21

693 42 1
                                    

Lily's POV


"Can we still do this? Nakakailan na ba tayo Jade susuko na katawan ko e." I said. Hindi ko sure kung pang-apat na island na ba to o pangatlo.

Jade pouted, "Puro ka reklamooo! Parang kada island natin you're irritated." I felt guilty. Aware ako na puro reklamo ang ginagawa ko but I can't help it! May motion sickness ako.

"Sorry, sumasama na pakiramdam ko." kasabay ng pagpipigil ko uli sa sukang lalabas nanaman.

She sighed, "Hay nako Ly. Dito muna tayo fine hanggang sa maging okay ka." at saka siya umalis. Iniwan ako dito sa pampang habang nagtatampisaw na siya sa tubig.

She's smiling a lot mukha siyang at peace finally ngayong malaya siyang pumunta kahit saan niya gusto and I feel proud being part of that happiness. Kahit maliit na ambag, I'm proud.

Kinuha ko ang phone ko at patagong pinicturan si Jade habang suot suot ang sumbrero kong inagaw niya kanina sa bangka. She's suits well in a brown two-piece. Napangiti ako noong nakita ko yung batang taga isla na parang nabibighani kay Jade kung makatingin.

'I know the feeling.' sabi ko sa sarili ko. 

Minutes have passed at patuloy lang ako sa pagpipicture kay Jade ng mahuli niya ako, hindi na ako nageffort na itago pa. She already saw it.

"Para kang stalker dyan ha." sabay upo niya sa tabi ko. Pinagpag ko ang mga buhangin sa binti niya, hindi naman siya nagprotesta at hinayaan ako. Mukha siyang batang gusgusin dahil sa dami ng buhangin. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

I want this feeling, alagaan siya.



----

We continued our trip. It's midnight and kakagaling lang namin sa tour na sinamahan namin, the only highlight of the day is the moments na nagpipicture kami. We became close and I felt happy. She's clinging to me more than usual. Progress to diba?

Lumingon siya sa paligid hanggang huminto ang mata niya sa isang coffee shop. "Coffee date? G?" ngiti niya. Hindi naman niya ako pinasagot at hinatak na ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hawak niya ang kamay ko o hihimatayin na sa mga ginagawa niya.

----


"Eto sayo oh, I knew you hated iced-coffee." sabay abot niya ng mainit na kape sa harap ko. Tumuloy na siya sa pag-upo at humarap sa akin habang sinisipsip ang iced-coffee niya. I know na hindi siya aware pero kinikilig ako sa kahit anong ginagawa niya para sakin, even small gestures! 

"Maganda dito no?" panimula niya. I looked around and agreed, hindi ko masabing hindi ko maappreciate ang ganda ng lugar, I've been staring at her for hours.

Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa table na ikinabigla ko. Tinignan niya ako na parang walang nangyayaring hawakan ng kamay. Again, the butterflies.

"Ly anong gagawin mo pag nakauwi na tayo?" she asked. Now that she mentioned it, wala pa akong plano. Nageexpect kasi ako na maiuuwi ko siya na meron nang kami and I feel na malapit na. 

"Ewan tatapusin ko lang tong College. Then ibang bansa." I said plainly. Ayun naman talaga ang original plan. Sa ibang bansa ako magtratrabaho pero I'm still hesitating because of her. How can I leave her diba? We're having a progress. Ramdam ko!

Lumungkot ang mukha niya. Kinilig nanaman ako, alam naman na din niya naman dati pa na hindi ako magiistay dito and the only part na hindi niya alam is yung balak kong magstay kapag naging kami. Gusto ko sabihin na magiistay ako for her pero naunahan niya ako.

"Sure na yun? Wala nang babago?" malungkot niyang tanong. 

"Meron. But I don't know. Mukhang malabo." I laughed because its true, malabo ka Jade.

 Mukha siyang nalugi, she didn't answer so ako naman ang nagpatuloy. "Ikaw?"

Binalik niya ang kamay niya sa inumin niya, "Dates? Anything na makakapagpalimot kay Bren." Napaisip ako. So she's still affected kay Bren pero atleast she have the will na para iwan si Bren.

"Any candidates?" pabiro kong sabi. 

Mukha siyang nahiya at sumipsip ng kape niya, she's acting weird.

"Ano." nagdadalawang isip niyang sabi. "Kilala mo na si Terrence diba?"

---



Nawala ang atensyon ko sa mga sinasabi ni Jade. Nakatulala na lang ako sa kapeng lumalamig na. Hindi ko na din feel maiyak pa after ba naman ng lahat ng pinagdaanan ko dito. Nag build up na lahat ng pain ko kay Jade for years, kahit magalit hindi ko na mafeel. I feel numb and dumb. 

It's kind of funny na after all those pakilig nag end up pa din ako sa gantong sitwasyon. I had Veron pero hinayaan ko, I even hurted her. Napaka-t*nga yet nandito ako kay Jade. I knew this trip is a major b*llshit. Kaya nga ba ayokong sumama nung una pa lang. Hinintay ko pang kung ano ano yung mangyari, nandamay pa ako ng ibang tao just for this sh*t. Para lang mapansin ako ni Jade yet hindi pa din ako. Mas napili pa yung Terrence na kaka-meet lang what a big joke.

I unconsciously chuckled sa harap ni Jade. Mukha siyang naguluhan  pero I didn't bother.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Jade. I shrugged immediately, masyado akong lutang to even think about a reason.

Bakit nga ba.

"I said magkikita kami ni Terrence sana ngayon. Okay ka lang ba mag-isa sa hotel? Uuwi ako agad." 

There. Eto ata ang nafeel ni Veron nung iniwan ko siya sa hotel. I feel more guilty kay Veron kaysa sa pain na binibigay ni Jade ngayon.

I smiled bitterly. "Don't bother Jade. Uuwi na din naman ako. Kailangan na ako ni mama." kinuha ko na ang mga gamit ko sa table at aalis na sana.

Halata ang pagkagulat niya, "No! Sabay tayong uuwi!" she was about to also take her things pero pinigilan ko siya.

"Go for it Jade. Aantayin ka ni Terrence." sinubukan kong sabihin yun na parang wala lang.

"No sasama ako sayo pauwi." pagmamakulit niya.

"Jade!"

Sigaw ng mestisong lalaki na papalapit sa amin. Si Terrence.

Hindi pa din nagpatinag ng tingin si Jade sa akin. 

"Una na ako. Goodluck Jade!" pagmamadali kong umalis.

"Huh aalis ka na? Sama ka na muna." pahabol ni Terrence. Hindi ko na siya pinansin at tumuloy na sa labas. Dinig ko ang pagtawag ni Jade pero hindi na ako nagpatinag. 

Napatingin ako sa langit. Umuulan pa nga.

Lumingon ako para sana silipin ang humahabol na si Jade. 

Wala. Wala nanaman si Jade.

A One-Way Trip {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon