Pagkarating namin ng Isla ay sinalubong naman kame agad ng mga kasambahay nila at kinuha ang mga pinamili ni Rachel."Manang paki handa naman ng miryenda namin please,"
"Opo Ma'am,"
"Thank you." Nakangiting sagot ni Rachel. "Paki dala na lang sa pool area."
Tumungo naman kame sa pool kung saan umupo naman ako dahil parang sumasakit ang ulo ko mula kanina pang umaga.
"Are you ok?" Nag aalalang tanong ni Rachel.
"Ye-yes I'm fine." Sagot ko at umupo ng maayos.
"Are you sure?" Tumango lang ako bilang sagot.
"Ok, mag bibihis lang ako love ha. Babalik ako agad."
"Si-sige" sagot ko habang hinihilot ang noo ko.
"Ok lang ba kayo Ma'am?"
Napa angat ako ng ulo ng tinanong ako ng matandang katiwala habang hinahanda sa harapan ko ang miryendang pinahanda ni Rachel.
"Opo Manang." Nakangiting sagot ko sa matanda.
"Parang namumutla ka iha? Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo ba ng gamot?"
"Hindi na po." Sagot ko at kumuha ng juice para uminom.
Parang napapadalas ang pananakit ng ulo ko nitong mga nakaraang araw. Sa tingin ko, kaylangan ko ng mag pa check up. Kakausapin ko na lang si Rachel tungkol dito.
"Alam niyo Ma'am sa tatlong buwan niyong pananatili dito ngayon ko lang kayo naka usap ng---"
Napatigil ako sa pag samsam ng juice ng marinig ko ang sinabi ng matanda.
"Ano ho?" Pag uulit ko.
"Kako sa tagal niyo dito sa isla ngayon ko lang kayo naka usap ng harap--"
"Ilang buwan ako ulit andidito?"
"Mag T-tatlong buwan po Ma'am, b-bakit po? May problema po ba?" Nag aalinlangang tanong nito pabalik.
"Tatlong buwan?" Pag kukumpirma ko muli.
"O-opo,---- t-tatlong buwan na po kayo andidito sa isla--"
"Manang,"
Napatigil ang matanda sa pag sasalita ng biglang pag tawag ni Rachel na nakatayo na pala sa likuran niya. Diko man lang napansin na andodoon na pala siya.
"M-ma'am, ah--eh, s-sige po aalis na po ako." Bakas ang takot nito.
Tumingin pa ang matanda sa akin bago kame iniwan ng tuluyan.
Napatingin na lang ako kay Rachel ng umupo na ito sa harapan ko. Nakangiting inilapag niya sa harapan ko ang isang jewerly box.
"This is for you Love, open it." Nakangiti parin nitong tugon.
Napatingin ako sa bagay na bigay niya na nasa ibabaw ng lamesa at muling tumingin sakanya.
"Is it true?" Kunot nookong tanong. "Tatlong buwan na tayong andidito?"
Nawala naman saglit ang ngiti nito sa labi ngunit agad naman bumalik at hinawakan ang kamay ko.
"Love---"
YOU ARE READING
Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)
Mystery / ThrillerAthena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but have a soft heart when it comes to the other people specially with her friends. All came smoothly until she met Rachel, which she caught bull...