Chapter 8

3.5K 215 30
                                    


"After natin dumaan sa Casa, dumaan na din tayo sa grocery Love, pang isang linggo n lang yung stocks nati-- nakikinig ka ba?"

Marahan pa ako nitong hinampas sa braso to get my attention.

"Oo." Tipid kong sagot ng di man lang siya tiningnan.

"Why are you so quite this past weeks Athena? Bakit pakiramdam ko lumalamig kana towards me. May problema ba tayo? May tinatago ka ba sa akin Athe--"

"Are we?" Pag puputol ko dito. "Or should I say..... Are you?"

Gusto ko sanang dugtungan ang tanong ko pabalik pero wag na lang dahil baka mapag mulan pa ito ng away namin. Nasa byahe pa nman kame patungong Bulacan para pumunta sa lupang binili niya doon dahil ngayon araw ang pirmahan nila ng dating may-ari para maipangalan na ito sakanya.

"What?"

"Never mind." Pag didismis ko sa usapan at muling tumingin sa daang tinatahak namin.

Hanggat wala pa ang resulta na pinadala kong DNA sample kay Cecile ay ayaw ko muna husgahan ang asawa ko hanggat maari, dahil paano kapag nag kamali ako ng pag dududa... Baka maging cause pa ito ng hiwalayan namin, at yun ang ayaw na ayaw kong mangyari.

Buti na lang di na siya nag tanong pa at napa buntong hininga na lang sumandal sa shotgun seat.

Muli kong tinuon ang pag mamaneho ko ngunit agad naman ako napahinto ng naabutan kame ng red light sa daan.

Narinig ko ang pag tunog ng telepono ko na hudyat na may nag text sa akin kaya binasa ko muna ito habang naka hinto pa kame sa intersection.

"Valerie's sister is already awake, she's looking at you. May gusto daw siyang sabihin sayo Athena."

"Who's that?" Dinig kong tanong ni Valerie sa akin kaya napalingon na ako rito.

Nasa telepono ko din ang mata nito na parang pinipilit basahin ang mensaheng nakasaad.

"It's Althea," sagot ko at muling pinaandar ang sasakyan dahil naka green light na,

Lumiko ako pa kanan na ikinataka ni Valerie,

"Bat ka lumiko?"

"Dumaan muna tayo sa hospital, gising na ang kapatid mo Val." May bahid pa ng tuwa ang boses ko siyang tiningnan.

"What?" Tila nagulat nitong tanong pabalik.

"Gising na si Dianne, kaylangan natin dumaan doon dahil gusto niya akong maka usap at importante daw--"

"Dumaan muna tayo ng Bulacan bago natin daanan si Ate."

Di maka paniwala akong tumingin sakanya at muling lumingon sa daan.

"Valerie, gising na ang kapatid mo. Di ka ba natutuwa? She's already out of danger--"

"I said!!!" Bigla tumaas ang boses nito na ikinagulat ko. "Dumaan muna tayo Casa bago natin daanan si Dianne."

"What's wrong with you Valerie? Mas uunahin mo ang meet up na yon, kesa sa kapatid mo na gising na? Alam mo mula ng na confined at nakoma ang kapatid mo ni minsan... Wala akong makitang pag aalala sayo. At ni minsan di kita nakitang dumalaw sakanya."

Di na ito sumagot at mas piniling tumingin sa harapan na bakas ang mga matang wala man lang pag aalala.

Hanggang sa nakarating na lang kame sa Bulacan na wala parin kameng imik dalawa.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now