Pag ka lapag na pagka lapag pa lang ng eroplano ay agad akong umuwi ng bahay at una kong hinanap si Madison.
Halos mahalugad ko na ang buong bahay ngunit ni anino ng anak ko ay walang sumalubong sa akin.
Agad naman nag si lapitan ang mga kasambahay ko para kunin ang maletang dala ko.
"Si Madison?" Agad kong tanong sa kasambahay namin.
Nag katinginan pa sila na parang nag tutulakan pa kung sino ang sasagot.
"Nasaan ang anak ko?" Ulit na tanong ko sakanila.
"Ma'am, hindi pa-- hindi pa po nakaka uwi."
"Ano?" Pasimple ko pang sinilip ang wristwatch ko ng mas lalong napa dagdag ng kaba at inis ko. "Mag aalas siyete na ah."
Agad kong kinuha ang telepono ko para e dial ang numero ni Ayesha, ngunit nakaka ilang ring na ay wala parin akong sagot nakukuha.
Naiinis na pinatay ko ang telopono at muling kinuha ang susi sa bulsa ko.
Babalik sana ako ng sasakyan ko para umalis para puntahan si Ayesha sa bahay nito ngunit napa hinto ako ng dumating na ang mga ito.
Buhat-buhat niya si Madison sa kaliwang braso niya at mukhang tulog na ang bata. Naka hinga naman ako ng malalim kinuha sa kanya si Madison.
"Andito kana? Akala ko ba bukas pa uwi mo--"
Di na natuloy ang sasabihin nito ng maagap kong pinigilan.
"Bat ngayon lang kayo? Alam mo ba kanina pa ako nag aalala sa inyo."
"Pasensiya na, nag aya kasi ang bata pumunta ng timezone para maka pag laro kaya dinala ko na."
Napatingin naman ako sa mga paperbag na dala niya na puno ng mga bagong laruan ni Madison.
"Bumili ka na naman." Inis na tinalikuran ko siya at tinungo ang kwarto ni Madison.
Ramdam ko ang pag sunod niya at binaba ito sa gilid ng higaan ng bata.
"Bata eh--"
"Alam kong bata si Madison, ang akin lang Ayesha. Hindi sa lahat ng oras binibigay mo sakanya ang mga luho o gusto niya. Sinasanay mo eh!"
"Athena-"
"Ang akin lang Ayesha, Ayaw ko lahat ng luho o kagustuhan niya makukuha niya na sa isang pitik lang ng daliri. Ayaw ko siyang maging katulad ko, lumaking sakim o kagaya ng Ina niyang may toyo ang utak."
Dinig ko ang pag hinga ng malalim ni Ayesha at mas piniling di sumagot.
"Athena,"
"Umalis kana."
Tinalikuran ko na ito at umakyat na sa kwarto ng anak ko.
Nang matapos kong palitan at bihisan ng pam patulog si Maddie ay lumabas na ako ng kwarto.
Ngunit napatigil ako ng hinawakan ni Ayesha ang braso ko kata napatingin ako sa pag ka hawak niya bago tumitig rito.
"I'm sorry." Sincere na sabi nito. "I just want her to happy Athena. Sana wag mong masamain ang mga binibigay ko sa bata."
Napakagat labing iniwas ko na lang ang tingin ko rito.
"Wag mo muna ako kausapin, pagod ako." Muli kong binawi ang braso ko sakanya at iniwan siyang mag isa.
I don't know why....
Pero inaamin kong nakakaramdam ako ng inggit at selos kay Ayesha.
YOU ARE READING
Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)
Misterio / SuspensoAthena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but have a soft heart when it comes to the other people specially with her friends. All came smoothly until she met Rachel, which she caught bull...