28

686 35 0
                                    

Jade's POV 

Is this a bad idea? Kaibigan ko naman siya pero why am I acting weird?

It's been a month or so since nung last na punta ko kila Ly. After that? I'm literally stalking her. Like ngayon, they are eating in a fine resto. A place na I didn't know that Ly's interested in. She's eating with her mom at for some reason si Cali. 

I don't have any grudge against Cali don't get me wrong. Nalaman ko din na bumibisita-bisita na lang siya kila Ly. Hindi lumalabas ng mag-isa si Ly,

how did I know? Nag aabang ako.

Alam ko namang wala akong sasabihin sa kanya pero nagaabang pa din ako while keeping myself from her sight. I wait for the right moment na iapproach siya.

Biglang tumayo si Ly sa kinauupuan niya at mukhang lalabas ng resto, agad akong nagtago uli. Ayokong magpahuli. I look sketchy as hell, hindi ko alam bakit ko naisipang magsuot ng tagong tago.

Ilang minuto lang ay sumilip uli ako, si Cali at Tita pa din ang nasa table. She's taking too long. Baka lumabas na?

"Hanggang kelan ka magtatago?"

Natumba ako sa gulat, galing sa likod ko ang boses.

"S-sorry." nauutal kong sabi ng hindi tumitingin sa kanya, nahuli ako.

I can hear her sigh, "Ang pathetic niyo ni Veron." 

It's Cass. I called her para sana magkaron ng excuse para makapasok din sa restaurant. Napakamot ako ng ulo, she's right.

"Asaan si Veron?" 

Lumabas ang pinipigil niyang ngiti. "Sa bahay ko." maiksi niyang sagot. 

Pinagpag ko ang pantalon ko at inayos ang suot kong sumbrero, "It's a good thing na nagkakamabutihan na kayo."

Sinagot niya ako ng tawa at hampas, "Luh, broken na broken ha. Takbuhan ba ako ng mga tulad niyo?"

I laughed, nalaman ko na ang meron kay Veron at Ly. It's sad and I felt guilty. Alam nilang gusto ako ni Ly habang tatanga-tanga akong nakikipaglandian sa iba that time.

"So, malinaw na ba sayo lahat?" pag-upo niya sa tabi ko.

"Siguro, it took me too long to realize." pagbaling ko ng tingin sa resto ay nakita ko na ang pabalik na Ly, she's smiling.

Bigla akong hinampas sa likod ni Cass, ramdam ko na babakat ang kamay niya sa lakas. 

"Bakit ngayon lang?"

Napayuko ako, bakit ngayon nga lang ba.

"I was not sure Cass, straight ako." napabuntong hininga ako. "Well at least I used to." mahina kong dugtong.

Tinakpan ni Cass ang bibig niya na parang nagpipigil ng tili habang tuloy tuloy sa paghampas. "Jade! Ang sarap mong sabunutan bakit ka ganyan!"

Natatawa kong hinaharang ang bawat hampas niya, "Sorry! Hindi ko napansin hanggang sa siya na yung umalis e." pangangatwiran ko, "After seeing her live with Cali, doon ko lang narealize kung bakit ako naiinggit." napasilip ako sa nakaupong Ly at masayang nakikipag kwentuhan. "Akala ko I'm acting normal towards her. Ngayon ko lang din nalaman na it was gay and I am not aware of how clingy I am."

Tumigil na siya sa panggugulo at parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya.

"I like her. Aware na ako Cass."

----------

"Ang weird ni Lily. Ano bang ginawa mo Jade?" panguusyoso niya sa akin noong tinitignan namin si Ly na naglalaro sa arcade. She never liked it here, totoong weird nga.

"Sabi niya ayaw niya sa ganto kasi ang ingay pero tignan mo!" tinuro niya si Ly na sunod sunod ang shoot sa basketball.  "Sobra ginawa mo Jade. Hindi na si Lily yan e."

