5

1K 73 5
                                    

"Tinatawagan ako ni Bren."

Bago pa man din ako makakilos ay agad siyang tumayo at sinagot. "O-oh bakit ka napatawag." sinabi niya habang hindi mapakali at paikot-ikot sa kwarto. Labag man sa loob ko pero lumapit na ako at hinakawan ang kamay niyang nanginginig sa kaba. "Kalma ka lang nandito ako." mahinang bulong ko habang pinaglalaruan ang mga daliri niya para makuha ang atensyon niya. Mukhang gumana at tumigil na ng bahagya ang panginginig. Hindi ko na binitawan ang kamay niya at nakinig na lang sa kanila.

-Nasaan ka Jade? Magkita tayo.-

Pumintig ang tenga ko sa sinabi ng lalaking to. Tinignan ko ang mukha ni Jade noong sinabi ni Bren na magkikita sila, nadismaya lang ako sa nakita ko. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya na parang alam ko na ang nangyayari. Nakakagalit ang katangahan ni Jade.

Pero hanggang ngayon naniniwala pa din akong may kahit katiting na utak itong si Jade at tatanggi. Pinisil ko ang kamay niya dahilan para tumingin siya sakin. Wala, ganong saya pa din yung nakikita ko. Saya na alam kong babalik siya kay Bren.

Unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya sakin at tinignan ang relo.

"Nandito lang ako kila Ly, malapit ka lang dito diba?" masayang sagot niya kay Bren.

Hindi ko na mapigil at nagsalita na ako. "Jade ano ba yan?" halata ang inis sa boses ko pero hindi niya yon pinansin.

-Kita tayo dyan sa Gate nila ha? Alam ko naman yung papunta dyan. Sunduin kita ngayon, alis tayo. Farah's sleeping naman.-

Dinig na dinig ko pa ang bungisngis ni Bren, isang literal na demonyong pinagkasya sa katawang tao.

Nakita ko naman ang pagkailang sa mata ni Jade dahil alam niyang nadinig ko ang sinabi ni Bren. Hindi ako kumibo at lalo lang ako nagagalit habang nakikita ko siya.

"Okay lang ba na magkita tayo? What if mahuli tayo?." mahinang bulong ni Jade. Kinuha na niya ang mga gamit niya at halatang handa na umalis. Nakakagalit! Kayang kaya niya kalimutan ang lahat para sa Bren na yan!

"Aalis pa tayo diba?" sinabi ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.

Tinignan niya ako at binaba saglit ang phone mula sa tenga niya. "Sorry Ly hindi na ata tayo tutuloy, sorry sa istorbo." pagpapaalam niya.

Naramdaman ko ang matinding pag-init ng ulo at ang pangangailangan sa sampalin si Jade para magising. Huminga ako ng malalim at marahas na hinatak ang kamay niya para humarap sakin. She's being too dumb!

"Hindi ka aalis Jade. Sa akin ka sasama." matigas na pagkakasabi ko. Kita ang pagkagulo sa mukha ni Jade pero hindi ko na to binigyan ng pansin, masyado pa akong galit para lumambot sa simpleng tingin niya.

"Itutuloy natin yang trip na yan, aalis TAYO." madiin kong sinabi.

"Ly pede naman natin ituloy sa susunod yang trip na yan. Makikipagkita muna ako saglit kay Bren." mahinang sagot niya na mas lalong nakainis sa akin.

"Bren nanaman t*ngina! Niloloko ka lang niyan Jade ano pa bang sampal kailangan mo para malaman mo na pinaglalaruan ka niyan? Hindi lang naman yan yung nagiisang nagmamahal sayo e! Andami dami!" Sigaw ko sa sobrang inis, puro si Bren nakakarindi.

Ngayon ay tinignan din niya ako diretcho sa mata. "Sino pa Ly?" madiing sabi niya sakin. Halata ang galit niya. "Kayo? Ly hindi na tayo bata para sa friendship love kemeru na yan!"

Nagagalit ako sa kanya pero nagsisimula na din akong lumambot. Hindi ko masabi kahit andami kong pedeng sabihin sa kanya na makakapagbago pa sa isip niya, pero sa kung anong dahilan wala na akong maisagot. 

I can't tell her na nandito ako, her other choice.

Binawi niya ang kamay niya at nagbabadya na lalabas na sa kwarto.

"Sumama ka sakin. Just like what you told me, one trip para matulungan ka." pahabol ko habang sinusubukan kong pigilang umiyak.

"Isa lang Jade please."

Tumigil si Jade at muling lumapit sakin. Wala na ang galit sa mukha niya at napalitan na ng awa.

"Ly isang kita lang naman namin ni Bren. Pagkatapos ituloy natin yang trip na yan." sabi niya habang sinusubukan ako pakalmahin.

Napangiti ako ng mapait, as if na magkikita lang kayo. Hindi ka na babalik Jade pag hinayaan kita. I knew you too well, babalik ka sakin pag nahuli kayo.

"Just this one Jade. Sumama ka sakin and I'll handle everything. Kumuha ka lang ng mga gamit mo ngayong gabi sa bahay niyo." sabi ko.

Bumuntong hininga lang si Jade at unti-unting tumango na ikinasaya ko at ikina-kaba ko. I'm about to risk myself in here, I knew too well how much I like Jade. Who knows kung anong mangyayari during the trip.

Napangiti ako sa kanya at sinagot niya ako ng konting tawa. She looked at her phone for a second and I can see her surprised look.

"Sh*t hindi ko nababa Ly."

A One-Way Trip {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon