Chapter 17
Primrose
My head and eyes ached a bit. Leaning backward, I grabbed the bottle of water on my table. I inhaled deeply, allowing my heart to calm even just for a second.
"You haven't eaten your food and you work so hard that I'm starting to worry, Primrose," Ate Alice eyed me with a look full of sisterly concern. "You've been like that the past few days. Kinakalimutan mo na naman alagaan iyang sarili mo! Tapos lagi ka pang wala rin sa mood dahil sa stress."
"Ate Alice, I'm fine. I just really want to prove to the others that I deserve this position," I replied calmly, shutting my eyes.
I heard her sigh dramatically, "Do you have a problem or what? Minsan parang wala ka sa sarili mo, eh."
Kahit na nakapikit ang mga mata ko ay alam kong nakatingin siya sa akin kaya naman umiling ako bilang sagot.
Kung tutuusin ay hindi ko na rin alam anong nangyayari sa akin. Nagsisisi talaga akong pumunta pa noon sa recording studio, tapos panay pa ang basa ko sa tweets ng fans nina Loey at Karlin. There's something I don't know yet but I wanted to forget, that's why I poured my time and attention to my work. I was trying to push the uneasy feeling and unwanted thoughts away. I shook my head mentally and tried to reply to some emails.
"You don't have any important meetings or appointments to do for now," ate Alice said. "Why don't you go home early and rest? You'll be busy soon, so take this time to relax a bit, especially tomorrow."
Tahimik akong tumango sa kanya't hindi na nakipagtalo pa. Day-off ko bukas, pero siguro ay nararamdaman niyang mag-aasikaso pa rin ako kahit na dapat ay magpahinga ako. Sunod-sunod ang schedules, awarding at iba pang commitment ng artists namin kaya naman marami rin kaming dapat ayusin.
"Ate Alice, kailangan ba talaga akong pumunta sa music festival?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa schedules ko sa mga susunod na araw.
She nodded, "Yes. It's also our way for you to be introduced as the CEO of Empire. The media shouldn't know about your existence, but the artists from different companies and producers already know your name, not your face. That's why you must attend that show. Don't worry, there won't be any reporters inside the venue, and you can stay backstage if you want to or you can blend with the fans."
I heaved a deep sigh before giving a small smile. I may not exist in the public's eyes, but behind the camera, I need to reveal myself, especially those who work in the same industry as our company. It's all thanks to the contracts that were still hidden and protected from the public's judgment.
May mga kilala na akong CEO ng ibang kompanya na tago rin, isa na roon ang pinsan ko sa side ni mommy. Mas bata siya sa akin, pero siya na agad ang humawak sa kompanya ng daddy niya dahil iyon ang gusto niya. Hindi ko nga maisip kung paano niya pinagsasabay ang pag-aaral sa trabaho, eh.
"Oo nga pala, sa show na iyan ay tatlong artist natin ang may performance, tapos ang emcee ay si Rence kaya mas magandang ipakita mong nandyan ka para sa kanila," dagdag niya.
Tamad akong tumango sa kanya bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Bakit ka nandito?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko, "Kasi nakatira din ako rito?"
I rolled my eyes, putting my bag on the center table. I heard him chuckle a bit before returning his gaze on the tablet he's holding.
BINABASA MO ANG
The Secret CEO
RomancePrimrose Foster is the future secret CEO of a famous entertainment company. However, she needs to fulfill her father's condition in order for her to take the position... Marriage. Primrose is not a fan of marriage for convenience, but she is willing...