Napangiwi ako, "Shh! Baka she's enjoying her life lang. Trying things she haven't tried yet diba?" 

Tinignan ako ni Cass ng masama at tinuro ang inumin na hawak ni Ly.

Lumingon naman ako at pinilit tignan ang hawak niya.

"Ha?"

"Ha! Sabihin mong trying new things ka dyan." pang aasar ni Cass.

She's drinking iced-coffee..

"Sure akong sasakit sikmura niya mamaya." umiiling-iling na sabi niya. That's true.

"She shouldn't take that! Itong si Cali naman e!" naiinis kong bulong.

Huminga ako ng malalim at sinuot na uli ang sumbrero ko. Bahala na.

"Hoy saan ka pupunta?" mahinang saway ni Cass sa akin pero desidido na ako.

"I'll snatch her coffee. Dito ka lang." at saka na ako nag lakad palapit kila Cali na busy pa din maglaro.

I look sketchy as hell ano ba tong pinasok ko.

Nagmamadali akong tumabi sa katabing ring at magkukunwari sanang maglalaro.

Pero ngayong nakalapit na ako saka ko pa naalala ang wala ako. Paano ako magkukunwari kung wala akong token.

Naaamoy ko ang pabango niya mula dito sa pwesto ko. Back out na kaya ako?

I can hear her laughing. Mukhang nageenjoy siya sa nilalaro niya.

"Miss oh, you ran out of tokens no?" si Ly! she's offering me some tokens f*ck!

Yumuko ako lalo at tumango. Halos makuryente ang daliri ko nung nahawakan ko ng kapraso ang palad niya.

"You're Ja-" tumigil si Cali na parang alam niya ang nangyayari. Please makaramdam ka.

"Lily can I check auntie for a second? I also need to drag my ass to the comfort room! See you!" nagmamadaling alis ni Cali. Sh*t, sabi ko makaramdam ka hindi lumayas ka.

"Hey wait don't leave me here!" pagproprotesta niya.

Sobrang lapit namin. Malapit na magkadikitan ang balikat ko sa kanya. She looks prettier ngayong mas malapit ako sa kanya. I can tell that she also changed her perfume, hindi tulad ng suot niya lagi dati.

Yet, she's still the old goody shoes Ly. Ready to offer a token sa isang taong hindi niya kilala.

I wanted to hold her, pinipigilan ko ang sarili kong hatakin siya at umasang magiging okay kami if I did that.

Hindi na ako nagatubili pang kunin na ang iced-coffee at lumayo. 

---------

Hawak hawak ko pa din ang token na binigay niya habang nakangiti na parang tanga.

"Nagbuwis buhay ka para sa iced-coffee?" naiiritang sabi ni Cass noong palapit na ako sa kanya.

Tumango ako na halatang kinikilig pa. "You know naman kung gaano sikmurain yun sa ganon."

"Ang landi mo." tumalikod na siya at naglakad na paalis.

She gave me a token, small thing pero kinikilig ako. I learned to appreciate small things, it's been months since the last time na nakalapit ako sa kanya.

"Di mo naman magagamit yan next time." sabat ni Cass habang patuloy pa din ako sa pagiimagine na katabi ko si Ly kanina.

"I am not planning to use it naman e."

She laughed,  "Sana magkaayos na kayo, antagal ko na kayong shiniship nauna pa kaming maglayag e."

Biglang may humintong babae sa harap namin. Lumaki ang ngiti ni Cass at tumakbo para yakapin si Veron.

Nakita ko din ang paglambot ng itchura ni Veron kay Cass. Mukhang nagkakamabutihan nga sila, hindi ko mapigilang hindi maging masaya para sa kanila.

"Easy there, nerd." Napatingin siya sa akin at sumeryoso ang mukha. "Hi Jade."

"Uyyy bakit ka nandito?" dinig na dinig ko ang landi sa tono ng boses ni Cass.

"I'm picking you up."

A One-Way Trip {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon