ko ang  kinuwento ng lola namin sa Hawaii noon.

"Pete, wala bang Hawaiian Mythology o Legends dito sa libro?" Tanong ko. Napakunot naman ang noo ni Pete pero hindi na s'ya nagsalita. At ilang sandali lang din ay nakita n'ya na ang tinatanong ko.

"Mayroon dito sa libro about sa Kaupe." Sagot ni Pete na itinuloy ang pagbabasa. May ilang facts pa kaming binasa sa mga libro at maging sa internet ay naghanap na rin kami. At isang kuwento ang pumukaw ng atensyon ko. King Laycon: The First Werewolf kung saan sinasabi na pinarusahan ni Zeus si Haring Laycon dahil pinakain s'ya nito ng karne ng tao. Kaya naman ginawa s'ya nitong werewolf bilang isang sumpa.

KaupeWhere stories live. Discover now