16

797 53 7
                                    

Lily's POV

"Ly kelan mo na discover?" kalabit sa akin ni Jade habang nakasandal ang ulo sa balikat ko.

We're back at the 'bus', another 3-4 hours bago makarating ng El Nido, pudpod ang bottom mo sa tagal ng byahe.

"Hmm? Yung?"

Ngumiwi siya at parang nagaalangan. "Ikaw na ano, gayyyy.."

Natawa ako, halatang hindi siya komportable sa pagsasabi.

"I don't know matagal na e. Highschool?"

"Nung kami pa ni Bren?"

"Way, way before that. Unang boyfriend mo pa nga lang ata."

Kinurot niya ang tagiliran ko na may panggi-gigil.

"Tigilan mo yan! Nakakailan ka na!" saway ko habang tinatakpan ang namumula kong tagiliran.

"Ang tagal Ly! Bakit mo ba tinago parang ipagkakalulong naman kita pag nalaman ko!"

Ngumiti ako, "Would it change a thing ba if you knew sooner?"

Kita ko ang pagkabigla niya at biglang lumingon sa bintana. "Baka, I used to like girls naman din nung highschool tayo."

Para akong nakalunok ng buto sa bigla! Anong?

"WERE STOPPING BY A GAS STATION PLEASE BUY THINGS YOU NEED AT THE STORE BEFORE WE PROCEED TO THE TRIP." sigaw ng payatot na lalaking matinis ang boses. Nagsitayuan ang mga tao at nagsibabaan na ang iba.

"Ano Jade?"

Tumayo si Jade at mukhang aalis. Hinarangan ko ang maliit na daan para hindi siya makaalis.

"Anong sinabi mo?" pagpupumilit ko.

Tinignan niya ako at tumawa. Umupo na uli siya, "Wala yun puppy love?" tawa niya uli.

"With whom?" tanong ko. "Kristel?"

"Nooo! Ayoko don Ly remember? Maarte." ismid niya.

"Desiree?" tanong ko uli.

Napaisip siya, "Konti? pero hindi sa kanya ha."

Ako naman ang naguluhan, kakaunti lang kaming babae sa classroom.

"Felicity?" ang muse ng classroom for years.

"Ang tagal mo naman banggitin yung pangalan mo." tawa niya.

Ramdam na ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko, parang ilang yugyog na lang ng bus na to at mamumula na pati yung loob. Ako sh*t. AKO

"Nangamatis." pang-aasar niya sakin. I DON'T CARE, NAGKAGUSTO SAKIN TO.

"Matagal na yun. I'm just confused noon no worries." dagdag niya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

Umiling siya at parang nahihiya. "Hindi ko alam kung gusto mo ko that time Lyy."

"I D-"

"MAAM SIR PLEASE GO BACK TO THE BUS NOW WERE ABOUT TO CONTINUE OUR- pre anong english ng lakad?"

Bumulong ang driver, "Walk pre."

"OUR WALK."

T*ngina walk.



-------------

El Nido

Tinitignan tignan ko si Jade na tumatakbo takbo na agad sa labas habang ako ang namromroblema sa pagbobook. Itinabi ko muna sa gilid ng counter ang mga maletang halos kay Jade lahat.

"Hi ma'am may I help you?" ngiti sa akin ng babaeng receptionist.

Inayos ko ang damit ko at ngumiti, "May available pang room?"

Tinignan ako ng receptionist ng may ngiti. "Yes miss single po?"

Inisip ko si Jade, yes single bed.

Napatawa ako ng kaunti at saka tumango sa kanya. "Yea single."

Finill-outan ko na ang form at nakapagbayad na. Aalis na sana ako para kunin ang mga bagahe ng tinawag ako uli ng babae.

Inabot sa akin ang isang maliit na papel at ballpen, "Number mo miss pakilagay."

Naguluhan ako, bakit kailangan nakahiwalay? Naguluhan man ako pero sinulat ko na din ang number ko sa papel.

Biglang sumulpot si Jade at parang naiinis. Tinignan niya yung sinusulat ko at saka bumaling ng tingin sa receptionist. Hinatak niya ang papel na maliit at nilukot lukot.

"Single bed miss, hindi single si Ly." at saka ako hinatak kasama ang mga bagahe papuntang elevator.

WTF?

-----------

1PM

"Why are you so madddd. Hindi ko naman alamm." Panunuyo ko kay Jade habang pinipigilan ko ang sarili kong tawa.

"Sabi ko walang landian Ly e. Tayo nga muna diba!" naiinis niyang sagot at mas lalong binilisan ang lakad papuntang beach.

"I am not flirting!"

"Hindi ka nga yung babaeng kausap mo naman lantaran." napahawak siya sa ulo at mukhang naiistress. "My god Ly hindi kita maiwan kahit saglit!"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. "Okay na sinabi mo na nga na hindi ako single e."

Tinignan niya ako ng masama, "Sinabi ko yun for VERON!"

"Hindi naman kami. Ayaw mo din." pang-aasar ko. Hindi sumagot si Jade, mukhang nagiisip ng isasagot.

"Gulo moooo." dagdag ko pa sa inis niya.

Tumingin siya sakin at saka ako hinatak sa tabi niya. "Basta! Magbehave ka!"

Ang cute, sinabay na ako sa paglalakad niya!















A One-Way Trip {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon