24

664 34 1
                                    

Lily's POV 

"Are you okay miss?" kalabit sa akin ng babaeng may hawak na tuwalya.
I nodded and smiled. She insisted on me taking the towel kaya kinuha ko na din.

Nakita ko ang paglingon niya sa labas noong umaandar na. "There's someone crying outside.." sabi niya ng nakadungaw pa din. I didn't dare to look, ayokong magsisi if ever.

"I'll pay the towel miss. Thank you." kasabay ng pilit kong ngiti. She looks like a foreigner. Mukhang dayo lang din sa lugar na to.

Lumingon na siya sa wakas at agad na umiling. "No, no! It's fine! You're dripping from all the rain outside you must have been cold." malamlam ang boses niya.

Nagpasalamat na lang uli ako at hindi na siya kinausap uli. Mukhang nakaramdam naman siya at kusa ng tumahimik sa tabi ko. I didn't mean to be rude pero wala pa talaga ako sa wisyo.

Hours have passed at gising pa din ako, tuyo na ang buhok ko at wala pa ding pahinga ang mata ko. Halos lahat na ng pasahero dito humihilik na pero ang utak ko nasa Palawan pa din, still stuck at her side.

Napahikbi ako, ngayon na lang ako umiyak uli. I can't call anyone. Not even Veron, andami ko ng atraso sa taong yun. Abusado na ako masyado.

I can't even call Cass. She's with Veron and maybe galit na sa akin dahil sa ginawa ko sa kaibigan namin.

I'm too frustrated, tired, and literally drained.

I don't wanna think about her. At least hindi ngayon. Kailangan kong asikasuhin ang sarili ko, naubos ako kay Jade.

I sighed but then tumunog ang phone ko. Hindi si Jade but si Mama. Tinext ko siya kanina tungkol sa pag-uwi ko.

I cleared my throat at saka na sinagot.

"Ma."

-Uuwi na kayo ni Jade? Bat ang biglaan ata?-

"Hindi ma." I sighed. "Ako lang uuwi."

-Why? Nag away ba kayo?- I can hear her worry pero hindi ko masabing I got rejected, how can I explain to my mom na nagkagusto ako sa kaibigan ko.

"No, ano. " how can I explain. "She got company. I got tired din ma. Uuwi na ako. I'll see you in Manila maybe later?"

-Fine. See you in a bit, ingat.- she ended the call.

Pagkabalik ko ano bang gagawin ko? ikukulong ko ba ang sarili ko o gagawa ng paraan para makalimutan siya.

Bigla ko naalala yung offer sakin ng tita ko. Magpatuloy sa ibang bansa. I postponed it dahil kay Jade but now? Wala naman ng pipigil.

I laughed at my own thoughts. I'll restart pero this time wala si Jade.
I mean hindi naman naging kami pero yung pain na binigay niya all this time? daig ko pa ang jowa.

Akala ko talaga we can pull it off. Masyado akong umasa at her innocent actions.

I should be fine.
Without Ja-

"What are you thinking?" biglang sulpot ng babaeng katabi ko kanina. Halos lumundag ang puso ko sa gulat.

"Sh*t t*ngina. Don't scare me like that." hawak ko sa dibdib ko.

"Sorry! Sorry! You're too deep in your thoughts and please no cursing." sabi niya habang natatawa-tawa pa.

Hindi ko na lang siya pinansin uli at babalik na sana sa pagiisip pero desidido siyang guluhin ako.

"Where are you heading to?"

Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis, mukhang napansin niya ang pagkairita ko.

"No need to be so grumpy! You're crying like the lady at the station earlier."

Naisip ko si Jade. Hindi kaya si Jade yung nakita niya?

No! Stop Ly. Gising ka na. Wag ka na bumalik pa.

"I'm going back to Manila." pagbabago ko ng usapan.

Ngumiti ang babae at parang naeexcite. "OMG, I'm also heading there! I'm visiting our old place there. Wouldn't you like to meet with me there? or perhaps we could arrive at Manila together!" sunod sunod niyang buwelta. She's cheerful like --

No.

"No thank you miss. I have a lot of sh*ts going on. I'm pretty much like a walking bomb." pagbibiro ko para lubayan niya ako.

Ngumiwi siya at nagkibit balikat. "Yea I can see that. You're leaving this place with a heavy heart."

Hindi ako makasagot. Totoo naman kasi although I am not leaving this place because I hated it instead I was escaping from what happened in here. Ayoko namang magstay at makita siya araw araw na parang walang nangyari.

Hindi ko namalayan na naluha na ako, agad agad namang kumuha ng panyo ang foreigner at pinunas sa mga luha ko. "H-hey I didn't mean to make you cry! What even happened to you back there?"

Humikbi lang ako ng humikbi. I can't continue like this, puro siya naiisip ko.

"I'm Cali. Don't cry. You've been crying the whole time! Give yourself some break."

Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapacomfort sa taong hindi ko kilala.

We somehow talked for a little while. Foreigner nga, she's from Canada pero ang Papa niya ang nagiistay sa Manila. I told her a little detail why I am here.

I shouldn't be too friendly sa hindi ko kilala pero wala akong masabihan this time.

She listened. Halata ang inis niya kay Jade sa tuwing sinasabi ko ang nangyayari, she's reacting a lot. Nasasabi ko lahat.

Biglang tumunog ang phone ko. Si Jade.

Tinignan ko si Cali na parang nagiintay na sagutin ko. Pero hindi, nakapagdesisyon na ako.

Binaba ko ang tawag ni Jade at tinignan si Cali.

"I'm Lily."

No more Jade. Wala ng pagpapakatanga. No more heartbreaks.

A One-Way Trip {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon